CHAPTER 7

75 3 0
                                    

Clara's POV

Maaga akong bumangon ngayong Sunday dahil kailangan ko umattend ng mass malapit lang sa village namin. Sina mommy at daddy naman ay tumungo na sa England para bisitahin ang business partners nila doon. Nag-iwan pa sila ng note sa may side table ko eh.

Good morning our princess, Please take care of yourself while we are on England okay? We love you.

- Mom and Dad

Pagkabasa ko nito ay napangiti na lang ako sa sarili ko. Hindi naman kasi nila ako pinapabayaan kahit lagi silang busy dahil sa business nila.

I do my morning rituals pagkatapos ay nagbihis na ng isang dress na below the knee. Alam niyo naman, bawal sa church ang maiksi. Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na ako para makapagbreakfast. Naabutan ko doon si manang na naglalagay na ng pagkain.

After eating ay nagpahatid na ako kay Kuya Johnny sa simbahan. Di naman ito kalayuan sa village namin.

"Mam, andito na po tayo" sabi ni Kuya Johnny.

"Sige po salamat, text ko na lang po kayo pag susunduin niyo na ako" sabi ko.

Ayoko naman kasing paghintayin si Kuya Johnny dito.

"Sige po mam, ingat" sabi niya. Lumabas na ako ng sasakyan at umalis na siya.

Pagkapasok ko sa simbahan, hindi pa naman nag-uumpisa pero marami rami na rin ang mga taong nandito.

Tinignan ko silang lahat.

Yung iba, mga kaibigan nila yung kasama nilang nagsisimba, merong kasama nila yung kasintahan nila at yung iba, kasama ang pamilya nila.

Ngumiti ako kahit peke, di ba sabi nila Sunday is a family day pero bakit ako mag-isa? Tsk. Di ko tuloy mapigilang yumuko at itago ang lungkot ko. Ganun lang ang pwesto ko habang papasok sa simbahan.

Ano ka ba naman Clara? Naiintidihan mo naman ang parents mo di ba? sabi ng konsensya ko.

Naiintidihan ko naman yun eh. Nasanay na nga ako na ako lang mag-isa ang nagsisimba pero di ko lang talaga maiwasan na isipin kung pano kaya kung kasama ko sila di ba? Edi mas masaya yun dahil magkakasama kaming humaharap sa Panginoon.

Bumawi naman sila sa iyo di ba? Hindi ka naman nila pinapabayaan.

Alam ko naman yun.

Maging masaya ka okay? Di ka nag-iisa.

Tama ang konsensya ko, di naman talaga ako nag-iisa. Andyan naman ang parents ko lahit madalang sila sa bahay pero nakasuporta sa akin. Hindi dapat ako magtampo o magtanim ng galit sa kanila..

At tska may kaibigan na ako di ba? Andyan naman si L--

"Lorenz?" takang tanong ko. Di ko namalayan na dahil sa mga iniisip ko ay nakabangga na pala ako.

"Oo ako nga, bakit ka kasi nakayuko?" tanong niya. Hawak niya ang dalawang braso ko dahil sa pagkakabangga namin.

"A-ah a-ano, ahm m-mainit kasi. Hehehe" sabi ko na lang. Hindi ko alam kung ano sasabihin sa kanya eh.

"Ganun?" sabi niya. Ewan ko ba kung nakumbinsi ko siya sa sinabi niya. Tinanggal na rin niya yung pagkakahawak sa mga braso ko.

Ako naman ay umayos na ng tayo.

"Ganun na nga"

"Hmm, okay. Magsisimba ka rin ba?" tanong niya.

Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Nakawhite polo siya, black jeans at black vans. Gwapo kahit ang simple.

Miss Invisible (KathNiel)Where stories live. Discover now