Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit nasali siya sa hanay ng mga Agent na magagaling sa aming departamento. Kung magsalita parang tambay sa kanto at kahit nakikipagbarilan panay ang daldal kung gaano kagwapo ang mga foreigner na nakikita niya.

"Malapit ko ng matapos." Sabi ko nalang para matapos na.

Natigilan siya at muling umayos ng upo kung maayos ba talaga ang pag-upong nalabukaka at halos kita na ang singit.

"Bakit parang mabigat sa loob mo ang katotohanang malapit ng matapos, don't tell me nahulog ka na rin sa nakapaglalaway bagag na alindog ng alaga mo?"

Binato ko siya ng unan na nakapa ko sa couch na hindi niya nailagan kaya nasapol ang mukha niya. Napangiti ako dahil sa gulat na reaction niya. "Nahulog? My ass, hindi pa ako baliw para pumasok sa gan'ong bagay."

"Ang bitter mo!" Asik niya sabay balik sa'kin ng unan pero nasalo ko kaya mas lalo siya napasimangot. "Hindi dahil nabigo ang bestfriend mo ng umibig siya ay kailangan mo ng matakot na mahulog sa isang tao. Sadyang gan'on lang ang tadhana niya pero ang sa'yo ay iba, give your self a break Anton para maging masaya ka naman."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Bumalik sa isip ko ang alaala ng mga sandaling hindi ko napigilan ang matalik kong kaibigan na tapusin ang kanyang buhay dahil sa pagmamahal sa isang lalaki. Sa isang Second Castillion.

"Kung mahuhulog ako sa lalaking bumigo sa mahal na mahal kong kaibigan ay para ko na rin siyang pinatay sa pangalawang pagkakataon." Puno na lamig ang boses ko ng sabihin ang mga katagang 'yon.

Siya naman ang natahimik dahil siguro ngayon lang nagsink in sa utak niya kung ano ang mga bagay na lumabas sa bibig niya. Hindi ako sensitive sa ganitong usapan na tungkol sa nangyari sa bestfriend ko pero naroon pa rin ang sakit kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon.

Masakit dahil wala akong nagawa para ilayo siya sa pagkahulog sa lalaking iyon. Wala akong nagawa at huli na ng malaman ko na nasasaktan na pala siya dahil sa pagiging busy ko sa trabaho.

Tumayo na ako at tumuloy sa sarili kong kwarto habang si Gale ay tahimik pa rin. Iyon naman ang magandang parte ng pagiging madaldal niya dahil kapag alam niyang off limit na ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ay siya na mismo ang nagapatahimik sa sarili.

Padapa akong humiga sa kama nang makapasok sa kwarto dahil sa pagkayamot. At nang lumapat ang likod ko sa malambot na higaan ay doon ako nakaramdam ng sobrang pagod sa nangyaring engkwentro.

Ilang minuto siguro akong tahimik na nakatingin sa kisame nang marinig ko ang tili ni Gale. Hindi ako natinag dahil may pagkakataon talagang tumitili siya lalo kapag nanonood ng korean drama o kapag nang-i-stalk ng mga modelo ng mens magazine.

Kinikilig siguro.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko habang siya ay humahangos na lumapit sa'kin bitbit ang laptop.

"Tingnan mo dali." Aniya sabay lahad sa'kin ng laptop niya.

Umirap ako. "Aanhin ko 'yan?"

Hinila niya ako paupo syaka ipinatong sa mga hita ko ang laptop kaya napatingin ako doon, may video siyang nagplay at doon tumambad sa'kin ang nagwawalang si Second.

"Trending siya dahil sa pagwawalang ginawa niya sa set ng shooting ng bago niyang teleserye." Paliwanag ni Gale.

Halata nga sa background na nasa location ito ng shooting. Napapailing akong napahawak sa aking sentido ng baghagya itong pumitik dahil sa stress sa mga nakita ko.

Tumayo at iniabot muli kay Gale ang laptop niya, hindi na ako nag-aksaya ng panahon para tapusin ang video dahil hindi na naman iyon bago sa'kin. Sa sobrang katigasan ng ulo ng lalaking 'yon ay nasanay na ako, siguro may hindi na naman nagustuhan sa mga taong nasa paligid niya.

Castillion Brothers Series 2: Second CastillionWhere stories live. Discover now