Baka Sakali 2

5.4K 75 5
                                    

Baka Sakali 2

-Nagalak ako dito kasi hindi parin natatapos ang nakakalokang sparkling abs ni Jacob! Engage na sila ni Rosie.

Dito pumasok na sa modeling career si Rosie na nakakakilig ng sobra dahil napakadala magselos ni Jacob lalo na kay Brandon na tinamaan kay Rosie! Nandyan yung pagaaway nila ni Jacob dahil ayaw niya pumayag sa pagmomodel ni Rosie.

Pero wawa din dito si Brandon, muka naman kasi talagang gusto niya si Rosie eh. Pero wala nang tatalo sa pag lalagay ni Jacob kay Rosie ng mga hickeys wag lang magtwo piece sa beach!! Haha kalurkey si Miss author! Pati narin ang tshirt ni Rosie na may nakalagay na 'Property of Jacob Buenaventura.'

Ang nagpatindi sa story nato ay si Jamin, na pilit na inaangkin si Jacob kay Rosie mula sa malayo. Na hindi na nakakauwi si Jacob kay Rosie dahil kay Jasmin. Sinong hindi magseselos at hindi maghihinala??

Kaya naman pinuntahan na ni Rosie si Jacob. At timing nga naman! Sa lupang may gate na may ukit ng pangalan ni Rosie ay nahuli niya si Jasmin na hinahalikan si Jacob! Ano pa bang mas titindi! meron naman. Ang makitang nakaputi ang mahal mo na ang ibig sabihin pala ay single! Gosh!

Eh bakit ba kasi tingin ng marami kay Rosie ay masama?! Miss author? WHy? Eh sila nga itong masasama ang ugali eh! Pinaghihiwalay ang nagmamahalan!

Buti na lang at nandyan si Papa Jacob. 'Kaibigan ko lahat ng rerespeto sa pagmamahal ko sa kanya. At kung di nyo matatanggap yon, hindi ko rin kayo matatanggap.' aww Jacob..

Ang mga Libro ni Ate JonaxxDonde viven las historias. Descúbrelo ahora