The Billionaires

22.2K 468 11
                                    

Present

BUKOD sa saya ay hindi rin maggawang itago ni Nikos ang pait at galit habang nagkukuwento siya sa mga kaibigan niya sa bagong natuklasan. He just discovered that he had a son, how cruel was that? Kung hindi pa namatay si Stavros ay hindi niya pa malalaman. Kung hindi pa siya nagpalit ng taga-imporma sa kanya sa lagay ni Irene. At kahit hindi man tuwirang sabihin sa kanya ni Irene ay alam na agad niya na anak niya si Nicollas. Walang duda roon. Mula sa mata niya ay kamukhang-kamukha niya ito. He was his younger version. Kamukhang-kamukha niya ito noong bata pa siya.

"That is what pride can do to us," pangaral ni Vincent. Kasalukuyan itong nasa Pilipinas dahil inaasikaso nito roon ang pinatatayo ng Haven Group of Companies na pinakamalaking Hotel and Casino sa Pilipinas. Ito ang in charge sa entertainment business ng HGC. Ganoon rin si Augustus dahil binibisita naman nito ang best friend nitong si Melanie na isang Filipina. Kasabay rin noon ang pamamahala sa Distillery nila sa bansa na siyang ito ang in charge. Kasalukuyan silang nasa Golden Cash Clubhouse Resort na siyang pinakamalapit na clubhouse na pare-pareho silang member. Nagkita-kita sila roon dahil na rin sa hiling niya. Dahil sa pasabog ni Irene ay kailangan niya nang mapapagsabihan ng nararamdaman.

Nang ipadala sa kanya ng inupahan niyang bagong PI ang picture ng bata ay laking gulat niya. Alam niya na nasa Pilipinas si Irene dahil ayon kay Stavros ay doon raw ito nanatili sa nakalipas na taon. Sumama raw ito sa baklang kaibigan nito na napauwi sa Pilipinas. Naging hiyang si Irene sa bansa niya. Sakto namang nasa Pilipinas rin siya dahil sa ilang business matters kaya mabilis lang niyang napuntahan ang mag-ina niya. Sa bahay na nga lang niya ang mga ito napuntahan, Mabuti na lang at may report rin ang inupahan niyang PI sa bahay ng mga ito kaya naggawa niya na mapuntahan rin ang mga ito sa mabilis na panahon. At ngayon, mabuti na lang rin at kahit papaano ay may ilan siyang kaibigan na nasa bansa rin at ito ang naging outlet niya sa balitang nalaman.

Kakaunti lang ang tinuturing na kaibigan ni Nikos. Marami siyang kakilala, oo. Bilang big time businessman ay marami na siyang nakatagpong tao---big time man o hindi. Pero kakaunti lang ang itinuturing niyang mga kaibigan. Kapag nasa mundo ka ng business ay maiintindihan mo iyon. You will meet people but it is also hard to give trust to all of them. Kailangan niya pang pag-aralan ang background ng isang tao bago siya makipaglapit dahil maaring sa isang galaw lang niya ay matumba siya. People in business are most called as competitors, not friends. Sa mundo ng business ay ang lima lang niyang partners sa HGC ang tinuturing niyang kaibigan. Ito lang ang mga pinagkakatiwalaan niya. Isama pa na wala siyang oras para humanap pa ng kaibigan dahil na rin sa pagka-abala niya sa HGC.

Masaya naman siya sa barkadahan nilang anim. Iba't iba man ang ugali nila ay nagkakasundo sila. Siguro ay dahil sabay-sabay silang lumaki sa ampunan. Time to time lang sila nagkikita dahil madalas silang abala na anim. Siya, si Augustus at Vincent ang madalas na nagkikita-kita. Pare-pareho kasi silang hands-on sa HGC. Si Ed naman at si Jet ay nakikialam rin sa business pero mas nakatuon ang pansin ng mga ito sa ibang bagay. Si Ed ay sa estado nito bilang celebrity Prince at si Jet ay sa pagiging Doctor nito. Samantalang si Cedric ang siyang walang lubos na pakialam sa business. Nagbibigay ito ng puhunan pero hanggang doon na lang iyon. He just became a capitalist and silent partner. Madalas kasi ay wala itong pakialam. Artist kasi kaya may pagka-weird ito at gustong sa isang bagay lang nakatuon ang pansin dahil kapag nawala ang concentration ay tila nababaliw. In short, lumalabas lang ito kapag natatapos na ito sa ginagawa. Hindi ito nagpapaabala kanino man kapag may painting o mural na ginagawa ito na hindi maiiwasan kapag isa kang businessman.

"Ano na ang gagawin mo ngayon? Kukuhanin mo ba kay Irene ang bata?" tanong ni Augustus.

Nagngitngit ang ngipin ni Nikos. Gusto niyang gawin iyon pero alam niyang magiging isang malaking gulo iyon. At nabasa niya minsan na malaki ang epekto ng relasyon ng magulang sa emosyonal na bahagi ng isang bata. Ayaw niyang gumawa ng gulo lalo na at napakabata pa nito. Siguradong iyon kasi ang kahihinatnan kung sakaling puwersahang kuhanin niya ang bata kay Irene. Ramdam niyang mahal na mahal nito si Nicollo. Hindi ito papayag na basta na lang niyang kuhanin ang bata rito, kahit alam niyang napakadali lang para sa kanya na gawin.

"Puwede naman siguro kaming hindi makarating sa ganoon," sagot na lang niya.

"Ganoon? So ang ibig mo bang sabihin ay aayusin mo na lang ang pagasasama niyo ng asawa mo?"

Matalim na tinitigan niya si Vincent. Hangga't maari ay ayaw na ayaw niyang tawagin si Irene sa estado nitong iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maggawang tawagin ito na asawa niya. Hindi niya pa rin tanggap. At kahit kailan yata ay hindi niya magagawa. He was just forced to marry the brat.

Itinaas nito ang kamay. "Hey, I'm just saying the truth! Asawa mo naman talaga si Irene. Bakit hindi niyo na lang totohanin?"

"That was not an option, Vincent. Alam mo na ipinilit lang iyon." Dahil kaibigan niya ang mga ito ay naikuwento na rin niya sa mga ito ang ilang personal na bagay tungkol sa kanya. Kaya hindi siya nakikimi na ikuwento sa mga ito ang natuklasan ngayon.

Kumunot ang noo nito. "Hindi ko maintindihan ang pagkaayaw mo kay Irene. Maganda naman siya. At single ka naman kaya---"

"He set me up, Vincent! Hanggang ngayon ay hindi ko siya mapapatawad ng dahil roon," putol niya sa kaibigan.

"Ever heard of the word "move on", Pare?" untag naman ni Augustus. Mukhang pati ito ay gusto ang mungkahi ni Vincent. "Kailangan mo noon. Ilang taon na ba ang nakalilipas? Pitong taon? Isa pa, may asawa na rin si Cora at may anak na. Sa inyong dalawa, ikaw na lang ang hindi nakaka-move on."

Kumunot ang noo ni Nikos. "Hindi niyo ako naiintindihan. Alam niyong bukod sa pagkasira ng relasyon namin ni Cora ay marami rin naidulot na masama ang ginawa ni Irene noon."

"Oh, yes. Maybe. Pero bata pa si Irene noon. Hindi niya pa gaanong alam ang ginagawa niya."

"Being young is not an excuse to be stupid. Eighteen na siya noon. May isip na siya. Dapat ay inisip muna niya ang consequences ng maaring mangyari sa kanya bago niya ako----" hindi na niya maituloy pa ang sasabihin dahil kapag naalala niya iyon ay bumabalik lang ang masasamang alaala sa isip niya.

Inamin sa kanya ni Irene ang dahilan kung bakit nito naggawa sa kanya ang bagay na iyon. Mahal raw siya nito sa kabila ng trato niya rito. Hah! Kung ang pagmamahal nga sa isang kapatid ay hirap siyang ibigay rito, paano pa kaya ang isang pagmamahal ng isang asawa? Isama pa na dahil rito ay nawala sa kanya si Cora. Si Cora na unang pag-ibig niya. Hindi niya malilimutan ang sakit sa mukha nito nang malaman ang nangyari sa kanila ng tinuturing niyang kapatid. Nang dahil roon ay nakipaghiwalay ito sa kanya. Naging napakasakit noon para sa kanya. Hindi niya mapapatawad si Irene sa ginawa nito.

"How I wish hindi kayo ang kasama ko ngayon. May pagkamabait kasi kayo. Ito iyong mga oras na nahihiling ko na nandito si Cedric. Paniguradong maiintindihan niya ako." Matigas kasi ang puso ng kaibigan.

"Naiintindihan naman namin ang galit mo kay Irene. Naiintindihan rin namin na mahirap magpatawad. Pero ilang taon na kasi, Pare.... Puwede mo rin na ibukas ang puso mo. Wala namang mawawala sa 'yo kasi single ka naman. Saka may anak kayo. Mas makakabuti sa anak niyo kung magkaayos kayong dalawa. Sana ay pag-isipan mo rin itong sinasabi ko..." paliwanag ni Augustus. Tumango-tango si Vincent, sumasang-ayon sa payo ng kaibigan.

Naiwang nag-iisip si Nikos. May punto ito. Pero kaya ba niyang sundin ang mga iyon kung hindi lang naman ang paghihiwalay nila ni Cora ang dahilan kung bakit kinagalitan niya lalo si Irene? Kung bakit sa halip na i-work out ang relationship nila ay hindi niya ito pinansin. Maraming dahilan kung bakit galit siya kay Irene. Mahihirapan siya na makisama rito. Sa totoo lang ay namumuhi siya rito.

Maganda si Irene. Habang lumalaki ito ay napapansin niya na iyon. Gusto niya ang brunette at wavy na buhok nito. Napakaganda rin ng berdeng mata nito. Pinaghalo ang features nito ng mag-asawang Loukas at Iris Sallis. Ang balat nito ay kasing olive ng balat ni Loukas. Namana rin nito ang tangkad ng lalaki. Ang kurbada at magandang mukha naman nito ay namana kay Iris. Kung pisikal na atraksyon ang pagbabasehan, matindi ang atraksyon na nararamdaman rito. Pero hindi niya gusto ang nakaraan at ugali nito. Sapat ba ang pisikal na atraksyon na nararamdaman niya para i-work out ang relasyon nila? Handa ba siya na patawarin ito alang-alang sa anak nila?

Sa kabila ng galit, alam niyang kailangan niyang pakisamahan ito. Maybe not to build their relationship, but for their child. And that should just be the reason why he should let her enter his life again.

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Where stories live. Discover now