CHAPTER 8

108 1 0
                                    

Clara's POV

Nandito na ako sa school namin. Naglalakad ako dahil maaga pa naman. Masaya naman yung aura ko dahil sa mga nangayari nung Saturday at Sunday. Pagkatapos kasi namin magsimba ay nagkwentuhan kami ng saglit. Alam na rin nila yung nangyari sa akin 3 years ago at natutuwa ako dahil hindi lang isa ang kaibigan ko, apat na! Sobrang laki ang pasasalamat ko kay God kasi dumating na yung panahon na hindi na ako mag-iisa at syempre kay Lorenz. Nalaman ko rin na sina Deniece, Abby at Blaise ay papasok rin sa university na pinapasukan namin ni Lorenz at sila yung tatlong transferee sa room namin. Masarap silang kasama lalo na si Deniece dahil mapagbiro siya. Si Abby naman yung sumusuway kay Deniece kapag sobra na yung kaingayan. Si Blaise, tahimik rin kagaya ko. Hindi siya masyadong nagsasalita pero kapag naman kinakausap siya eh sumasagot naman.


Pagpasok ko sa room namin ay nakita ko yung mga kaklase ko na masasayang nagkwekwentuhan. Yung iba naghaharutan pa. Hinanap na mga mata ko si Lorenz at nakita ko siyang kasama yung tatlo. Yung pagiging masayahin talaga ni Lorenz ay hindi nawawala. Madali niya ring makasundo yung mga kaklase ko.

Bigla siyang napatingin sa gawi ko at nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya bigla na lang akong umiwas. Tapos ay nagdire-diretso papunta sa upuan ko.


"Good Morning Clara!" sabi ni Lorenz paglapit niya sa akin.

Tumingin ako sa may kanan ko dahil andun siya at kasama sila Deniece, Abby at Blaise na nasa likuran lang niya.


"Good Morning sayo!" sabi ni Deniece na masayang-masaya


"Morning Clara!" sabi naman ni Abby na nakaakbay kay Deniece


"Morning" inaantok na pahayag ni Blaise at tumalikod na. Ibang klase talaga siya.


"Magandang umaga rin sa inyo" sabi ko na nakangiti. Tinignan ko si Lorenz, masyadong malaki ang ngiti niya ngayon ah?


"Buti naman hindi ka na nauutal" sabi niya sa akin. Sina Deniece at Abby naman ay pumunta sa may pwesto ni Blaise kaya naiwan kaming dalawa ni Lorenz ditto. Umupo naman siya sa upuan niya na katabi ko lang.


"Ahm, ganun ba?" sabi ko na lang. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko eh.


"Hahaha! Dati kasi kapag kinakausap kita, nauutal ka eh. Hindi ka sanay noh?" sabi niya na nakangiti pa rin. Hindi siya sumisimangot noh?


"Hindi eh, ngayon lang naman may k-kumausap sa kin" sabi ko sa kanya pero hindi nakatingin sa kanya.


"Masasanay ka rin Clara, huwag ka ng mahiya ah?" sabi ni Lorenz at hinawakan bigla yung kamay ko kaya napaiwas agad ako. Baka Makita niya pang namumula ako!


"Ay sorry kung hinawakan ko yung kamay mo. Gusto ko lang kasing malaman mo na nandito lang ako sa tabi mo eh." sabi niya. Tumingin na ako sa kanya at yung mukha niya, may bahid ng pag-aalala.


"Okay lang at s-salamat rin ha?" sabi ko


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss Invisible (KathNiel)Where stories live. Discover now