Hindi siya nakapag-react. Sanay siyang dinidikitan ng mga babae, pero hindi sa ganitong paraan na para silang mga kriminal na may tinataguan.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Odie na nakahawak sa kanyang braso. Malambot at mainit ang balat nito sa balat niya. Now, as he hugged her, he wondered if the rest of her body felt as smooth and as soft and as warm as her hand...

Ah, shit.

Napasinghap nang malakas si Odie na nagpabalik sa huwisyo ni Tazmania. "Si Garfield."

Napatingin si Tazmania sa direksiyong tinitingnan ni Odie. Parang nakita niya si Garfield na kalalabas lang ng elevator habang may dalang mga supot galing sa isang kilalang restaurant, pero hindi na niya iyon nakumpirma dahil hinila na siya ni Odie papunta sa hagdanan. Patakbo siya nitong hinila, kaya napilitan na rin siyang tumakbo.

Pero dahil sa pagtakbo nina Tazmania at Odie, marami silang nabunggo na binibigyan sila ng masamang tingin, o di kaya ay namumura pa sila.

"Sorry!" natatawa lang na sigaw ni Odie sa mga nabunggo nila, na tila ba tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari.

Sa totoo lang, hindi gusto ni Tazmania na kinakaladkad, tinatapunan ng masamang tingin, at sinisigawan. Pero nang mga sandaling iyon, hindi niya magawang mainis. Dahil nang mapatingin siya kay Odie, nakita niya itong nakangiti. And that smile was enough to make him temporarily forget why he hated the world.

It was funny but he just found himself smiling back at her.

"Garfield will kill me when he finds out I helped you escape," iiling-iling pero ngingiti-ngiting sabi ni Tazmania habang naglalakad sila pababa ng hagdan. Sayang nga lang at binitawan na siya ni Odie. Pero sa kabilang banda, mabuti na rin siguro na lumayo ito sa kanya, para kahit paano makalimutan niyang gusto niya itong yakapin kanina.

"Hindi gagawin ni Garfield 'yon. Malaki ang utang-na-loob niya sa 'yo dahil iniligtas mo 'ko," natatawang tanggi ni Odie, saka siya binalingan. "I'm sorry for dragging you into this."

Nagkibit-balikat lang si Tazmania. "I'm not complaining. Ihahatid na kita sa apartment mo para makapagpahinga ka na."

Ang akala niya ay tatanggi si Odie dahil dumaan ang alinlangan sa mga mata nito, pero sa huli ay tumango ang dalaga. "Okay. Salamat."

"Don't mention it," sabi na lang ni Tazmania, saka inakay si Odie papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Pinagbuksan pa niya si Odie ng pinto. "Hop in."

Ngumiti lang si Odie saka tumalima. Nang makasakay naman si Tazmania sa driver's seat, tinanong niya ang dalaga kung saan niya ito ihahatid. Nagulat siya nang malamang nagpapahatid ito sa Tee House, ang clothing shop nito.

"Oh. My room is on the second floor," paliwanag ni Odie nang mapansin marahil ang pagkagulat niya. "Mas convenient kasi para sa 'kin kung nasa itaas lang ako ng shop, kaya umalis na 'ko sa apartment ko at sa Tee House na lang nag-stay."

"Oh, I see. But is it safe? Mag-isa ka lang, 'di ba?"

Tumango si Odie. "I can take care of myself." Nawala sa kanya ang atensiyon nito nang tumunog ang cell phone ng dalaga. Bumungisngis ito at ipinakita sa kanya ang screen ng cell phone. "Look who's calling."

Sinulyapan ni Tazmania ang cell phone ni Odie. Pangalan ni Garfield ang nakita niya sa caller ID. Pumalatak siya. "Patay si Oreo sa kakambal mo. At lalong patay ako kapag nalaman niyang ako ang accomplice mo."

Ngumiti lang si Odie, bago in-off ang cell phone. Pagkatapos ay hinubad nito ang mga sapatos, bago isinampa ang mga paa sa upuan, at niyakap ang mga binti. "Pasensiya ka na. Mas komportable kasi ako sa ganitong posisyon kapag nasa kotse."

"Uh, sure," tanging nasabi na lang ni Tazmania. Wala naman na siyang magagawa dahil nakapuwesto na si Odie. And somehow, she looked adorable sitting that way. Like a cute little creature he couldn't tear his gaze from.

"Tazmania, kung gagawin n'yong pelikula ang naging pagsasama namin ni Pluto, kailangan n'yong marinig ang kuwento ko, hindi ba?" mayamaya ay seryosong tanong ni Odie.

Sumeryoso na rin si Tazmania, dahil trabaho na ang pinag-uusapan nila. "Yes. May hinanda na 'kong creative team para sa 'yo."

"Creative team? Sila ba ang mga taong makikinig sa 'kin at babaguhin nang bongga ang kuwento namin ni Pluto para bumenta sa takilya?" halatang nagbibirong tanong ni Odie.

Hindi na na-offend si Tazmania dahil unang-una, hindi naman niya maitatanggi na may mga pelikula siyang pino-produce na malayo na sa katotohanan. Pero dahil doon siya kikita nang malaki, iyon ang ibinibigay niya sa mga tao. "The movie will be based on your story. So expect some changes."

Ngumiti si Odie bago luminga sa labas ng bintana. "Hindi ko inaasahan na ang mismong may-ari pa ng Devlin Films ang maghahanap sa 'kin para lang gawing movie ang kuwento namin ni Pluto."

"Mataas ang demand ng publiko para sa kuwento n'yo ng dati mong fiancé," matapat na sagot ni Tazmania.

"Mahilig talaga sa drama ang mga Pinoy."

"Totoo 'yan."

Nilinga siya ni Odie. "Hindi ako magiging komportableng magkuwento sa harap ng maraming tao. Puwede bang ikaw na lang ang pagkuwentuhan ko?"

"Uh, not possible. Kailangan mong makausap ang scriptwriter ko, hindi ako."

"Then, i-video mo 'ko habang ikinukuwento ko sa 'yo, saka mo na lang ipakita sa scriptwriter mo. Komportable na ko sa 'yo, kaya ikaw na lang ang pagkukuwentuhan ko."

Tumaas ang kilay ni Tazmania. Huh. She was comfortable with him? Somehow, that sounded really nice.

"If you really want to turn my love story into a movie, I have only one condition. And it involves you, Mr. Tazmania Devlin Fortunate. I want you to document my journey as I tell you my story," seryosong sabi ni Odie.

Kung ganoon ang kaso, ibig sabihin, madalas makakasama ni Tazmania si Odie. Nang silang dalawa lang. Now, that sounded so tempting. Isa pa, gusto na niyang masimulan ang paggawa ng pelikula, bago pa makalimutan ng mga tao ang tungkol kina Odie at Pluto. Strike while the iron is hot. "Deal. But you have to sign the contract tomorrow, Odie."

Napangiti na si Odie. "No problem, Tazmania."

"Kailan natin puwedeng gawin 'yang sinasabi mo?"

"Probably next week. Kailangan ko pa kasing pumunta sa Cebu."

"Cebu?"

Tumango si Odie. "Tinawagan ako ng parents ni Pluto kanina. Nabalitaan nila ang tungkol sa sunog sa bahay ng anak nila. Kinumusta nila ako, at hindi naman sila galit. Pero nakakahiya 'yong nangyari, kaya naisipan kong dalawin sila ro'n para personal na makahingi ng dispensa."

"Ah. I see." Hindi inaasahan ni Tazmania na hanggang ngayon, malapit pa rin si Odie sa mga magulang ng namatay na kasintahan. "So, I'll just see you next week? For real?"

Natawa si Odie, saka itinaas ang kanang kamay. "Promise, hindi na 'ko magtatago."

Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now