Chapter 34: Hindi ko talaga siya gusto

6.3K 184 16
                                    

Updating this at around 8:50pm.

What is wrong with wattpad nowadays? Ni-uninstall at re-install ko na pero hindi pa rin nagpo-post sa news feed at activity tab ang updates ko. Di ko rin nare-recieve sa notification ang mga comments at new followers. What is happening with the app?! 😭😭😭

Because I'm busy na, I'm updating one chapter a day na lang. Pag di niyo makita sa notifs or news feeds niyo, at the end of the day, i-check niyo na lang sa library, sa mismong book. May problema ata si wattpad kasi stable naman ang connection ko. Ginawa ko na din ang lahat ng makakaya ko para maayos kaso wala talaga e. Kaya di ko pa ipinopost ulit yung mga stories ko na akala niyo ay nawawala. Ni-unpublished ko lang para ma-edit. Ibabalik ko din mga yun.

Anyway, I am sorry for the inconveniences. hehe

Maiba tayo... RANKED #5 NA ANG HND!!!!!! Nanlaki ang mga mata ko. 😳😂😭

Thank you very very much. 😘

~IBetYouKnowMe

=============
=============

Chapter 34

Dalawang linggo na ang dumaraan na parang kami na ni Aki, pero hindi. Parang may namamagitan na sa'min. Para akong nasa ibang dimensyon sa tuwing kasama ko siya. Para akong nakalutang sa alapaap. Para akong nakapasok sa loob ng isang mala-fairytale na kwentong may happily ever after na ending. Parang kami na, pero wala pang nagaganap, wala pang sumunod na kissing scene, wala pang touching-touching, wala pang 'I'm officially yours' peg. Oo nga, hindi ako nagbibiro. Parang kami na, ngunit nagbibiro lang ako.

Hindi kami. Ako lang 'tong assumera at tanga na nafo-fall na kaagad.

Nasa pinto lang ako ng opisina ni Aki, bahagyang itong nakaawang kung kaya't dinig na dinig ko ang ganap sa loob. Kasama niya doon si Allyson. Nag-uusap sila ng masinsinan. Aalis na sana ako nung marinig ko ang pangalan ko mula kay Allyson.

"You don't like Juno Althea, do you?" She asked him. E ano naman sana sa kanya kung gusto ako ni Aki? Hindi ba kapani-paniwala yon? Hindi ba posibleng magkagusto sa akin si Aki? Mali ba? May mali ba?!

"It's none of your business." Aki answered in a very very very cold tone. Ganyan nga. Wala naman talagang dapat pakialam si Allyson sa personal na buhay ng aming Boss. And so what if he really likes me? So what if we like each other. Hindi naman siguro iyon makakaapekto sa trabaho namin at sa kumpanya. Unless, lagyan nila ng issue.

"You're just using her for your own good. Matalino si Thea at alam mong malaki ang maitutulong niya sa'yo sa kumpanya. She's also good at investigating and problem solving. Kunwari gusto mo lang siya para mapanatili siya dito sa Hallsan. Because if she leaves and concentrates on her own business, wala kang kakampi, walang kang proteksyon. Alam mong pinoprotektahan ka niya sa lahat ng bagay. Naka-depende ka sa kanya ㅡ"

"Allyson, stop bragging about it!"

"Wala kang gusto sa kanya, Aki!..."

"Oo na! Hindi ko talaga siya gusto. So what? If she falls in love with me, so what? Wala akong pakialam." Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko pagkatapos kong marinig iyon mula kay Aki. Ouch. Just... ouch! Is it true that he's just pretending to like me? But why? Bakit sinabi pa niyang gusto niya ako kung hindi naman pala yun ang totoong nararamdaman niya? Bakit hindi na lang niya ako pakiusapang manatili dito, at huwag umalis. Madali naman akong kausap e. Wala din naman akong balak umalis sa kumpanyang 'to kahit na may sarili na akong business.

Why did he comfort me with a lie, and made me so thrilled and confused?

"Masasaktan mo siya para sa pansarili mong kapakanan. Ang selfish mo." Allyson stated. Concerned ba siya sa'kin? Tsss... hindi ko kailangan ng concern niya.

"She's a strong woman." Oo, Aki. Malakas ako. Kaya kitang bugbugin hanggang sa humiwalay ang kaluluwa mo dyan sa katawan mo. Hmp!

"At sinasamantala mo 'yon? That only shows how rude you are."

Rude na siya kung rude. Wala din akong pakialam kung wala talaga siyang gusto sa'kin. Magtratrabaho na lang ako ng maayos dito, t**g-ina!

Pag umiyak ako mamaya, kukumprontahib ko si Papa. Siya talaga ang may kasalanan nito e!

Lumayo ako nang marinig ko ang yabag ng sapatos ni Allyson palapit. Lumayo ako at bumalik din para kunwari papunta pa lang ako sa opisina ni Aki at wala akong narinig na kahit ano.

Allyson looked so surprised when she saw me at the hallway. Napansin ko ang pamumutla nito.

"Why, Allyson? I'm here to talk to the CEO about this matter." Itinaas ko ang hawak kong folder na galing sa CMO. Iyon naman talaga ang sadya ko. I talked as normal and as casual as I could.

"Nothing. He's inside." Sagot niya tapos nakatungo siyang lumagpas sa'kin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa office ni Aki. May sinusulat siya pero nang mapansin niyang may tao, tumingala siya, at yung expression niya ay nagbago from cold to quite glowing.

Aki, can I confront you? I wish. May hiya naman ako sa CEO kahit na sinasaktan niya ako. Magiging discreet na lang muna ako for the mean time and just go with the flow. May araw din siya. Makakaranas din siya ng karma.

Wala nang maraming conversation, binigay ko sa kanya ang folder tapos tumalikod na ako upang umalis. Hindi ko yata kayang makipagtitigan ng matagal sa kanya. It's killing me. I wish may sudden change ang story ko. Yun bang mapapadpad na talaga ako sa ibang dimensyon tapos makakakilala ako ng palaka na kapag hinalikan ay magiging kapre. O di naman kaya'y isang kapre na kapag inagawan ng yosi ay magiging unano.

I wish my story would turn upside down. Yung magiging ako ang CEO tapos si Aki ang aking tagapagligtas at proteksyon. What the f**k, di ba? In the end, si Aki pa rin pala. Tang ㅡ tama na nga. Palabas na rin naman ako ng opisina niya. Promise, paglabas ko dito, buburahin ko na ang nararamdaman ko sa kanya.

Kaso...

"I want you to be my date on the Anniversary party... Will you?"

Yes na lang, para tapos na ang usapan. Magiging si Shrek ako sa party. Hmp!

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon