Chapter 27

1.5K 53 0
                                    

Chapter 27

Axel Valerie De Guzman ~

Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa isang enerhiyang bigla na lang lumitaw sa kung saan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa isang enerhiyang bigla na lang lumitaw sa kung saan. Malapit lang ito ngunit dahil mas malakas ito kumpara sa taglay kong kapangyarihan, nagawa nitong hindi mag – iwan ng kahit na anong bakas kung saan ito lumitaw. Tumayo ako at naghilamos sa banyo upang alisin ang takot na naramdaman ko. Minsan lang akong matakot at masasabi kong iba ang takot na naramdaman ko ngayon. Nakakakilabot.

" Make sure to find the Cursed Light Controller. Until then, protect the Blessed Light Controller. He's the only key that we have right now to end this madness. "

Napalingon ako pabalik sa higaan ko dahil sa boses na narinig ko. Kung hindi ako nagkakamali, nanggaling lang iyon sa kabilang kwarto. Wala akong sinayang na oras at ginamit ang phasing ability ko upang tumagos sa pader na nakaharang para makapunta ako sa kabilang kwarto.

Nang tuluyan akong makatagos sa kabilang panig ng kwarto ay wala akong naabutan doon. Tanging kwarto lang iyon na walang laman at wala nang iba pa – ang storage room ng bahay namin. Napailing pa ako dahil sigurado akong dito nanggaling ang boses na iyon. O baka naman, guni – guni ko lang? Tsk.

Guni – guni ko nga lang siguro yun. Muli akong napailing atsaka bumalik sa pagkakahiga. Mukhang kailangan ko ulit matulog para magkaroon ako ng peace of mind.

Third Person's Point of View ~

Hindi mali ang hinala ni Axel dahil doon naman talaga nanggaling ang boses na narinig nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi mali ang hinala ni Axel dahil doon naman talaga nanggaling ang boses na narinig nya. Sadyang bihasa at di hamak na mas makapangyarihan sa kanya ang babaeng naroroon ngayon. Gumamit kasi ito ng ibang dimensyon upang hindi sila makita ng binata kanina. Nag – iingat rin kasi itong mahuli dahil hindi pa iyon ang oras upang magkita sila ng Chosen Descendant o ng Keeper of the Heart of Creation.

Isa pa, ang kausap ng babae ay sina Avin at Riley kaya naman hindi talaga sila pwedeng mahuli. Ayaw ng babae na magkaroon ng ibang isip si Axel tungkol sa kung anong meron sa kanilang tatlo na hindi pa alam ng huli.

" I need to go now. "

Maikli nitong sabi sa dalawa matapos masigurong hindi na babalik si Axel sa kwartong iyon. Hindi na rin naman sumagot ang dalawa at yumuko na lamang sa babae bilang pagbibigay galang.

Special Section (B1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon