𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟕: 𝐁𝐥𝐚𝐜𝐤 𝐚𝐧𝐝 𝐖𝐡𝐢𝐭𝐞

5.4K 203 7
                                    

ALLISON

Nagising na ako sa mahimbing kong pagkakatulog at napahawak sa labi ko. 

Ang halik agad ang naalala ko.

Hinalikan niya ako, pangalawang beses pero parang may halong kakaiba.

A sudden thought struck me: what if he does this to every woman he kidnaps? Edi nakakadiri 'yun!

Nabigla nalang ako nang may palad na dumapo sa ulo ko.

Muntik na akong mapatili. 

'Yung matatandang kuba pala.

Inaayusan pala ako kanina pa?

Pinaharap nila ako sa isang salamin. Nakasuot ako ng mahabang dress na dark violet at may belt na itim, tube ang ibabaw na part. Naiimpasize ang kulay ng balat ko dahil sa kulay nito.

Sobrang simple ng make up pero presentable naman. Wala akong angal na sumama sa kanila tungo sa isang elevated na lugar. Iniwan nila ako sa gitna ngunit nakakadena ang mga paa't mga kamay ko.

Ito na siguro ang sinasabi ni Dark na great day daw.

Nakakakaba.

These chains remind me that I can never escape—I'm bound to this place. Let's just say I'm destined for some crazy stuff.

Tinignan ko ang may hawak sa dulo ng  bawat kadena, mga goblins pala at katumbas ng dalawang 6-footer na tao ang height.

Malawak ang lugar na dinalhan nila. Pabilog at ako lang ang nasa gitna. May mga natatayuan naman sa itaas dahil may mga batong railings na kahugis ng stalagmites.

Sa paligid ng platform na tinatayuan ko ay malalim na butas, may daanan lang paalis doon na yari sa kahoy. Ang ilaw doon ay malalaking torch na nakaaligid sa buong bilog na espasyo.

Nakita ko ang Lord nila at ang apprentice n'yang si Wenxehalt na nakalutang at napapalibutan ng itim na usok.

Bumilis ulit ang tibok ng puso ko nang makita ang itsura ni Wenxehalt, sobrang seryoso, napakalamig ng aura at parang hindi na siya ang kilala kong Wenxehalt.

I can conclude that he has two different sides: the cold one and the guy who talks to me.

"Begin na ritual!" utos ng Lord nila.

Ano namang pinagsasabi nito?

Pumalibot na ang mga dark angels sa akin at sinagawa ang chanting na di ko maintindihan.

Anong ritwal ito? Anong gagawin nila?

As I forced myself to understand the chant, my head began to ache. 

"Wag kang mag-alala ilalabas namin ang nakatagong kapangyarihan mo, my dear child," sabi ng Lord. 

Ayan na naman siya sa kung anong tawag niya sa akin. Nakakakilabot. 

Hindi ko gusto.

"Hindi mo ako anak!" sigaw ko dito. I was just correcting him.

"Sige magalit ka, mas mapapadali ang ritual." Tumawa siya nang nakatikom ang bibig. "Kahit ilang ulit mong 'di aminin, 'di mawawala ang dugo kong nananalaytay din sa ugat mo."

May tama siya pero 'di ko 'yun kayang tanggapin na siya pala ang ama ko.

Isa siyang demonyo. Buti sana kung ugali ang demonyo, literal na demonyo e.

This isn't what I wanted. All I ever wished for was a normal life, working hard to achieve my dreams—not dealing with the supernatural. I don't want to be a Glaciervan anymore.

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (REVISING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant