Capítulo Diecinueve

1K 51 4
                                    

[Kabanata 19]

"Ayos ka lamang ba bebegerl?" Tanong sa akin ni Mateo. Nakasakay na kami ngayon sa kalesa at kanina pa akong tulala dahil sa nangyari kanina. Naabutan nya kasi kami ni Lola Anusencion na nag-uusap tungkol sa kasamaang ginagawa ng pamilya nya.


"H-hindi mo ba alam apo? Magnanakaw ang pamilyang iyan, at ninanakaw nila ang buwis! Sapilitan nilang pinagbabayad ang mga mahihirap ng dalawang beses na mas mataas pa sa orihinal na halaga ng buwis na dapat ibigay ng mga tao. At kung may tututol ay kaagad nilang ipinapapatay. Ang pamilyang iyan ay mapanlinlang! Lalo na ang Gobernador!" Sagot ni Lola Anusencion at napansin kong nanginginig na siya sa galit.

"Ganoon po ba?"
Nagulat ako ng may lalaking nagsalita sa may bandang likuran ko.
Lumingon ako doon at nagulat ng makita si Mateo!

"M-mateo. A-anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ko sa kanya at parang maiihi na ako sa sobrang kaba. Nagtaasan ang aking mga balahibo at nanginginig na ako.

"Hinahanap kita" Matipid na sagot nya sa akin at medyo seryoso na ang mukha nya ngayon. Napatingin naman ako kay Lola Anusencion na namumutla na dahil sa takot.

"Paano mo nalamang narito ako?" Tanong ko na lang sa kanya.
"Ang tindahang ito ay kaharap lamang ng kalesa kung saan tayo tumigil" Sagot nya.
"Teka... Totoo ba ang aking narinig kanina?" Dagdag pa nya sabay tingin kay Lola Anusencion.

Napatingin din ako kay Lola na ngayon ay natigilan dahil na rin sa sobrang kaba.
"Y-yun ang b-balita sa amin Ginoo" Nauutal na sagot ni Lola Anusencion habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig na rin.

"P-pasensya na Mateo" saad ko kay Mateo dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod. Gobernador ang ama ni Mateo kaya alam kong mahirap silang kalabanin.
"Hindi ko alam na ganoon pala ang patakaran na isinasagawa dito ng aking ama" Sagot nya, pero di ko alam kung galit ba sya or hindi.
Kalmado lang sya habang nagsasalita at nakatingin sa aming dalawa ni Lola Anusencion.

"I-ipagpaumanhin mo Ginoo ang mga s-salitang aking nasambit. Pinapayuhan ko lamang ang aking apo" saad ni Lola Anusencion at talagang namumutla na sya.
"Wala iyon sa akin" sagot nya at nagulat ako ng tumingin sya saken.
"Mabuti na lamang at nalaman ko ang pang-aabuso na ginagawa ng aking ama" dagdag pa nya habang nakatingin pa rin saken.
Shit! Kinakabahan ako sa tingin nya!

"H-hindi mo alam na ganoon ang g-ginagawa ng iyong ama?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam sapagkat ako'y abala sa maraming bagay. Wala na akong panahon pang pakialaman ang gawain ng aking ama" Kalmadong sagot nya habang naka cross arm.

"K-kung gayon, ay wala po kayong kinalaman sa pagpatay at pagnanakaw rito sa San Luis?" Tanong naman ni Lola Anusencion.
Ibinaling naman ni Mateo ang tingin nya kay Lola at kalmado pa rin siyang sumagot.
"Hindi, ngunit kayo ba'y nakasisiguro na may katotohanan nga ang ibinibintang ninyo sa aking ama?" Nagtatakang tanong ni Mateo, habang ako naman ay parang na istatwa na rito mula sa kinatatayuan ko.

"Noong nakaraang dalawang araw po ay pinatay ang buong pamilya ni Emillio Cruz.
Nalubog ang kanilang pamilya sa utang sapagkat hindi sapat ang kanilang kinikita sa araw-araw. Dumagdag pa rito ang paniningil ng buwis na dalawang beses ang itinaas sa orihinal na halaga ng dapat na ibayad.
Nabalitaan kong hindi nakapagbayad ang pamilya ni Emillio Cruz, at makalipas ang tatlong araw ay natagpuan silang walang buhay sa kanilang sariling tahanan" Kwento ni Lola Anusencion na ngayon ay naiiyak na dahil sa sinapit ng pamilya Cruz.
"Ngunit ang asawa at ang dalagang anak ni Emillio ay nakaligtas mula sa bingid ng kamatayan. At ang dalawang iyon ang nagpatunay at nagsabi sa amin kung sino ang nasa likod ng hindi makataong gawain na iyon" Dagdag pa nya at doon na nagtaasan ang aking mga balahibo.

Huling HimagsikWhere stories live. Discover now