CHAPTER 6 Part 1

86 3 0
                                    

Clara's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko. Anong oras na ba?

Time check: 6:20 am

Umaga na pala buti na lang Saturday ngayon.Wala kaming pasok ngayon. Hayy! Buti naman. Nakakapagod yung mga paperworks namin eh. Atleast ngayon,makakapagrelax at makakapagbasa ako ng mga libro. I used to stay in our house. Why?
Sa loob kasi ng tatlong taon, tuwing weekends lagi lang akong nandito sa loob ng kwarto ko. Hindi ako lumalabas kasi usually, out of the country ang parents ko kaya ako at si manang lang ang naiiwan sa bahay.. Kapag Saturday,magbabasa lang ako ng libro or manunuod ng movies at kapag Sunday naman , pupunta lang ako sa church para magpasalamat kay God.

Tok! Tok! Tok!

"Huh? Andyan sila mommy?" sabi ko. Nagulat naman ako dun. Alam ko kasi pupunta sila sa England ngayon para sa business meeting.

"Mom?"

"Open the door my princess!" sigaw ni mommy sa labas.

Tumakbo ako papunta sa pinto para pagbuksan si mommy.. Pagbukas ko..

"Bakit po?" tanong ko

Ngumiti si Mommy sa akin.

" Your Dad and I will join you to eat breakfast my dear" sabi ni mommy. Naexcite naman ako dun kasi first ito for a weekend.

"Really? But I thought you and dad will go to England?" sabi ko kay mommy. Nagtaka kasi ako eh dahil gaya nga ng sabi ko kanina, ang alam ko pupunta sila sa England for business matters.

"Yes dear, but we decided to reschedule it tomorrow"

Yehey! It means makakasama ko sila today! Ang rami ng magandang nangyari ngayon sa akin! Una, hindi na ako invisible sa mata ng iba tapos pangalawa, makakasama ko ang parents ko ngayon!

Thanks God! :)

"Talaga po?" paninigurado ko. Malay mo urgent pala yung meeting? Edi mawala pa yung excitement ko.

"Ayaw mo ba?, this past few weeks busy ka because of school works kaya ngayon ka na lang namin makakasama dahil bukas na ang alis namin." sabi ni mommy

Para namang naguilty ako.

"Of course not mom! Gusto ko nga po eh kasi makakapagbonding tayo ngayon." sabi ko ng nakangiti

"Haha,okay. Go take a bath na the go downstairs para we can it breakfast na" mommy said

"Okay po" sabi ko. Si mommy bumaba na at tumulong siguro kay manang. Ako naman dumiretso na sa banyo para maligo.

After some moments.

Finished! 6:40 am na pala? Okay lang maaga pa rin. Hindi ko na hinintay na tawagin ako ni manang kaya bumaba na ako.

Nakita ko si mommy na tinutulungan si manang na ilagay yung mga pagkain, si daddy naman naglalagay ng plates.

How cute. Kahit mayaman kami, hindi yun dahilan para magmataas na. Pwede pa ring tumulong sa mga simpleng paraan.

I smiled with that thought. I'm so blessed for having them in my life.

Nakita ako ni daddy kaya niyaya na akong pumunta sa dining.

"Good morning baby! How's your sleep?" Dad said

"Mabuti naman po hehe"

"Okay, let's eat na. Manang, join us na" sabi ni mommy kay manang.

Nakwento ko na sanyo na hindi namin tinuturing si manang na isa sa mga maid namin di ba? Matagal na kasi si manang sa amin at since birth nandyan na siya para alagaan ako. Para na namin siyang tunay na kapamilya.

"Nako mam, wag na po"sabi ni manang

Laging ganyan si manang eh,mahiyain.

"Wala ng tanggi-tanggi, sumabay ka na sa amin.." sabi naman ni Dad

"Opo manang, sabay na kayo"singit ko naman

Si manang naman,nahihiya talaga..

"Oo nga,kumain ka na rin dito. Wag ka na mahiya" sabi ni mommy

Di na makatanggi si manang kaya sumabay na siya sa amin.

"Salamat po" nahihiyang sabi ni manang

"Okay lang yun" sabi ni Dad

Tinuloy na namin ang pagkain. Ang tahimik nga namin eh kasi syempre respeto na rin sa pagkain?

(Anu daw!? -author)

Wag ka ng makisabat author,magsulat ka na lang

(Hmmmp! Bahala! Gawin kita ulit invisible gusto mo? Bwahahaha!!!)

Wag author! Ayoko na!

(Syempre joke lang anu ka ba?)

Thanks author!

Natigilan akong kumain nung biglang nagsalita si Dad

"Manang, pag ba wala kami dito ayos naman si Clara?"

Nagulat ako sa tanong ni Dad kaya napatingin ako bigla kay manang..

Si manang naman napatingin rin sa akin at biglang ngumiti.

"Ayos na ayos po si Clara sir, sa katunayan nga po ay kapag umuuwi siya ay laging masaya ang aura niya" sabi ni manang

Natuwa na man ako dun.

"Hmmm.. mabuti naman, siguro kasama mo lagi ang mga kaibigan mo noh?" Sabat ni mommy

Mga? Isa lang kaibigan ko eh at iyon si Lorenz.

"Siguro nga honey,nakangiti si princess ngayon eh" sabi ni mommy kay daddy

Nabigla ako kasi di ko namalayan na nakangiti na palla ako. Ang sarap kasing isipin na may kaibigan na ako. Okay lang na isa basta ang mahalaga, di na ako nag-iisa.

"Bakit ka nga ba nakangiti baby?" paguusisa ni dad

"Masaya lang po ako at kasama ko kayo ngayon at kasi napapasaya rin ako ng mga kaibigan ko" half lied. Siyempre isa lang naman kaibigan ko di ba?

Napangiti sila sa sinabi ko.

"Mabuti naman,minsan dalin mo sila dito ha" pagyayaya ni dad

Eh?

"Oo nga princess, gusto ko rin sila mameet" sabi ni mommy

Ha? Paano!?

"Oo nga po mam Clara,papuntahin mo sila dito para naman di ka nagiisa sa bahay"suggest ni manang

"Ah eh,sa susunod na lang po siguro mom,dad,manang. Hehehehe" sabi ko n lang. Hindi ko alam ang sasabihin ko eh. Pano ko naman papupuntahin si Lorenz dito? Nakakahiya yun.

"Aasahan namin yun Clara my dear" sabi ni mom

"Yes baby, we'll expect that" sabi ni dad

"Yes po"sabi ko

Ano gagawin ko?

---------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE!

Hi readers! Sorry kung ngayon lang nakapag-update ang lola niyo ha! Masyadong naging busy dahil college na eh. Ang rami naming project and thesis kaya naging abala. One year ata ako nawala eh? Sorry talaga!

At dahil bakasyon na, Babawi ako sanyo! Yehey! (Sabog ng confetti!)

Promise ko po yan at sorry kung sabaw yung update. Thanks sa patuloy na nagbabasa! Hope you enjoy it! May part II po ito. :D

Xoxo,

-msunknownimous

Miss Invisible (KathNiel)Where stories live. Discover now