4

22 5 0
                                    

North Rigel Dela Vega






4th year college na kami ng girlfriend kong si Heartmir. Oo! Girlfriend ko! Sa dreams.

Syempre dito ako ngayon sa  gym ngayon todo support ako kay GF. Nagvovolleyball practice kase sya. Malapit na kase ang intramurals ng university namin kaya todo practice na ang department nila. At saka dito ko lang naririnig ang boses nya. Narinig ko na rin boses nya nung nagreporting sya. Syempre, stalker ako. Pagvacant ko at alam kong reporting nya, syempre punta agad ako sa classroom nya. Daan daan kunwari. Paano ko malalaman, syempre gwapo ako. Dami kong galamay.


"MINE!" see? Sumisigaw sya. Inaangkin nya ang tanginang bola na yan. Hays. Gusto kong maging alalay ni Papa sa business namin pero minsan gusto ko ring magsideline bilang bola.


Naging member sya ng volleyball team ng department nila last year. Balita ko ay halos lumuhod na raw mga teammates nya sa kanya noon para sumali sya. Magaling talaga sya kaya last year champion sila sa volleyball girls.


"GO HEARTMIR!!" sigaw ng lalaki sa likod ko kaya agad akong lumingon.


Isa pa tong patay na patay sa GF ko. Syempre same same lang kami. Di rin sya pinapansin ng mahal naming Heartmir.


Oo, dami nyang admirers. Admirer na stalker nya ako kaya lamang na lamang plus bestfriends pa nanay namin kaya may libreng sulyap ako sa kanya pag pumupunta sila sa bahay o kami naman sa bahay nila. Nagtry nga ako magluto ng menudo last month syempre para sa kanya tapos pinagmalaki pa ni Mama pero ang walang hiya kong GF di manlang tinikman.


"GO HEARTMIR! I LOVE YOU!" sigaw ulit ng tanginang may hawak na banner na lalaki na kanina pa sigaw nang sigaw! Minsan sa sobrang patay na patay ang ibang lalaki sa kanya, wala na silang paki kung mawawala ng coolness nila. Kaya ayaw sa inyo ni Heartmir ko eh!


"HUY!" syempre sigaw ko yan. Tinignan lang ako nung lalaking tangina at nagpatuloy sa pagsigaw.


Siniko ako ni Hector "Ggu. Makakahanap ka ng away dito." Kunot noong saway nya sakin "Di ka pa nasanay sa dami ng fan boys nyang Puso mo."


"Dami rin naman akong fan girls!" sigaw ko.


"Wala syang paki." Natatawang sabi ni Hector.

-


Nauna akong lumabas ng gym kase pinapauwi ako ng maaga ni Mama. Punta raw kina Heartmir, dun kami dinner. Syempre ako pa. Papapogi pa ako bago pumunta.


Nagulat ako nung paglabas ko ng gym kase nakita kong dumaan si Heartmir. Pinanood nya ba practice namin?


"Hi Heartmir." Syempre ako pa. Lagi ko syang binabati "Pinanood mo ba ako?"


Di manlang nya ako tinignan at patuloy parin sa paglalakad. Napakasweet talaga ng GF ko. Pipi't bingi talaga. Di bale, mag aaral ako ng sign language.


"Okay lang yan, Tol." Sabay tapik nalang ng nakasunod na si Lavmir "Amuyin mo nalang pabango nya lagi."

Loving Heartmir Dela VegaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz