" Jordan, puwede ba kitang makausap?" Mahinahon niyang saad sa akin. I can see something in her eyes that I couldn't even figure out.

" Denise okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. I know that out job is very tiring but not this tiring to the point that she looks pale.

" I'm not okay Jordan. And that's the truth. I am hurting so bad inside" She honestly spoke.

Naglakad kaming pareho papunta sa doctors' conference room kung saan pribado kaming makakapag-usap.

The moment we sat, nagsimula na siyang umiyak sa harapan ko.

Napangiwi pa siya ng maslumapit ako sa kanya.

" I'm sorry Jordan, alam kong ang dami kong naging kasalanan sayo. I don't even have the right to speak with you now but you know I love him. Sumugal ako, Jordan. Kahit alam kong malabong magustuhan niya ako kapag bumalik na ang kanyang alaala. I want him to fall inlove with me more that how he fell in love with you. And I'm sorry" Nagpatuloy parin siyang umiyak. Ewan ko ba. Hindi ko din alam kung ano bang nangyayari sa akin at lati ako'y naluluha na rin.

" He loved me so damn much, Jordan. Those days when he completely forgot about you, he had given me everything love has to offer. He made me fall madly inlove with him every single day. At bawat araw na lumipas, maslalo akong nahuhulog sa kanya. Mahal na mahal ko siya, Jordan" Tears where falling down my eyes already. Babae din ako, kaya alam ko kung ano ang nararamdaman ni Denise ngayon.

" Jordan, I'm having his child inside me" pareho kaming umiiyak sa harap ng isa't isa. Pareho kami ng lalaking minahal at pareho din kaming nasaktan. Pero iba na kung bata ang pinag-uusapan. Ibang iba na.

" Denise, alam na ba 'to ni Raven?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya.

" Natatakot akong sabihin, Jordan. Kahit hindi ko sabihin alam niyang posibleng may mabuo kami. Patawarin mo ako Jordan, pero sa loob ng ilang buwang kasama ko siya, minahal namin ang isa't isa." Patuloy parin siyang umiiyak.

Oh god. Bakit ganito. Nasasaktan na ako ng sobra. Pero hindi ko kayang maging makasarili ngayon.

" I-ilang buwan na, Denise" Gusto kong humagulgol sa iyak. Gusto kong ipakita na sobra sobra akong nasasaktan.

" Two months, Jordan. I confirmed it with my OB doctor" And I completely lost it.

Huminga ako ng malalim bago ko siya muling lingunin.

Sa lahat ng puwede kong gawin para sa isang tao, ang pinakamahirap ay ang magparaya.

Kahit na sobrang ikadudurog ng puso ko.

" Kailangan mong sabihin kay Raven ang tungkol sa bata, Denise. You both need to talk about it most specially that a child is involved." Dahil alam kong kailangan ka niyang panagutan, Denise. And I cannot do anything about it anymore. He needs to take accountability of what he has done.

I stood up. Aalis na sana ako ng biglaang magsalita si Denise.

" Jordan, salamat" Mahina ang kanyang pagkakasabi ngunit dama kong nasasaktan din siya sa nangyayari.

Halos hindi na ako makalakad ng maayos habang naglalakad. Hindi ko narin masyadong nakikita ang dinaraanan ko dahil sa mga namumugtong tubig sa aking mata hanggang sa hindi ko na namamalayang napaupo na pala ako dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Naramdaman ko na lang na may malalakas na brasong yumakap sa akin.

" Hush, Jordan." It was Ethan's voice. He embraced me and comforted me.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now