Until He was Gone

5.5K 102 23
                                    

Until He was Gone

-Ito lang naman ang pinaka da BEST saking story ni Ate J! Bukod sa Until He Returned na mas Best sakin.

-Dito ako natuto na magmahal ng iisang lalaki lang. At iyon ay si ELIJAH MONTEFALCO.<3

-UBOS LUHA AWARD!

Kung patindihan lang ng pagmamahal, kay Elijah na ang award na iyon. Mula bata pa lang minahal niya na si Klare Montefalco na pinsan niya. Sinubukan niyang iwasan sa paggamit ng mga babae, pero hanggang sa lumaki sila mas minahal niya pa si Klare. At nahulog narin si Klare na pilit na pinipigil ang alam nilang bawal na pagmamahalan, kaya wala silang nagawa kundi itago ang relasyon.

Hindi rin mawawala ang Montefalco Cousins! na laging nasa bar! haha, Na isa sa mga tumutol kina Klare at Elijah. Lalong lalo na si Erin, kawawa si Klare sa kanya.

Wala rin silang nagawa at nabunyag din ang relasyon nila. Matapang si Klare na sinuko ang pagmamahal niya kay Elijah para lang sa pamilya. Pero si Elijah, hindi niya kaya. Pinaglaban niya. Kaya ang nangyari ay pinaghiwalay na ang dalawa. Pinaalis niya si Elijah, para matutunan nilang malimutan ang isat isa.

Pero sa huli, kasinungalingan pala ang lahat sa buhay ni Klare. Anak siya sa labas ng momy niya, isa siyang illegitimate child. At ang mga tito at tita niya ay alam rin iyon. Pero tinago nila ito sa kanya.

-Emeged! Sayang diba?! Sobrang nakakaawa si Klare! Kalahati ng awards nandito na! Haha.

Ang mga Libro ni Ate JonaxxWhere stories live. Discover now