He's been one of my crushes simula noong nag-aral ako dito sa school. Everytume he sings felt like I'm in heaven kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya sa tuwing nagpe-perform siya sa stage, pero dahil crush ko siya ay ginawa ko ang lahat para mahanap ang Facebook ay ibang sns accnt niya. At dahil hindi kami friends ay hindi ko nakitang may pinagdadaanan na pala sila ni Quaizel.

Kilala sa school ang pagiging partners nilang dalawa, pero hindi agad pumutok ang balitang wala na sila. Or maybe, pumutok ito pero nasa probinsya ako kaya hindi ko agad nalaman. Kung hindi ko pa siya nakilala sa probinsya ay hindi ko malalaman...

Bumaba ang tingin ko sa screen ng cellphone ko at tinignan ang picture naming dalawa doon. I swiped my screen at nakita ang dami ng pictures naming dalawa na natatakot akong i-upload sa Facebook ko. Tinignan ko ang isang picture at mas lalong pinagmasdan iyon,

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil doon ko nakita ang mga ni Kurt. It's so genuine and warm na kapag nakita mo ay malalaman mong masaya talaga siya. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko dahil doon ko lang naalala kung paano siya ngumiti at kung paano magningning ang mga mata niya sa tuwing magkasama kami.

I've been blinded by my jealousy and insecurity na hindi ko nakita kung ano ang totoo niyang nararamdaman para sa'kin.

Damn. Nobody told me that loving someone can be this hard, that having feelings for someone can be this complicataed. No one taught me this kaya hindi ko alam ang gagawin ko. I chose to break up with him than to talk to him about me having second thoughts about us.

Kung hindi ko pa narinig kanina kung gaano niya ako kamahal ay hindi pa ako magigising. Bakit kailangan pang marinig kong sinasabi niya iyon kay Quaizel? Bakit kailangan ko pang mapatunayan na mas mahalaga na ako sakaniya kaysa kay Quaizel? Why do I keep competing with his ex-girlfriend?

Huminga ako ng malalim at pinindot ang lock ng cellphone ko para maging black na ang screen na ito. I saw my reflection on my phone and there I saw the pain. Pain I've inflicted to myself. Pain I've created.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko pero umilaw ang screen nito at nakita kong lumabas ang pangalan ni Kurt...

Kurt:

I love you.

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko dahil naramdaman ko nanaman ang maiinit na likido na dumaloy sa puso ko. I bit my lower lip dahil gusto ko siya muli puntahan pero huminga na lang ako ng malalim at nagtipa ng mensahe para sakaniya. I think he's tired right now.

Tiffany:

I love you more, babe. Pahinga ka ha. It's not your fault.

Ibinaba ko sa ibabaw ng hita ko ang mga kamay ko kasama ang cellphone na tinititigan ko. Hoping to receive another message from him. Hoping to hear from him. I said those words dahil alam kong iyon ang kailangan niyang marinig. If I'm blaming myself kaya nandito sa ospital ngayon si Quaizel ay malamang siya rin. He's blaming himself at hindi iyon ang kailangan niya. He needs to rest.

Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang mga bisig na yumakap galing sa likuran ko. Nilingon ko ang pinagmulan noon pero hindi ko nagawa dahil sumunod ang ulo niya. Isinandal niya ang noo niya sa balikat ko at hindi ko man lang nakita ang itsura niya kanina. Unti-unti akong nakahinga ng maluwag nang nakita kong si Kurt ang nakayakap sa'kin.

I hold his hands at hinayaan siyang yakapin ako. Isinandal ko pa ang ulo ko sa gilid ng ulo niya. Nakatayo siya habang nakayakap sa'kin at kahit na may nakaharang sa likod ko at sa dibdib niya dahil sa inuupan kong bench ay hindi niya inalintana.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya at mas hinigpitan niya rin ang yakap niya sa'kin. We stayed that way for minutes na walang nagsasalita. Para bang maramdaman lang namin ang isa't-isa ay maayos na. Like everything's gonna be alright basta ba nandito kami para sa isa't-isa.

One Word, Two SyllablesWhere stories live. Discover now