Chapter 23

1.7K 82 2
                                    

Chapter 23

Axel Valerie De Guzman ~

Ilang araw na ang lumipas simula ng magising ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang araw na ang lumipas simula ng magising ako. I remember everything from the very beginning. All the experience I have. All in all. Mas gumaan nga ang pakiramdam ko matapos kong malampasan ang mga labanang iyon. Ewan ko lang, but there is something that changed me. I don't know pero iba kasing talaga ang pakiramdam ko na nandito ako ngayon, nakaupo sa higaan ko at nagmamasid sa labas.

" You are just missing them. "

Umiling ako sa ideya na biglang pumasok sa isipan ko. Well, hindi ko naman maipagkakaila na sa maikling panahon ng pagsasama namin ay masasabi kong naging malapit kami sa isa't – isa. Though, wala namang kasiguraduhan na makikita ko pa sila ng kumpleto. Hindi ko rin naman hawak ang tadhana sa mga maaaring mangyari kaya't ipinapanalangin ko na lang na kung nasaan man sila ngayon, ay nasa mabuti silang kalagayan. Isa pa, ang kailangan kong isipin ngayon ay ang mga magiging plano ko sa mga susunod na araw. *sigh*

Bumalik na rin sa normal ang lahat. Hindi ko na rin muna ginamit ang kung ano mang kapangyarihan na meron ako. Gusto ko kasing maramdaman na kahit papaano ay tao pa rin ako. Na hindi ako iba sa lahat, na hindi mabigat ang responsibilidad na kakaharapin ko sa hinaharap.

Ngayon rin ang unang araw ng pasukan. Naipaliwanag na rin naman nina Avin at Riley sa akin kung paano nila nabago ang oras sa mga panahon na ito. Sa pagkakaalam ko kasi ay nagsimula na ang pasukan noon pang nakaraang buwan. Isa pa, nakapag – enroll na rin ako nun sa Astravision University kaya nakakabilib lang na nagawa nilang maibalik ang lahat sa dati.

At kung tatanungin nyo naman kung ano nang nangyari sa mga magulang ko dito sa mundong ito, ayun, wala pa ring nagbago. Tsk.

Tumayo na ako at naghanda sa unang araw ng klase. Hindi nagtagal ay bumaba na ako sa kusina upang maghanda ng almusal. Mukhang wala pa rin kasi yung dalawa sa bahay. Ewan ko ba dun sa dalawang yun, palagi na lang nawawala. Masyadong mga busy sa buhay nila.

***

" Morning Papi! Musta yung gising mo? "

Bungad sa akin ni Riley. Napatingin pa ako sa orasan sa itaas ng pader. 30 minutes din silang wala habang naghahanda ako dito. Napahinga na lang ako ng malalim, hindi ko alam pero iba kasi ang pakiramdam ko tungkol sa palagi nilang pagkawala. Parang may tinatago sila sa akin na dapat kong malaman. Hindi ko alam. Tsk.

Isa pang bagay na dahilan kung bakit ako nababahala ay nitong mga nakaraang araw na pahinga ako ay dahil sa pag – iwas nila sa iba kong mga katanungan. Although, hindi ko naman sila pinipilit na sagutin ang mga bagay na iyon. Kalayaan rin naman nila iyon kung magsasalita sila o hindi. Ang akin lang, wag naman sana nila akong gawing tanga. *sigh*

" Mabuti naman! Saglit na lang tong niluluto ko, tawagin mo na si Avin. Magagalit na naman yun dahil hindi mo sya tinawag bago kumain. "

Special Section (B1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon