16. Third Strike Proposal

20.4K 278 16
                                    

Final Chapter

I woke up in the middle of the night. Kumapa-kapa ako sa hinihigaan ko pero wala akong makapa. Sumakit pa ang likod ko dahil ang tigas ng hinihigaan ko. Bumangon ako agad ng marealize ko na...

"What the tea?!" I muttered as I realized I am at the garden sleeping?

Sumakit naman yung ulo ko dahil sa biglaan kong pagbangon. Tumayo na ako at kinuha yung bag ko at pumasok sa loob. Umiikot paningin ko, may hang-over ba ako? Inihiga ko agad ang likod ko sa kama ko. Hay! I missed my bed. I closed my eyes. And I opened it again. Parang kasama ko lang si Kevin kanina ah? Don't tell me he left me in the garden? Bastusan talaga yung lalaking yun.

Well, Kevin's the guy I've met in the bar last night. Siya ang naging kasama ko habang dinaramdam ko ang panlalaro ni James. He's a good companion. Napapangiti ako habang iniisip siya.

It's 4:00 in the morning. Maaga pa pala. I stood up and went to the bathroom. Nagshower lang ako saglit at nagbihis na agad tapos nahiga ulit sa kama ko. Nahihirapan na akong matulog.

Kaya ko na bang harapin si James mamaya kung kakausapin ko siya? Hmp! Bahala na talaga. Nagmumuni-muni lang ako habang tinititigan yung kisame. Hanggang sa pagpikit ng mata ko ay naalala ko si Kevin. Pumunta ako kanina sa condo niya para magpasalamat tapos kumain kami. Hanggang dun na lang yung naalala ko dahil naparami na naman yung inom ko. I just thought that I needed that.

Kinuha ko yung phone ko sa bed table para sana tawagan siya pero naalala ko wala nga pala akong number niya. I just shrugged. I am browsing my phone until I flinched when It vibrated. James' handsome face flashed in the screen. Napangiti ako, namimis ko na siya. Pero kaya ko na ba siyang pakinggan? Bakit parang ang hirap sa akin na makinig sa sasabihin niya. Ganito din ba yung pakiramdam niya nung ako yung nagkamali? Hindi ko sinagot ang tawag niya. Nilapag ko na ulit yung phone ko sa table. Hindi ko pa alam ung anong sasabihin ko sakanya, kung handa na ba akong pakinggan siya.

I sighed. Hindi na talaga ako makatulog. I flinched again when my phone vibrated. I tsk-ed and I got the phone. Its james again. Nagtalo pa ang isip at puso ko kung sasagutin ko ba oh hindi.

I sighed as I answered the phone. Nilagay ko iyon sa tenga ko. Wala namang nagsasalita sa kabilang linya, tunog lang hg aircon ang naririnig ko at ang buntong hininga ni James.

"J-james?" I uttered stuttering. Mukha namang nagulat si James sa kabilang linya dahil napasinghap siya. Narinig ko na parang bumangon siya sa pagkakahiga. "James. is that you?" I asked again. Silly me! Malamang siya ito.

I heard him sighed. I looked at the clock. 5am. Ang aga naman niya nagising. "I-I missed.. you..so..so..much, Tri-trina." I covered my mouth as I heard his hoarse voice. Basag yung boses niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. I sobbed. Mygosh! I really missed him, too. I heard him sobbed too.

 

"T-talk to me, please." He said. His voice was husky and sad. Naiiyak ako dahil narinig ko yung boses niya, missed na missed ko na siya. Sobrang tagal ko na siyang hindi nakaka-usap at nayayakap.

 

"Sure James, later after work hours. We'll talk." I said smiling kahit hindi niya nakikita. Handa na akong marinig ang sasabihin niya. Mahal ko siya at papakinggan ko siya.

"T-thank you. Yes!" He said. I can feel happiness in his tone. I hang up para hindi na niya marinig ang impit kong pag-hikbi.

Kung tutuusin naman kasi may karapatan siyang ipaliwanag ang side niya. And Im giving it to him. I smiled as I wiped my tears. Bumangon na ako at naghanda para sa trabaho ko sa shop/cafe. Its been two days na hindi ako pumupunta doon. Though, I trust Ella.

Ends With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon