CHAPTER 5

137 4 0
                                    

Clara's POV

Kinabukasan, masaya at excited akong pumasok sa school. Hindi kagaya dati na wala akong ganang bababa sa hagdanan ng bahay namin at matamlay na papasok sa eskwelahan.

Ibang iba na ang nararamdaman ko ngayon, yung tuwa na papasok ako sa school at mayrong babati sa akin ng good morning! o hi o hello! ay nakakagaan naman talaga ng pakiramdam.

Kung hindi ko lang nakilala si Lorenz, or should i say kung hindi lang siya lumipat sa school na pinapasukan ko siguro yung pagiging invisible ko magtutuloy tuloy. Iyon ang bagay na ayoko na ulit maranasan. Kung kayo tatanungin ko, gusto niyo bang maiexperience ang pagiging invisible? gusto mo bang maging ako?

 

Syempre hindi ang sagot niyo di ba?

Nandito na ako sa tapat ng classroom namin. Rinig ko pa ang mga tawanan nila mula rito at masasabi kong masaya sa loob ng room ngayon.

Huminga ako ng malalim at unti unting binuksan ang pintuan. Sa oras na nabuksan ko na ang pinto, si Lorenz agad ang nakita ng mga mata ko, kasama niya ang mga kaklase ko at pinagkukumpulan siya ng mga ito.

Nakikita ko sa kanila na masaya silang kausap ang bawat isa lalo na itong bago naming kaklase. Masasabi ko talaga na friendly si Lorenz dahil sa nakikita ko, lahat ay kinakausap niya.

Ngumiti ako dahil sa masayang atmosphere sa loob ng kwarto na ito at kahit na hindi pa nila ako ganung nakikita, atleast may isang tao na alam kong hindi ako iiwan.

Patungo na sana ako sa aking upuan kaso biglang may tumawag sa pangalan ko at alam ko kung kaninong boses iyon.

"Good Morning Clara!" masayang bati ni Lorenz

Biglang tumahimik sa loob ng classroom dahil siguro ay ngayon lang rin nila napansin na may pumasok sa classroom.

Nakarinig ako ng yabag ng mga paa papunta sa akin. Dahil nga nakatalikod ako sa kanila dahil sa likuran ang upuan ko ay iniharap ako ni Lorenz sa mga kaklase kong nasa unahan.

"Guys, hindi ba kayo maggu good morning kay Clara?" tanong ni Lorenz sa mga classmate namin, nasa left side ko siya. Lumapit naman sila sa kinaroroonan namin ni Lorenz.

Medyo awkward ata, hindi ko alam kung babatiin nila ako o iiignore yung sinabi ni Lorenz sakanila.

Kinakabahan rin ako sa magiging tugon nila pero ang kabang yon ay napalitan ng saya.

"Hi! Good Morning Clara!" bati nila sa akin at sumunod pa ng ilang bati.

"Hello Clara, sorry kung hindi ka namin napansin ha" sabi ni John sa akin.

"Kami din ha, sorry" sabi nina Sheena at Thea

Totoo po ba talaga ito?

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila, nakakapanibago lang talaga na yung Clara na hindi nila napapansin noon ay ngayong kinakausap nila. :)

"Ah Clara?" alinlangang tawag ni Lorenz sa akin at i back to my senses.

"A-ah a-ano, G-good M-morning!" nauutal na bati ko sa kanila.

"Ganyan lang talaga siya sa una,nahihiya" sabi ni Lorenz sa kanila na alam kong sa akin nakatingin. Sa ibang direksyon kasi ako nakatingin eh dahil nahihiya ako.

"Ano ka ba,ayos lang yon sa amin hehe"

"Kami nga ang dapat na mahiya sa nagawa namin sa iyo eh"

"Oo nga, kaya pagpasensyahan mo na kami"

"Sorry talaga Clara"

Naiintindihan ko naman sila eh pero and di ko lang talaga maunawaan ay bakit ang tagal bago nila ako makita. Maaari pa na sa una ganun pero 3 years? hindi ko na alam.

Miss Invisible (KathNiel)Where stories live. Discover now