𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐: 𝐓𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐃𝐚𝐮𝐠𝐡𝐭𝐞𝐫

8.7K 344 48
                                    

Nararamdaman kong may kumakarga sa akin kaya napadilat ako. Blurd pa ang paningin ko at ang alam ko lang ay sobrang dilim ng lugar na iyon.

I can perfectly hear both my heartbeat and my breath. 

I was indeed destined for this. Destined to be the next victim, unfortunately.

Parang may kung ano sa katawan ko na nagpipigil sa akin na gumalaw. Dala siguro ito ng halik na 'yun. Siguro may lason 'yun.

Maya maya inilapag na ako no'ng nagkarga sa akin sa isang malambot na kama. Nakailang kurap na ako at sa wakas nakikita ko na ang paligid.

Sobrang dilim ng lugar at tanging mga torch ang nagbibigay ilaw doon. 

Sa tingin ko parang nasa ilalim ako ng lupa.

The place seemed more like a cave.

Lumingon ako sa gilid at nakita ko si Phoebel na inilapag ng isang gumagalaw na kalansay sa itim na kama ilang metro galing sa akin. Mga kalansay pala ang nagbuhat sa amin.

I hardly want to stand and run to her, escape this place, and never investigate anything again.

Pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Para bang tinatraydor ako ng katawan ko. Ayaw nito sumunod sa akin.

Napatingin ako sa kamang hinihigaan ko. Itim din ito at nakakadena ang mga paa't kamay ko.

Pilit kong tinanaw ang buong paligid, sa nakikita ko'y nakapalibot ang labing dalawang itim na kama sa isang parang elivated na stage sa gitna.

Mapanghi ang amoy ng lugar at mahamog. Mas lalong nakakakilabot isipin.

Ako palang ang may malay kaya ako lang ang nakakakita sa nangyayari. Nang kompleto na ang nakahiga sa bawat kama, nagsipasukan ang mga matatandang kuba na halos mahubad na ang suot dahil sa punit punit na sout

 Sobrang kulubot na ng mga balat at sobrang puti na ng mga mahahabang buhok nila. Buto't balat lang sila at may malalalim na mga mata. 

They look like undead beings forced to work for a thousand years.

This place is definitely beyond reality. Walang maniniwala sa akin kung ito ang gawin kong article.

Kung panaginip man 'to, sana magising na ako. Hindi ko na gusto ang nakikita ko.

Para bang nasa isang sleep paralysis ako.

Isa isa itong lumapit sa aming mga bihag nila. Nagpanggap naman akong walang malay pero paminsan minsan namang tinitignan ang ginagawa nila.

Maya maya ko ding sinusubukang igalaw ang sarili kaso parang pagod talaga ang katawan ko. Para bang naubos lahat ng enerhiya ko.

That man's kiss is like poison. It paralyzed me, and now I'm doomed to witness something so creepy it chills me to the bone.

Naramdaman ko na ang pagdapo ng mga kamay ng matanda sa damit ko.

Hinuhubaran niya ako.

Minulat ko na ang mga mata ko para bantayan ito.

Now I feel demonic vibes crawling through me, making my body tremble even more. The fire that lights up the place makes the old ladies look even scarier.

Wala na akong magawa, binihisan na niya ako ng pulang chiton. 

Pagkaalis no'ng nagbihis sa amin, nagkakamalay na ang ibang mga babae sa ibang mga kama. Ramdam ko ang takot nila.

Nilingon ko si Phoebel, umiiyak na siya.

Bigla na lamang nagliwanag 'yung elevated part sa gitna. Liwanag 'yun galing sa buwan sa itaas ng bunganga nitong parang yungib na dinalhan nila sa amin. 

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (REVISING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن