Chapter 21 Completed Version

Start from the beginning
                                    

"May paraan pa para buhayin siya, ngunit kailangan pa nating hanapin ang libro na tungkol sa mga legendary breed," biglang sabi ng ina ni Wenxehalt na si Helen.


"Ako na ang maghahanap," kalmadong presenta ng ama ni Wenxehalt na si Jrewick.(read as Ruwic)


"Sasama ako," sabi naman ni Wenxehalt. Buhay na ng babaeng mahal niya ang pinag-uusapan dito kaya handa siyang gawin ang lahat para dito.


He can't just sit there and wait.


"Sige kayo ng buong pamilyang Hollow ang maghanap kami na ang bahala dito kung ano mang mangyari," sabi ni Master Heteu na nagkaroon na ng pag-asang makita ulit ang apo.


"Dalian natin, hindi pwedeng maabutan pa tayo ng pangatlong pagsikat ng araw o baka tuluyan nang hindi mababawi ang kaluluwa ni Allison galing sa Soul's Chamber bago pa siya tuluyang sumakay sa Boat of Second Life," sabi ni Helen.


Agad nang nagsilabasan ang pakpak ng ama at ina ni Wenxehalt sabay lipad paitaas. Bago sumunod ay nilapitan muna niya ang katawan ni Allison. Hinawakan niya ang pisngi nito. "Gagawin ko ang lahat para sayo Allison, hintayin mo ako," bulong niya at hinalikan ito sa noo.


Agad naman siyang sumunod dahil sa siya na lamang ang hinihintay. Naintindihan agad nila si Wenxehalt dahil alam nila anong pakiramdam ng may minamahal. Nagkatinginan ang ama at ina niya habang papalapit pa lamang siya. Naalala kasi nila paano sila umibig sa isa't isa.


It's something that they can't explain themselves.


"Tara?" aktibong sabi ni Wenxehalt kahit kung titignan mo ito'y parang dila lang ang walang galos.


***


Napasigaw na si Dark dahil sa sakit ng nararamdaman niya. Nagising ang tunay na Dark sa kaloob looban nito at nakikipagkompetensiya sa may kontrol ng katawan niya. Lumayo si Rosevina nang bahagya dahil sa gumagalaw na ito. Hindi tulad kanina na nakahawak lang ito sa ulo. Kitang kitang nasasaktan ito at iba iba na lamang ang posisyon.


The pain is killing him.


"Dark, andito na ako. Nakalabas na kami. Lumabas ka na rin pakiusap. Alam kong kaya mo yan. Alalahanin mo ako. Ang mga pinagsamahan natin. Kung paano natin minahal ang isa't isa. Gawin mo kaming lakas ng anak mo," bulong ni Rosevina kahit malayo layo na siya. Ginamit lang niya ang spell na kahit malayo layo siya ay maririnig parin ito ni Dark.


"AAHH!" Patuloy na sigaw nito.


Tumibok na ang puso nitong matagal na sanang tumigil sa pagtibok. Hudyat na gising na nga ang tunay na Dark ngunit hindi pa lamang nito natatalo ang kaluluwang magnanakaw ng katawan, ang maylikha sa kanya. The real demon is still inside him.


"R-Rosevina." Unang nasambit ng tunay na Dark.


***

DARK


"Dark, andito na ako. Nakalabas na kami. Lumabas ka na rin pakiusap. Alam kong kaya mo yan. Alalahanin mo ako. Ang mga pinagsamahan natin. Kung paano natin minahal ang isa't isa. Gawin mo kaming lakas ng anak mo."

"--anak mo."

"--anak mo."

"Pinatay mo ang sariling anak mo."


"Ahhh!" sigaw ko at tuluyan nang binuka ang mga mata ko. Nakita ko ang sarili kong parang nakakadena at sobrang dilim ng paligid.


"Nasaan ako?"


Pilit kong hinila ang mga braso ko pero sobrang mahigpit ang nakapulupot sa akin kaya nahihirapan ako.


"Dark, andito na ako. Nakalabas na kami. Lumabas ka na rin pakiusap. Alam kong kaya mo yan. Alalahanin mo ako. Ang mga pinagsamahan natin. Kung paano natin minahal ang isa't isa. Gawin mo kaming lakas ng anak mo."


"R-Rosevina," sambit ko.


"Anong ginagawa mo?" biglang tanong ng isang familliar na boses sa akin. Palingon lingon ako pero hindi ko siya makita. Bigla bigla na lamang may nabuong usok sa harap ko na unti unting nagiging kamukha ko. Kopyang kopya nito ang buong hugis ng katawan at ang korte ng bawat parte ng mukha ko maliban lang sa kulay ng mata. Kulay itim ang lahat ng sulok ng mga mata niya. Bigla kong naalala lahat.


"Ama," biglang nasambit ko.


***

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now