Author's Note 2

4.6K 294 170
                                    

Introduction:

Last October, I asked my friend to write a RaStro/JaThea fanfiction based on my storyline. Ang sabi ko sa kanya, I will provide her all the technical information that she might need while writing the said story. Pero dahil may ongoing two fanfictions siya that time, at iba ang kanyang genre, kinumbinse niya ako na magsulat ng sarili kong istorya. I was hesitant at first. Hindi naman kasi ako talaga writer. Well, ang linya ko ay technical writing at poetry. Hindi talaga fanfiction. Pero nanghininayang ako sa storyline na nasa isip ko. Pilit na kumakawala sa imagination ko ang iba't ibang scenes. Hanggang magdesisyon ako na magsulat. At ito nga ang Fly With Me.

Bakit ko ito isinulat? Pwede ko naman sanang palampasin na lang ang iniisip kong storyline. Sa sobrang busy ko, iniisip ko rin na baka hindi ko ma-sustain. Pero dahil may mga kaibigan ako na active shipper ng RaStro,naisipan kong ituloy ang pagsusulat. Ang sabi kasi nila sa akin, sa fanfiction na lang nagkakasama ang RaStro. Sa tunay na buhay hindi na. Kahit sa Tastebuddies, si G na lang yata ang hindi nagiging guest sa GMA talents. Mukhang malabo sa ngayon na magkasama ulit sila sa iisang project. 

Ang biro ko naman, "Ok lang na hindi magkasama sa project. Ang importante ay magkasama sila sa tunay na buhay"

Ang pagsagwan ng walang basis na lang ang tanging paraan para maka-survive ang Rebels. Ang mga kennekshen na lang ang bumubuhay sa kanila. Kung hindi nila gagawin ito, may possibility na mag-move on na sila. At masakit sa kanila na gawin 'yon. Sayang din ang friendship na nabuo na sa fandom kung mag-mo move on na sila.

Kaya nga ang fanfiction na ito ay dedicated sa lahat ng RaStro Rebels na gusto pang manatili sa pagsagwan.

Kaya nga ang fanfiction na ito ay dedicated sa lahat ng RaStro Rebels na gusto pang manatili sa pagsagwan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ZOE AND BEA


————-

How I write?

Kapag nagsusulat ako, hindi lang ang storyline ang ibinabahagi ko sa inyo. I am also giving you a part of my time... and a part of myself. Hindi lang ito basta pagsusulat. Kasama rito ang aking buong sistema, ang laman ng isip at ang koneksiyon nito sa puso at buong katawan. Kailangang ibigay ko kasi sa inyo ang tamang emotions, lalo na kapag malungkot o masaya ang eksena, para naman ma-enjoy ninyo ang pagbabasa.

Isang malaking challenge sa akin ang pagsusulat ng SPG dahil wala akong experience sa girl to girl relationship. But I have to be creative in order to give you the best story that I can. Sa pakiramdam ko nga possessed ako ni G or ni Rhi kapag nagsusulat nito. Nasanay na nga ako eh, hahaha! Masaya pala!

Ang masaklap nito, simula ng umpisahan ko ang fanfiction na ito, unti-unti akong na-inlove sa dalawa nating character. Hindi ako bumigay sa TRMD, hahaha! Pero dito, naramdaman kong mahal ko sila... mas minahal ko ang loveteam nila at isa ako sa nagwi-wish na sana sila na lang talaga in real life.


—————

Do I believe that Rhi and G had relationship?

Fly With MeWhere stories live. Discover now