Chapter 47: The future Lady Boss

5.7K 149 11
                                    

Because the last chapter I posted is lame and boring,,, this chapter will be the same. Kayo na humusga. It's my RD today pero wala ako sa kondisyon. Kulang na kulang ako sa tulog. Sorry. 😞😂 Labyu pa rin. 😘

~IBetYouKnowMe

==============
==============

Chapter 47

"This is Juno Althea Villavicencio, our company secretary." Pagpapakilala naman sa'kin ni Aki sa bagong CFO.

Nginitian ko ng malapad si Caitlin. As in napakalapad na sarkastikong ngiti. Anupat sarcastic din naman ang paraan ng pagkakangiti niya sa'kin. She looks insecure with me... But she doesn't have to worry because the feeling is mutual. We are insecure with each other.

Caitlin is a beautiful woman. Mas maganda nga yata siya kaysa sa'kin. She looks so sophisticated from head to toe. Observing the way she dress up, her make-up, her style, I can say that she certainly knows what fashion means. Nakaka-insecure talaga. I thought, dahil umalis na si Allyson, wala na akong kakumpitensya pagdating sa kagandahan dito sa Hallsan Corporation, pero mas maganda na naman pala kaysa kay Allyson ang kapalit.

I feel like Caitlin is going to be a big threat for me. Una, dahil anak siya ng Director. May kapangyarihan siya at hindi ko siya pwedeng basta-basta na lamang barahin kagaya nga malimit na gawin ko kay Allyson.

Pangalawa, may MU nga sila ni Aki dati. Paano kung bumalik yung MU-MU feelings na yon?

Pangatlo, mas maganda siya sa'kin. Alam kong kayang-kaya niyang akitin si Aki.

Hay. Bakit ba ako napa-paranoid? Takot na takot samantalang wala namang 'kami' ni Boss. It's up to him kung ano ang gusto niyang gawin o kung sino ang pipiliin niya. I have no right to be hurt nor to be jealous.

"It's so nice to see you close with each other again, Caitlin and Mr. Buenavista. We're looking forward to witness you became an official couple."

Mula sa nagsalitang si Mr. Galleon, dinala ko ang tingin ko kay Aki. Masama ang timpla ng mukha niya, kasinsama ng lasa ng purong kape na nilagyan ng asin imbes na asukal. Base sa kanyang itsura, masasabi kong hindi niya nagustuhan ang narinig. Then he glanced at me, so I looked away.

"Caitlin is fit to be the future Lady Boss of this company."

"I agree. Mr. Venturina proved his loyalty to Hallsan for 3 decades now, kaya makakaasa tayong nasa mabuting kamay pa rin ang kumpanya kung magkakatuluyan ang dalawa. They're a good match."

"Ipaubaya na lang natin ang desisyon sa mga bata." Said Mr. Venturina. He stayed humble, pero halata namang siya itong pinakamasayang-masaya sa sinasabi ng kapwa nito Directors.

Then everyone heard the CMO, Mr. Ash Wang, chuckling. Napatingin rin ako dito. "Let's not pressure the CEO. Lalaki siya. Siya ang mamimili ng babaeng pakakasalan niya." Sabi nito. I kudos Mr. Wang! Dito sa kumpanya, ito ang nagsisilbing Tatay ni Aki, since he's Tito Vinzi's bestfriend. Yun nga lang, hindi talaga ito masyadong palaimik. Nagko-concentrate itong masyado sa trabaho.

"But if you all remember, the Big Boss Vincent really wants Caitlin to be his grandson's wife. Kung hindi nga lang naaksidente ang parents ni Mr. Buenavista, maybe they could've already set the engagement, if not yet the wedding."

"Ah, right. Mr. Vincent Hallsan once said that he'll going to arrange a marriage for the two."

Nagtanguan ang mga matatanda, syempre bilang respeto, tumangu-tango rin si Mr. Wang. But it's noticeable in his face na hindi siya masaya sa bagay na kanilang pinag-uusapan. Pareho sila ni Aki, mas cold nga lang ang facial expression ni Boss. While Caitlin on the other hand seemed to be having fun.

"Fixed marriage?" I asked while their busy. Dahil napansin kong walang pumapansin sa'kin, naisipan kong magpapansin. Then they all turned their heads on me.

"Yes, Miss Villavincencio." Mr. Galleon confidently replied. "Sooner or later, mangyayari ang kasal nila."

I chuckled and then I finally laughed as if it's the funniest joke I have ever heard. "Isn't it uncustomary for an ultramodern company to follow an old tradition? Nasa panahon na tayo kung kailan nagkakatraffic na ang mga eroplano sa himpapawid. Hindi na uso ang arranged marriage." Lakas-loob kong pahayag. Hindi sa hindi ko nirerespeto ang kung anumang desisyon ng Lolo ni Aki. Kilala ko ito. He was once in that position and I also heard his love story. Kaso hindi nag-work ang arranged marriage nila ni Lola Siony. Why did I say so? Dahil naghiwalay din sila tapos kinailangan nilang magsimula ulit. See... magiging problema lang yang arrangement arrangement na yan. And that tradition of the Hallsan family have been broken 5 decades ago. Half-Hallsan na lang din naman si Aki kaya I doubt it kung pipilitin siya ng Lolo niya.

"For high-profiled families, fixed marriage is still acceptable up to these days." Giit ni Mr. Galleon. Aba, mukhang may pumalit sa pwesto ni Mr. Diokno bilang kaaway ko dito sa boardroom.

"Really?... Oh, eh di... wow! Buti pa pala si Prince William, malayang-malaya nung pinakasalan niya si Kate Middleton." I said before facing Aki who looks terrible staring at me. "Boss, mukhang wala naman tayong importanteng agenda. I have to go back to my office now. Nakatambak ang mga trabaho ko don."

"Okay." Sagot niya. Ni hindi man lang siya nag-isip ng konti.

I walked out of the boardroom, saka ko na-realized na nagmukha yata akong bitter doon sa loob nung naglalakad na ako sa hallway, kasunod si Chariss.

It doesn't matter, anyway.

Papasok na ako sa opisina ko nang may matanggap akong text mula kay Aki.

["Let's meet in my office."]

Ow. Makakatikim yata ako ng leksyon.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon