Pero hndi ko ipapahalata yun dahil mahirap na baka iwasan niya ako diba. Pero duh iwasan? Ang gwapo ko no/ bakit niya ako iiwasan. Swerte niya na ako pa nag kakagusto saknya.ke gwapo kong lalaki ah.

 

 

Nung natapos ako sa mga ritwal ko nag punta na ako sa bahay nila.

 

 

"hi tita!! Si Louise po?"

 

 

"andun sa kwarto niya"

 

Ha??? Di pa ba yun tapos mag ayos?

 

"handali lang tawagin ko"

 

"Louise!!! May bisita ka!!!"

 

 

At ayun lumabas si Louise sa kwarto niya.

 

Wadapak!!! Hindi pa siya nakaligo?!!!

 

"hndi ka pa nakaligo?!"

 

Louise-à   O.O -.-"

 

"ano sa tingin mo? Ang aga mo naman. Di ka naman siguro excited no?"

 

"shunga! Wala ka ngang sinabing time eh"

 

Sira ulo to. Wala naman sinabing oras malay ko ba kung ngayon na

 

"ahh wala ba?.....

...

...

EDI SANA NAGTANONG KA!!!"

 

WOW!!!!!!!!!! Ang galling... grabe... siya na nga humingi ng pabor siya pa tong galit

 

 

"maligo ka na! ang bantot mo!!! Amoy na amoy ka dito"

 

 

".....uh!!!...... feeling mo!!! Mabango ako no!!!"

 

Ayun binalibag yung pinto niya . napatingin ako kay tita.. tumatawa

 

 

"grabe kayong mga bata. Sigawan haha. Siya lang ata nakakasigaw sayo ng ganyan eh"

 

Sabi ni tita . yes siya lang

 

"grabe tita, si mama nga takot pa kong sigawan eh pero yan walang minutong di nakasigaw saakin yan. Nakalunok ata ng speaker eh"

 

 

"hahaha nakakatuwa kayo... ganyan lang siya akala mo matapang pero iyakin yan"

 

"po? paano nyo po nasabi ?"

 

 

"iyakin yan. Haha malalaman mo din soon kung bakit siya iyakin. Hindi ko pwede sabihin sayo kung anong rason nung iniyak niya. Siya dapat ang mag sabi sayo."

 

"yang batang yan.puro ngiti ngiti ngiti hindi mo mapapansin na may problema. Pag iiyak yan hindi mo makikikita. Kung makikita mo man siyang umiyak aba swerte mo o di kaya  malas mo hahaha. Akyat na ako manuod ka nalang ng tv antayin mo nalang si Louise marami pa akong tatapusin na work eh"

 

 

Ano kaya ibig sabihin ni tita sa sinabi niya ?

 

"iyakin yan. Haha malalaman mo din soon kung bakit siya iyakin. Hindi ko pwede sabihin sayo kung anong rason nung iniyak niya. Siya dapat ang mag sabi sayo."

 

Bakit??? Paano??? At ano???

 

Never ko pa siyang nakitang umiyak. Nalungkot?? Oo pero hindi ko minsan magets kung anong trip niya? Kung malungkot siya o masaya? Mahirap basahin yung utak niya ...

 

 

At yung pangalawang sinabi ni tita ...

 

 

"yang batang yan.puro ngiti ngiti ngiti hindi mo mapapansin na may problema. Pag iiyak yan hindi mo makikikita. Kung makikita mo man siyang umiyak aba swerte mo o di kaya  malas mo hahaha. Akyat na ako manuod ka nalang ng tv antayin mo nalang si Louise marami pa akong tatapusin na work eh"

 

 

Oo palagi isyang nakangiti...

 

Matapang siyang babae. Balahura siya... pero hindi ko ineexpect na mahina siya.. I mean  siya yung babae na hindi mo madaling matalo.

 

Ang hirap intindihan hanggat hindi ko alam kung ano talaga yung nangyari....

 

Sa ngayon... kailangan ko mag ingat...

 

Mag ingat sa mga kilos ko lalo nat nalaman ko na iyakin sya... at bihira lang siyang makita na umiiyak ...

 

Lalo na at hindi ko alam kung ano yung rason kung bakit siya umiyak

-------

a/n: salamat po sa mga nag babasa padin J)

-bluenote14

 

 

 


Love Centrism (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora