A/N: Are you ready?

Tell me about your thoughts, please?

Thank you! Hope you enjoy reading this last chapter!

__________________


10 years later

"KBA player Jung Jaehyun, nasa maayos ng kondisyon matapos magkamali ng bagsak noong nakaraang laro," sabi nung reporter.

"Tsk, pasikat kasi," sabi mo.

"Matatandaang nanunuod ng laban ang kapatid na doctor ng ka-team nitong si Do Lucas na agad namang itong sinaklolohan kung kaya naagapan agad ang pag dudugo ng ulo nito sa harapang bahagi. Sa kasalukuyang nagpapahinga na ang manlalaro sa Seoul ASAN Hospital (KSGO)."

"Best news about me, so far," nagulat ka sa nagsalita at lumingon sa kanya. Sumilay sa kanya ang ngiti na nakikita mo sa kanya noon.

"Gising ka na pala, how's your feeling?" tanong mo sa kanya.

Umiwas siya ng tingin sayo, "Alam mo ba kung bakit best news yan para sakin?"

Itinaas mo ang isang kilay mo at nagtanong, "Bakit nga ba? Nasaktan ka na at lahat, the best pa rin sayo."

Tumingin siya sa mga mata mo, "Alam mo kasi kahit masakit, masaya ako sa nangyari kasi hindi ka nawala."

"Kamusta pakiramdam mo?" pag iiba mo ng usapan dahil hindi ka komportable sa sinsabi ng lalaking nasa harapan mo.

"Masakit pa rin," seryoso niyang sagot.

Nag alala ka naman agad, "Saan masakit?" sabay lapit sa kanya.

"Dito," sabi niya sabay turo sa puso niya.

Lumayo ka agad sa kanya at akmang lalabas na ng kwarto.

"Hanggang dito ba naman iiwan mo pa rin ako?" you stopped for a while pero patuloy pa rin ang paglabas mo.

But before you closed the door he speaked, "Hanggang kalian ka ba iiwas?"

Hindi natuloy ang pag labas mo ng kwarto at sinagot siya, "What do you want? Ano bang pinaparating mo? 10 years na ang nakaraan Jaehyun, 10 years!"

"Yes! 10 f*cking years! At yung 10 years na yun, nandito pa rin! Ang sakit pa rin! Akala ko ok na ako eh, pero pucha nandito pa rin," sabi niya sayo kasabay ang tulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Minsan lang kitang nasaktan pero bakit nagging ganito ang ganti mo sakin? Bakit Abcde? Bakit ka ganyang kalupit?" Pagkasabi niya niyan ay tumayo siya papalapit sayo na ikinagulat mo.

"B-bumalik ka na sa higaan mo, baka paano ka pa," nauutal na sabi mo sa kanya.

"Bakit? Nung iniwan mo ba ako, naisip mo ba na baka mapano ako? Hindi mawala yung sisi ko sa sarili ko kasi sinaktan kita. Inisip ko na baka nga kaiwan-iwan akong tao."

Natatitig ka sa mga mata niya at makikita rito ang sakit na dala dala ng puso niya.

"Hindi ka kaiwan-iwan Jaehyun, it's just that wrong timing ang lahat," sabi mo sa kanya sabay hawak sa balikat niya.

"Kailan? Kailan ang tamang panahon, Abcde? Sabihin mo at mag hihintay ako," he desperately said.

"I'm sorry," taging salitang lumabas sa bibig mo.

"I'm sorry? Nanaman? Lagi na lang bang ganito? Nung iniwan mo ako, ganito din ahh. Abcde naman, wala bang iba?"

"Sinunod ko lang ang sinabi mo, to choose what makes me happy," mahina mong sagot sa kanya.

"Hindi ba ako ang kasiyahan mo?" pagpipigil niya ng iyak. "Kulang pa ba ako?"

"Then you should have asked me kung ano ang pinaka-makakapagpasaya sakin." Natigilan siya sa pag hikbi at kumunot ang noo. "Kung ano ang pinaka-nakakapagpasaya sakin," pagpapatuloy mo.

"And that is to be your fangirl."

Tumawa siya ng bahagya at inalis ang hawak mo sa balikat niya, "T*ngina naman Abcde! Dahil lang dun kung bakit mo ako iniwan? Dahil dun kung bakit hindi mo sinagot ang mga messages ko? Dahil lang dun sa t*nginang utos kong yun! What the f*ck?"

"Hindi ko kasi ako maiintindihan, Jaehyun."

"Talagang hindi kita maintindihan. Akala ko ba mahal mo ako? Then, why?"

"Patawarin mo ako sa lahat," umiwas siya ng tingin sayo.

Huminga ka ng malalim, "Patawarin mo ako dahil nasaktan kita at hindi ko sinunod ang nararamdaman ko noon."

Iniharap mo siya sayo, "Patawarin mo akong muli dahil sasaktan nanaman kita at susundin ko ang nararamdaman ko ngayon."

"I'm really sorry."

Kasabay nito ang pag agos ng luha sa mga mata mo na kanina mo pang pinipigilan.

Hindi niya mapigilan ang nararamdaman niya at niyakap ka niya...

ng mahipit.

ng katulad noon.

ng damang dama mo ang pagmamahal niya sayo.

"Pwede bang maging tayo na lang ulit?" Tanong niya sayo habang nakayakap siya sayo.

Ngunit sa pagkakataong nito kailangan mo ng pakawalan ang taong minsang mong minahal para siya makalaya na rin.

"Jaehyun, I'm married."

Nakita mo ang pagkagulat niya sabay kawala ng yakap niya sayo.

"Hindi ba sabi ko kanina, ipaglalaban mo ang nararamdaman ko ngayon?" sabi mo sa kanya sabay pilit ng ngiti.

"Hindi ba nasabi sayo ni Kuya?" tanong mo sa kanya at umiling siya.

Naisip mo baka ayaw ng magsabi ng Kuya mo ang anumang tungkol sayo kay Jaehyun.

"Kanino ka kinasal?" mataang niyang tanong sayo.

"Kay Jeno," sagot mo sa kanya at napangisi siya.

"Mang-aagaw talaga kahit kelan," sagot niya sayo ng pabiro.

Pinatawad ka niya at sinabi niyang ayos lang siya pero alam naman niyong parehong hindi. Alam mong mahirap pero hiniling mong maging magkaibigan kayo pero alam kong hindi ngayon ang tamang panahon. Nasaktan mo siya ng sobra. Hinihilig mo na sana sa susunod na ikakathang muli ang inyog istorya ay tungkol naman sa inyong dalawa sapagkat minahal mo sa isang hindi pambihirang sitwasyon sa hindi inaasahang pagkakataon.

ENTROPY | JaehyunBasahin ang storyang ito ng LIBRE!