Narration

It was another fangirl day for you. Of course, kanino ka pa ba mag fafangirl? Syempre sa Your Majesty mong sikat na basketball player na si Jung Jaehyun. It's their semi-finals kaya kahit ang dami mong gagawin dahil med student ka ay pinalipas mo muna para maibigay ang buong surporta sa kanya. Ang tibay mo rin, paano mo nakaya yun? Ang hirap ng med ha!

You keep on tweeting para maipakita ang support mo sa iyong boyfriend pero this time you are using your personal account. Many people like your tweets for him. Habang busy ka sa kakatweet at kakapicture sa boyfriend mo ay may tumabi sayo.

"Hi!" sabi niya sayo wearing her sweetest smile.

"Hi Yeri!" bati mo sa kanya. You are wondering kung bakit mukhang masigla siya kesa sa huli niyong pagkikita na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Isa pa, it's very awkward para sayo dahil yung nangyari sa Twitter nung makaraan.

"So, kamusta kayo?" Tanong niya sayo. Hindi mo alam kung sinong kayo ang tinutuoy niya. Kung si Jeno o si Jaehyun. Kasi naisip mong baka nagseselos siya sa closeness niyo ni Jeno.

Speaking of Jeno, hindi mo alam kung bakit parang nanlalamig siya these past few days, namiss mo tuloy siya bigla.

"We're fine," your safe answer to her.

"Good to hear," she said with matching eye smile. Ano, Lee Jeno ang peg?

You breathe heavily, "Uhmm, I know you have history with Jae---"

Hindi ka niya pinatapos sa pagsasalita, "Wala ka naman dapat ikabahala sa'ming dalawa."

Wala nga ba?

"What I mean is, I hope you two become good friends... again."

"Oh! Naka shoot si Jeno! Ang galing talaga!" pagiiba niya ng topic at napabuntong hininga ka na lang ulit.

Natapos ang game nila at nanalo sila. As expected, ang galing talaga ng boyfriend mo. Lalapitan mo sana siya para i-congratulate pero biglang nagdagsaan ang mga tao papunta sa inyo.

"Oh si Ms. Yeri!"

"Kilala mo ba yung admirer na nagpaparamdam sayo?"

"I'm your fan po!"

"Papicture idol!"

"Ano pong masasabi niyo dun sa admirer niyo daw po?"

"Waaaaahhh!"

Madaming tao ang kinuyog pa si Yeri at nakikita mong pero nasasaktan na siya dahil duon kaya hinarangan mo ang mga taong papunta kay Yeri upang paprotektahan siya.

Ngunit, sobrang daming tao kaya na out of balance ka kaya napasubsob ka sa sahig at paputuloy pa rin ang mga tao sa pagdagsa sa kanya.

Dumating ang mga guard kaya nabawasan ang taong dumadagsa kay Yeri. Noong medyo lumuwag na, tumayo ka at pinagpagan ang damit nang makita mo sila Jaehyun na papalapit.

"Ok ka lang ba?" Pagaalala niyang tanong.

"Nasaktan ka ba?" Dagdag pa niya.

"Magingat ka kasi! Kaya yan nasasaktan ka!" Inis niyang sabi pero sabihin na nating nanduon pa rin ang concern.

Yung mga boses na yun ang mga gusto mong marinig galing sa kanya, yung pag aalala niya, yung concern niya at yung tipong susugurin niya ang taong may gawa nun sayo. Isa pa yung maramdaman mo yung pagyakap niya na feeling mo safe ka sa mga kamay niya at yung maramdaman mo yung pagmamahal niya.

Lumingon ka at narealize mong hindi ikaw ang nilapitan niya kundi siya.

Nakita mo ang pag aalala niya sa kanya.

Kita mo yung sama niya ng tingin sa mga taong nanakit sa kanya.

Natuklasan mo rin kung paano ang pagyakap niya sa taong mahal niya.

Taong mahal niya na...

Hindi ikaw, kundi siya.


ENTROPY | JaehyunBasahin ang storyang ito ng LIBRE!