𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟐: 𝐒𝐪𝐮𝐚𝐫𝐞 𝐎𝐧𝐞

4.3K 166 4
                                    

ALLISON

Ayaw ko sana imulat ang mga mata ko, pero wala naman na akong ibang choice. 

Bumalik na naman ako sa itim na kamang 'yun at sa kulungan ng madilim na lugar na ito. It felt like a deja vu.

Ang pinagkaiba lang ngayon ay hinihila na ako ng mga ogre pakaladkad. 

Tama. Nilalabas nila ako sa kulungan. 

I felt more helpless when they tied me down on another bed. Sa pagkakataong ito, walang kalambot lambot ang kamang 'yun. Para bang yari lang ito sa bato. Dinala nila ako sa lugar kung saan sinasagawa ang mga ritual.

Napakaliwanag pa dahil sa dami ng mga kandilang nakaaligid sa akin. 

I can feel my skin against the thin cloth they made me wear. Alam kong wala akong pan-ilalim. I felt naked.

Kahit anong pagpupumiglas at paghila ko sa mga kamay ko, hindi ito nagagalaw. I was chained by both my hands and feet.

"Wenxehalt!" tawag ko sa tanging pwede kong maging kakampi sa mga pagkakataong ito.

Umalingawngaw sa malaing espasyo ang boses ko.

'Di naman ako nabigo dahil dumating agad siya kaso hindi ako natuwa sa nakikita ko. Ang bawat sulok ng mga mata niya ay itim na.

His aura feels like a completely different person. Para bang nasa ilalim siya ng isang mahika.

Para na siyang isang totoong demonyo. Demonyo naman talaga pero ngayon parang wala nang bahid ng liwanag ang puso niya.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko. Hindi siya sumagot.

Nakatayo lang siya na parang rebulto sa gilid ko at 'di ko alam saan siya nakatingin. He seemed possessed. This man couldn't be Wenxehalt—he's too hollow, empty, and blank.

"Hindi na si Wenxehalt ang kausap mo, Allisonia," sabi ni Dark habang tumatawa. 

Nagpakita na siya sa akin. Nasa kabilang gilid siya. 

I was right about Wenxehalt.

"Anong ginawa mo sa kanya?" galit na tanong ko.

"Kontrolado ko na ang katawan niya. I cast a dark spell to counter his stubbornness," sagot naman niya. "You are smart, my child. You've won his heart so easily. Gusto ko sanang lagyan ka din ng mahika pero wag nalang pala. Gusto pala kitang bigyan ng leksyon."

"Bakit mo ginawa 'yun?" tanong ko ulit na nangangalaiti na.

"Dahil-" Sumama ang tingin niya sa akin. "- nilalason mo na ang utak niya!" galit na sagot nito. Nabigla ako ng kaunti.

Tumalikod na siya. 

"Get ready for the binding ritual. Mamadaliin natin para 'di tayo maunahan ng mga Light Angels," utos nito kay Wenxehalt.

Yumuko lang si Wenxehalt bilang tugon at umalis na sila pareho.

Naiwan akong mag-isa at natatakot. Iniisip ko palang ang binding ritual na 'yun, parang di ko na matanggap.

Ibig sabihin no'n ay magiging ganap na akong kalahi nila.

Tumulo na lamang ang mga luha ko. 

I'm completely doomed.

Maya-maya may lumapit sa aking babae na nakapulang chiton kasama ang dalawang ogres. Habang kinakalagan nila ako nanlaki ang mga mata ko nang matanto ko kung sino ang babae.

"Phoebel!" Naluluhang sambit ko sa pangalan niya at niyakap siya. 

Parang wala lang sa kanya ang ginawa ko kaya kumalas na ako at tinignan ang mukha niya. Napabitaw ako nang matanto na 'di na siya ang kapatid ko. She's hollow too, controlled by something else.

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (REVISING)Where stories live. Discover now