Chapter 4: Still in deep affliction

9.5K 226 11
                                    

It's completely sunny pagdating namin sa Lucban. Oh, shut the f*** up, f**king weather, you're making me crazy! Kanina sa daan, malakas ang ulan, tapos dito sa Hallsan Subdivision, tirik na tirik ang araw at mainit pa sa Sahara Desert ang klima. What the f**k?! Pati pa ba talaga literal na panahon, natututo na ring maglaro?

"Kuya...!!!!" Nag-echo sa buong bahay ang boses ni Venus habang patakbo niya kaming sinalubong, nakaunat ang dalawa niyang kamay. Nauuna sa paglakad ang Kuya niya sa'kin, kaso nilagpasan niya ito at ako ang kanyang niyakap.

Napansin kong bahagyang gumalaw ang ulo ni Aki, pero parang wala lang. Diretso itong naglakad papunta sa kanilang kusina.

"How's our Goddess of beauty here?" Tanong ko kay Venus pagkatapos niya akong yakapin. She's cheerful as ever. At nagniningning ang napakaputing mukha niya. Pati mata niya, nags-spark.

"Ikaw kaya dyan ang Goddess of Beauty." The most beautiful Psyche appeared out of nowhere. Nakasuot siya ng dress na white kaya lalong namutawi ang kaputian niya. Nakakasilaw. "Beauty expert ng mga artista, akalain mo yun." Dagdag niya bago niya ako pinasalubungan ng mahigpit na yakap. Mas na-miss yata nila ako kaysa sa Kuya nila.

"Pero mas magaganda pa rin kayong dalawa." Pahayag ko. Ang mga mukha nila pinaghalong mukha ng kanilang Mommy at Daddy, e parehong maganda at gwapo, kaya sobrang ganda ang kinalabasan. I bowed my head to search for some things on my bag. Inilabas ko ang mga iyon at tig-isang ibinigay sa kanila. "Matte Pink for the older and Lip tint for the younger. Bagay sa inyo yan." Paninigurado ko. Mapuputi sila kaya kahit anong shade naman ay sigurado babagay. Pero syempre, pinili ko yung angkop para sa kanilang ages.

"Wow! Thank you, Ate Thea." Halos sabay na pahayag ng dalawang magkapatid. Kung kasing-sigla sila ng kanilang Kuya, e di ang saya sana.

Kasama ang limang magkakapatid, pumunta kami sa kung saan nakahimlay ang mga labi ng kanilang parents. Ito ay matatagpuan lang sa underground ng Chapel ng Hallsan Subdivision. Pinagawa talaga itong napakalawak na tomb ni Lolo Vincent para sa buong pamilya nito. Dito rin nakahimlay ang labi ng Lola nito, at mga labi ng yumaong parents ni Lola Siony.

Gawa sa semento ang pinto nito. Bumubukas ito electronically kapag na-enter na ang passcode. At ang nakakaalam lang ng passcode nito sa'min, ay si Aki, kaya siya ang nakapagbukas.

Pagpasok, sumalubong sa amin ang lamig ng lugar. Hindi dahil creepy dito, kundi dahil ito ay air-conditioned. Tiles pa ang buong sahig. Maliwanag ang buong lugar dahil sa off-white na kulay ng walls nito kaya hindi nakakatakot.

Pumasok kami sa kwarto kung saan magkasamang nakahimlay ang mga labi nina Tito Kaizer at Tita Heven. Venus rendered a prayer on behalf of all of us. Tapos isa-isa nang nag-alisan ang mga mas bata hanggang sa kami na lang ni Aki ang natira dito sa loob.

He's quiet as usual. Nakatitig lang siya sa picture ng kanyang Mommy at Daddy. I can't figure out what he's thinking because there's nothing to see on his face, but I know, he's still in deep affliction.

Huminga ako at nagsimulang bumuka ang bibig ko.

"Hello po, Tito, Tita! Kumusta po? Okay naman po ako... Nami-miss na daw ho kayo nina Papa at Mama. Baka mamayang hapon pa sila makakadalaw kasi nasa work pa ho sila e."

"Tita Heven, nagawa ko na pong magkaroon ng sariling brand. Nakapag-open po ako ng Juno Cosmetics 5 months ago under Hallsan Corp. Ang swerte ko nga kasi tinangkilik agad ng mga artista ang produkto ko. Isa na rin akong Certified Beauty Expert."

Sumulyap ako kay Aki ng panandalian. Nakabulsa ang mga kamay niya sa suot niyang pants. Tulala siya at hindi gumagalaw. Para siyang tulog, pero nakatayo at dilat ang mga mata.

I focused my eyes on the couple's picture again.

"Tito, Tita... pwede niyo po bang multuhin si Aki kahit once lang?" I felt his eyes moving towards my direction. Pero nagpatuloy pa rin ako.

"Magparamdam kayo sa kanya at ipaalala niyong hindi na maganda ang mga ginagawa niya. Sige na naman po. Nag-aalala na po kasi ako sa kanya e. Nasisira na ang image niya sa kumpanya, tapos baka mamaya magkaroon siya ng sakit na STD o kay HIㅡ."

Napahinto ako nang gumalaw siya. Nagsimula siyang humakbang kaya humarang agad ako. Hindi siya pwedeng umalis!

I greeted his cold gaze with a daggered look.

Hindi na siya nakatiis. Tinabig niya ang balikat ko upang makatabi ako sa kanya daan. Naipit yata ang takong ng sapatos ko sa pagitan ng dalawang tiles kaya natapilok ako at nawalan ng balanse.

But before my body would hit on his Mother's nook, his hand swiftly caught one of my arms. Kaya hindi ako natumba. Kaso, tuluyan din akong napaupo sa sahig nang makaramdam ako ng sakit sa paa ko.

"Clumsy." He said so I glared at him angrily. Hindi naman ako yung clumsy e. Kasalanan yun ng sahig!

Subalit nawala ang galit ko, nang tanggalin niya ang mga sapatos ko sa paa, then he slid his one arm on back, and the other holding my shoes, slid on the back of my knees.

Walang pagdadalawang-isip na binuhat niya ako palabas ng libingan.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon