Oo, alam niyang mali ang ginagawa niya. Pero ano ba naman kasing mangyayari kung papatagalin niya pa ang sampung piso na yan? Hindi naman siguro yan magma-magic at biglang magiging isang libo diba?

Ang pinakamurang kape na nakita niya ay nasa gilid-gilid lang. Saktong 10 pesos. Sinayang lang niya ang pera niya para sa kape kasi hindi naman siya mabubusog dun. Wala eh, bobo 'tong probinsyanang 'to eh. 

Tumayo muna siya sa gilid habang hinihintay ang dahan-dahang paglamig ng kape (pero hindi yung sobrang lamig) at tumigin sa paligid. Mukha ngang mahihirapan siyang mag-adjust dito. Kasi sa mga nakikita niya palang sa mga taong naglalakad dito, halatang hindi niya kayang maki-fit-in.

Kilalkal niya pa ang bag niya habang ini-imagine na iyon ang bulsa ni Doraemon, pero ang totoo, isang shades lang ang nakita niya.

Pero bakit nga ba siya nagkaroon ng shades kung isa lang siyang simpleng probinsyana? Ewan ko, wag niyo akong tanungin. Basta may shades lang siya, tapos na ang usapan. 

Sinuot na kaagad ni Summer ang shades na nahanap niya at naglakad ng parang model ng Victoria's Secret. Feeling hot naman ang bruha. Umupo siya sa gilid habang naka-shades pa rin at hawak ang paper-cup na pinaglalagyan ng kape niya.

Hay, siguro kung hindi ako nanakawan, ang dami ko nang nilalamamon ngayon! sabi ni Summer sa kanyang isipan.

Tinignan niya ang kanyang repleksyon sa kape at inihipan ito para lumamig ng kaunti. Ang lalim na sana ng iniisip niya nang biglang...MAY NAGHULOG NG BARYA SA KAPENG INIINUMAN NIYA!

Napatingala siya kaagad pero wala siyang nakitang tao sa kanyang harapan. Nakita niya lang ang lalaking naglalakad papalayo sa kinauupuan niya. Malamang siya ang naghulog nun! Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa lalaking inaakala niyang naghulog ng piso sa kanyang kape at sinipa ang kanyang kaliwang binti.

"Aray!" Reklamo ng binata.

  "Yung feeling na umiinom ka ng kape tapos may hampaslupang naghulog ng barya sa iniinuman mo. ALAM MO YUN HA?!"

"Teka, hindi ka bulag? Nakakakita ka?" Tanong niya.

"OO NAKAKAKITA AKO! Hindi porke't may shades at may hawak na baso o lata ay namamalimus na! Hindi ako pulubi!"

"Eh napaka-awkward mo babae kasing eh! Tignan mo naman, umagang umaga tapos naka-shades. Shunga you?"

"Hinde!" Sigaw ni Summer. "Galing ako sa probinsya. Tapos pagdating ko dito nanakawan agad ako. Nawala lahat ng gamit ko."

At doon na nagsimulang mag-drama ang lukaret nating probinsyana. Feeling niya naman eh maawa kaagad yung lalaking kaharap niya ngayon? Tsaka, hindi niya nga man lang kakilala yang lalaki para magdrama ng ganyan eh!

"Umiiyak ka ba?" Tanong ng lalaki.

"Hindi! Pinagpapawisan lang yung mata ko!"

"Hoy psst. Wag kang umiyak dyan. Baka isipin nila inaaway kita eh." Bulong niya.

"Yung kape ko...yun na lang ang meron sa akin tapos dudumihan mo pa?! Anong klaseng hayop ka ba?!"

               

Tumahimik yung lalaki at tinignan nalang si Summer.

"Wala nang natira? As in...wala?"

"Oo nga, anong tingin mo sa'kin? Sinungaling?" at kahit sobrang nade-depress na si Summer, nagawa niya pang makipagbarahan sa lalaking hindi niya naman kakilala.

"Medyo lang," mahinang sagot nung binata. "Hm, gusto mo ba ng trabaho? Yung may matutuluyan ka? Tapos makakapag-aral ka pa? Tapos araw-araw masarap ang lalamunin mo?"

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon