The Unexpected Affection: 1

ابدأ من البداية
                                    

"Then why are you blushing?" preskong saad ni Steven. Kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito, dahil sa mga ilaw na nagbibigay liwanag sa bar counter.

Namilog naman ang mga mata ni Val sa kanyang narinig at segundo lang ang lumipas nang hampasin niya ito sa balikat, "Bastos! FYI lang ho Mr. Ewan, hindi ako nagbu-blush. That's what you called, rosy cheeks." muling pagtataray ng dalaga saka mabilis na hinablot ang kanyang bag sa pasimano.

Naiwan naman na nakangiti si Steven habang tinatanaw ang dalagang si Val na papalayo sa kanyang kinauupuan. Mabilis niyang ini-ikot muli sa harap ng bar counter ang kanyang upuan bago tinanong ang bartender doon, "Xtian, kilala mo ba 'yong kuting na 'yon?"

"Hindi po sir Steve, ngayon ko lang po siya nakita rito sa bar," nakangiting wika ni Xtian habang abala sa pagpupunas ng mga baso roon. Sandali pa niyang tiningnan si Steven bago nagsalitang muli nang, "Mukang heartbroken po si Maam, Valentines Day pa naman." dagdag pa nito na s'yang nakapagpa-curious sa binata.

"So totoo nga sinasabi niya, heartbroken si Kuting." hindi makapaniwalang saad ni Steven dahil iniisip niya na masyadong maganda ang dalaga para lokohin pa ito nang gano'n.

"Siguro po sir... Sayang maganda pa naman si Maam."

Nang marinig iyon ni Steven ay mabilis niyang binayaran ang kanyang mga nainom at nagmamadaling tinungo ang Restroom.

Gegewang-gewang na lumakad ang dalagang si Val papalabas ng Restroom. Mataas naman ang tolerance niya pagdating sa pag-inom ng alak, ngunit ngayon ay mukang binalikan na siya nito dahil na rin siguro sa kanyang pagod at pagiging problemado.

Bahagya pang dumighay ang dalaga dahil sa kanyang mga nainom at segundo lang ang lumipas nang maaninag ng kanyang mga mata, ang lalaking makulit sa bar counter, "Tsss... Ano na namang kailangan nito?" aniya sa hangin bago napairap na lang sa kawalan.

Sinubukan niyang ignorahin ang presensya ng binata at nang akmang lalampasan na niya ito ay mabilis na nagsalita si Steven, "Hi kuting." nakangiting bati nito kaya't napatigil sa kanyang paglalakad ang dalaga.

Namumungay ang mga matang nilingon naman ito ni Val sabay sabing, "A-ano bang kailangan mo, s-stalker ka noh?!" singhal niya rito bago pinagpapalo ng hawak niyang bag ang binata.

"W-wait... Kitten wait, h-hindi ako stalker. Gusto ko lang malaman ang pangalan mo." utal-utal na usal ni Steven habang sinasangga ang mga palong ginagawad sa kanya ng dalaga.

Natigilan naman si Val sa kanyang narinig bago tiningnan ng seryoso ang binata, na animo'y inaalam kung nagsasabi ba si Steven ng totoo, "Hindi ako masamang tao believe me, gusto lang kitang makilala."

Humugot muna ng malalim na hininga si Val bago ito ibinuga sa hangin, tumingala panandalian ang dalaga para pakalmahin ang kanyang sistema bago muling tiningnan ang binata, "Okay I believe you, pero pasensya ka na Mister?" pagtatanong niyang muli sa pangalan nito.

"Steven." saad ng binata.

"Right... As I was saying, s-sorry pero w-wala talaga ako sa m-mood makipagkilala ngayon. Maybe some other time, k-kapag maayos na ako at sakaling magkita tayo, ako mismo ang l-lapit sa'yo." mahabang litanya ni Val, na kahit lango na ito sa alak ay pilit pa rin niyang tinutuwid ang kanyang pananalita.

Malungkot na napatango na lang si Steven sa kanyang narinig, kahit alam niyang imposibleng mangyari ang kanilang muling pagkikita, kaya't humugot muna ng malalim na hininga ang binata sabay sabing, "I understand, sorry kung kinulit kita."

Hindi na naman sumagot pa ang dalaga at nagmamadaling bumalik sa bar counter para uminom ulit ng alak. Malalim na ang gabi at patuloy lang sa kanyang paglalasing si Val, marami nang mga kalalakihan ang nagtangkang agawin ang atensyon ng dalaga, ngunit nanatili pa rin itong mailap at ang lasa lang ng alak ang tanging nakakatulong sa kanya ng mga sandaling iyon.

Lunod sa alak na nilisan ni Val ang lugar na iyon bago tiningnan ang kanyang suot na relos, "A-alas kwatro na p-pala ng m-madaling araw." anito sa kanyang sarili bago nag-abang ng taxi sa kalsada.

Sa sobrang pagod sa trabaho't pagkalango sa alak, ay hindi na kinaya ng sistema ni Val ang tama ng alak, kaya't napaupo na lang ito sa gilid ng gutter. Namumungay ang mga matang napabaling naman siya nang may humintong taxi sa kanyang harapan.

"Maam taxi po." pagtatanong nito nang maibaba ang bintana ng sasakyan.

"M-manong, t-tulong po." hinging saklolo niya sa matandang lalaki dahil sa sobrang kalasingan.

Mabilis naman bumaba ang driver ng taxi para alalayan ang dalaga, "Maam saan po kayo?" anito nang tuluyan ng makapasok sa kanyang sasakyan.

"Sa Malugay St. po, nong." wala sa sariling sagot ni Val bago nahiga sa passenger seat ng taxi.

Mabilis namang pinaandar ng matandang lalaki ang kanyang minamanehong taxi at makalipas ang kalahating oras ay ginising na nito ang dalaga, "Hija, nandito na tayo sa Malugay St. Saan ba ang bahay mo dito?"

Dahil nga alam ni Val na wala siya sa sariling bahay ay mababaw lang ang kanyang itinulog sa biyahe. Mumukat-mukat ang mga matang bumangon naman ito sa kanyang pagkakahiga sabay sabing, "Ito po ang b-bayad nong, s-salamat po." anito saka iniabot ang nakahandang pera sa bulsa ng kanyang bag.

Mabilis namang tinungo ni Val ang nirerentahan niyang bahay kasama ang kanyang kapatid na si Vida. Pabalang niyang binuksan ang pintuan nito at nagmamadaling tinungo ang kanilang lababo, para roon maglabas ng kanyang mga nakain at nainom na alak.

Nang mahimasmasan ay maagap namang tinungo ng dalaga ang kanyang silid para makapagpahinga. Hindi na niya nagawa pang magpalit ng pantulog kaya't dala na rin ng pagkalango sa alak ay padapang nakatulog na lang ito sa kanyang kama.




*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

The Unexpected Affection ✔️ (COMPLETE) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن