Chapter 2

5.9K 168 32
                                    

Chapter 2

Axel Valerie De Guzman ~

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa lalaking kumuha ng una kong halik matapos kong matauhan sa ginagawa namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa lalaking kumuha ng una kong halik matapos kong matauhan sa ginagawa namin. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon na lang ang epekto nya sa akin. But the fact na puro abnormal ang mga nakikita ko ngayon, means na mukhang wala na talagang pakialam sa akin ang mga magulang ko. They transfer me to a school where ethics is not part of the curriculum. Dapat pala, bago ako lumipat eh, nag – background check muna ko.

Kita ko ang gulat sa mukha ng lalaki ngunit kaagad din iyong napalitan ng blankong ekspresyon. Napaatras pa ako at nawalan ng balanse dahil sa paraan ng pagtitig nya sa akin. It's like he's piercing me from the inside to know what's in my mind.

Doon ko na lang din napansing may mga tao ng nakatingin sa amin at mukhang kanina pa nagmamasid. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras dahil sa pagkapahiya. Mukhang nakita rin nila ang nangyari kanina kaya naman hindi ko na dadagdagan pa ang kahihiyan na sinapit ko sa lalaking ito.

Nagtitigan lang kami ng ilang minuto bago ako tumalikod sa kanya. I need to compose myself from being embarrassed a while ago. *sigh*

" Wait! "

Hindi ko pinansin ang pagtawag ng lalaki sa gilid ko. This is too much for me once na ma – bully ako sa unang araw ng pagpasok ko. Kaya naman hindi ko sya papansinin at pipilitin kong makalayo bago pa nya ako maabutan dahil base sa peripheral vision ko, naglalakad ang lalaking tumawag sa akin papalapit sa kinaroroonan ko.

" You can't ran away just like that! "

Fuck! Naabutan nya pa rin ako kahit na binilisan ko na ang paglalakad ko. No choice kung hindi harapin ang lalaking to. Shit!

Dahan – dahan akong lumingon sa kanya dahil nasa likuran ko sya. Pinatigas ko pa ang ekspresyon ng mukha ko upang malaman nya na wala akong interes sa sasabihin nya at hindi nya ako pwedeng maliitin ng basta – basta dahil sa nasaksihan nya.

Ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng mapansin ko ang mga paa nyang nakalutang sa ere. What I mean is, he's floating in the air like he's a superhuman.

0_0

" Who are you? "

Nasabi ko na lang. Napaatras din ako dahil sa takot na isa rin sya sa mga abnormal na nilalang dito. Bakit ba kasi dito ako nilipat nina Mom and Dad? Nagsisimula na rin akong matakot para sa sarili ko dahil baka pag nag – stay ako dito, maging tulad nila akong abnormal.

" Ace Alesso Alcantara, but you can call me Ace. "

Mukhang hindi nya naintindihan ang itinanong ko sa kanya. Napailing pa ako ng isang beses bago tumalikod sa kanya. Nagsasayang lang ako ng oras dito. Hindi na rin naman ako pwedeng matakot dahil baka mas lalo nila akong takutin oras na magpakita ako ng takot para sa kanila.

Special Section (B1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon