Chapter 42 - The Lake and the Volcano

6.4K 333 166
                                    

           

(Author's Note: This chapter is not suitable for the readers under 18 years old. Please skip this chapter if you cannot take X rated scenes between our two main characters).

—————

Buhat ng bumalik si Rhian sa Nevada galing ng Dubai ay mas lalong napalapit sa puso niya si Glaiza. Walang gabi na hindi niya ito iniisip. Kahit madalas silang magkausap sa pamamagitan ng Skype ay nami-miss pa rin niya ang presence nito. Physically.

May pagkakataon na naaalala niya ang maiinit na eksena na naganap sa pagitan nila. At inaamin niya sa sarili na isa ito sa dahilan kung bakit madalas niyang nami-miss si Glaiza. Gusto niyang maulit ang ganitong uri ng mga sandali sa kanilang buhay.

Kanina, habang isinasara niya ang pinto ay niyakap siya nito mula sa likuran. Pagharap niya ay naramdaman niya ang pagdidikit ng maselang bahagi ng kanilang katawan. Namumula ang mukha ni Glaiza at namumungay ang mga mata. Kung hindi lang ito parang matutumba ay baka hinila na niya ito papunta sa sopa para doon gawin ang gusto niyang mangyari.

Kailangang mahimasmasan si Glaiza. Ayaw niyang samantalanin ito habang nasa impluwensiya ng alak. Inalalayan niya ito pababa ng hagdan papunta ng basement. Binuksan niya ang ilaw at niyaya niya ito sa swimming pool.

Habang naghuhubad siya ng damit ay pinapanood siya nito. Nandoon pa rin ang malamlam na mata nito. Alam niyang pinipigil din nito ang sarili. Nararamdaman niyang gusto nitong makipag niig sa kanya. Pero gusto niyang gawin ito ng malinaw ang isip nila. Gusto niyang maging memorable sa kanila ang ilang araw na pagsasama.

Pero ng makita niyang naghubad ng damit si Glaiza ay parang gustong kumawala ng control sa sarili niya. Ang kapirasong saplot na tumatakip sa katawan nito ay kanina pa niya gustong tanggalin. Gusto niya itong yakapin at panggigilan. Alam niyang naapektuhan din siya ng alak na ininom kanina. Pero alam din niya na hindi ito ang dahilan ng pag-iinit ng katawan niya ngayon. Kundi ang babaeng nasa harap niya.

She had been into previous relationships. Hindi na siya inosente. She had been with Jerson for two years. Pero hindi siya nakaramdam ng ganito kanino man sa kanila. Maliban kay Glaiza. Iba si Glaiza. Iba ang mga halik nito. Iba ang mga yakap nito. Iba ang pakiramdam niya 'pag magkasama sila. At iba ang pagmamahal niya kay Glaiza.

Buhat nang dumating sila sa Amanpulo hanggang kaninang tanghali ay ilang beses na nga ba silang nagniig? Pero hindi sapat iyon para mapawi ang pagkasabik niya rito. Alam niyang ganoon din naman si Glaiza sa kanya. Sa tuwing magkasama kasi sila ay isinusulit nila ang araw. Lagi kasing hindi sapat ang ibinibigay sa kanila ng tadhana. Maybe, they will overcome these desires when they are already living together... Maybe...

Noong una ay pinapanood lang niya ito sa swimming pool. Pero kalaunan ay lumangoy na rin siya. She enjoys diving. She enjoys swimming under water. May pagkakataon na nagkakalapit sila habang nasa tubig. Para itong tukso sa kanyang paningin. Konti na lang at bibigay na siya.

Hanggang nakita niya ito sa kabilang dulo ng swimming pool. Sa sinag ng ilaw ay tila wala itong saplot sa kanyang paningin. Parang tukso na nag-aanyaya ito na lapitan niya. Lumangoy siya patungo sa kinaroroonan nito malapit sa hagdan ng swimming pool. Tumabi siya rito. Hinawi niya ang buhok nito na tumatakip sa mata. Nakatingin ito sa kanya na medyo nakabuka ang labi. 

"Love..." 'yon lang ang kanyang nasambit.

She can't resist Glaiza. She kissed her... Ipinikit niya ang kanyang mata para mas maramdaman ang purity ng pagmamahal habang hinahalikan niya ito. Bawa't pagtugon nito ay nagdudulot sa kanya ng unti-unting panghihina ng tuhod... Hanggang maramdaman niyang tinanggal nito ang hook ng kanyang bra sa likod.

Fly With MeWhere stories live. Discover now