CHAPTER 17: Black and White

3.6K 142 4
                                    

ALLISON


Hinila na ako ni Wenxehalt sa likuran niya.


"She is mine. Only MINE, light angel,"madiin ang bawat salita nito.


"Hayaan mo siyang pumili Wenxehalt. Allison, sinong pipiliin mo, ako na magdadala sayo sa pinakapangarap mo? O sa itim na anghel na yan na magdadala sayo sa kapahamakan?" seryosong tanong ni Jushua.


I am shut to silence as I stare both of them one by one.


"Piliin mo ang tama Allison," dagdag pa nito.


Hindi ko akalaing pipili na ako ngayon. I'm stuck in a dilemma. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil sa kabang pumapaibabaw sa akin. Tumulo ang mga luha ko. This can't be happening. Sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko. I feel like a cup being filled with coffee even I'm already full and can't hold anything anymore.


"You don't need to choose Allison. I'll be choosing," sabi ni Wenxehalt. Napakunot noo ako. "Alam kong mahihirapan ako dahil nasa akin pa ang sumpa pero kailangan."


"Hindi ko naiintindihan," sabi ko kasabay ang marahas kong pagpunas sa mga luha ko.


"He will choose Master Heteu kahit nasa bingit na ng kamatayan ang desisyong ito. Magiging isa sila ng white flames," mahinang wika ni Stanfer sa akin.


"Bago kita tanggapin, gusto kong malaman ang tungkol kay Rosevina Angecus." My grandfather came to the picture. "Ano ang totoong nangyari?"


"Pumapayag ka Master Heteu?" desmayadong tanong ni Jushua dito.


"Light angel din ang ama ni Wenxehalt kaya tatanggapin ko ang pagpili niya sa atin," he spoke full of authority that will shut anyone. He is indeed the leader and my grandfather. He knows what I feel and he is taking his action for it.


Biglang sumulpot si best at nabigla, muntik pang nalaglag ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, galing kasing naligo. Nanlaki ang mga mata niya at umalis ng dahan dahan na parang robot. "Wag nyo siyang galawin, alam niya ang tungkol sa atin," sabi ko sa kanila para hayaan na nila si best.


"Anong gagawin niyo sa kanya, kay Wenxehalt?" tanong ko.


"Mapapasailalim siya sa isang spell Allison," Si Stanfer ulit ang sumagot sa akin.


Biglang lumakas ang ihip ng hangin at dumilim ang paligid. "Nandyan na ang dark angels," mahinang sabi ni lolo.


Nakadama agad ako ng kaba. "Huli na tayo. Hindi pa naging buo ang kapangyarihan ni Allison." kalmado ngunit halatang nagpipigil lang na magpakita ng takot ang pagkakasalita nito ni Jushua.


"Wenxehalt!" Lumindol nang sumigaw ang isang nakakatakot na boses. Boses yun ni Dark.

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now