Part 21

14.1K 469 6
                                    

a/n: sorry sa ilang araw na hindi pag a-update. bukod kasi sa nag 'under maintenance' ang wattpad naging super busy ako sa nakaraang mga araw. ito na po ang bagong chapter. salamat po sa paghihintay.


****

Ito ang unang nagbawi ng tingin at umupo na. agad itong binira ng tanong ng press. Naramdaman niya ang paghatak ni Coffee sa braso niya. "Lapit tayo."

Hindi na siya nagprotesta. Iyon naman talaga ang intension niya sa pagpunta roon – ang makalapit kay Eman.

"Eman, this is a surprise, why did you cut your hair? Maraming babaeng magpoprotesta sa ginawa mo. Hindi ka ba natatakot na mabawasan ang popularity mo?" tanong ng isang reporter.

Muli niyang nasalubong ang tingin nito bago nito ibinaling ang atensyon sa nagtanong. "No. I cut my hair because I lost a bet. And because I am brokenhearted," deretsong sabi nito.

Lalong nagkaingay ang press. Maging si Coffee na nasa tabi niya ay mabilis na nailabas ang recorder. Kinindatan pa siya nito. "I'll get your reaction after this okay. My, mga ganito ang kailangan ko."

"Baka pwede mo namang i-elaborate iyan Mr. Pelayo," malakas na sabi ni Coffee.

Muling bumaling sa kanila si Eman. Para siyang itinulos sa kinatatayuan. "Okay," walang gatol na sagot nito. Pagkuwa'y sinalubong nito ang tingin niya. "Listen carefully."

"Actually, I have been in love with this girl since I was thirteen, but she always fail to notice it. Siguro ako ang mali, palagi ko kasi siyang binibiro at pinapaiyak. But that was because I want her to grow up stonger. Nang una ko kasi siyang makita, she was crying because her parents passed away. At kahit ilang linggo at buwan na ang lumipas palagi pa rin siyang umiiyak. And I hate seeing her crying. So I did crazy things to make her stop crying and she did.

"Pero ang nangyari nagalit siya sa akin. Sa kanya lang ako nagpapaka-honest pero hindi siya naniniwala sa akin. Sa kanya ko lang ipinapakita ang tunay na ako pero palagi niyang iniisip na hindi totoo ang mga ginagawa ko. Worst, she even said I'm not her type. And I was hurt when she said that a guy like me will just make her cry. When all I was trying to do since I was thirteen is to make her smile. Kaya bigla ko siyang hinamon. That I will definitely make her fall in love with me. Pero sa huli, I failed. But I promised that I will not quit. Siya lang kasi ang gusto ko wala ng iba kahit pa napakaiyakin niya."

Naitakip niya ang kamay sa bibig niya. She was so stupid to not notice it. Biglang nag-init ang mga mata niya. Bago niya pa mapigilan ay napaluha na siya.

"See, she's still a crybaby," biglang sabi ni Eman. Nang tingnan niya ito ay may munting ngiti na sa mga labi nito.

"I-I'm sorry," hindi na niya napigilang sabihin. Wala na siyang pakielam kung sa kanya na nakabaling ang atensyon ng mga tao roon. Hindi na pala niya kayang hintaying matapos ang press conference na iyon. Gusto na niyang humingi ng tawad kay Eman.

Tumayo ito. Sa isang iglap nasa harap na niya ito. "Bakit ka nagsosorry? Babastedin mo na naman ba ako? Huwag naman dito Darlyn," sabi nitong bakas ang pag-aalala.

Muli siyang humikbi. "Hindi. I am sorry for hurting you when I said I don't like you. Ikaw kasi, inaasar mo pa ako. Kung sinabi mo ng derekta di sana..."

"Di sana sinampal mo ako at sinabing, huwag ka ngang magpatawa Pelayo. O aminin mo ganoon ang magiging reaksiyon mo," dugtong nito sa sasabihin niya.

Naguilty naman siya. Sigurado kasi siya na ganoon ang magiging reaksiyon niya. "Sorry. Kasi naman, nasanay ako na palagi ka lang nandyan kaya hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin kung ano ba ang nararamdaman ko. Kung hindi mo lang hayagang sinabi sa akin na gagawin mo ang lahat para ma-in love ako sa iyo, at kung hindi mo ako hinalikan, hindi ko marerealize na mahal pala kita."

Tila naman natigilan ito. "U-ulitin mo nga ang sinabi mo?"

Tiningnan niya ito. "Ang sabi ko mahal kita! Noon pa. huwag mo ring itanong sa akin kung kailan kita unang minahal dahil hindi ko rin alam. At nitong nakaraang linggo na hindi kita nakita, na.. na miss kita. I realized that my life is so boring and worthless without you."

Nagulat siya ng himbis na sumagot ay bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Camera flashed everywhere. But at that moment she doesn't care. "Thank goodness. Alam na ng lahat ng nakakakilala sa atin na mahal kita ikaw na lang ang hindi. Kapag sinusubukan kong sabihin hindi ka naman naniniwala. I'm glad you believe me now. And I'm glad you love me too Darlyn."

"Sorry na. From now on promise, I will believe you," she said lovingly.

Kumalas ito sa kanya at malawak na ngumiti. "Mabuti naman."

Natutok ang tingin niya sa buhok nito. Umangat ang kamay niya at hinaplos iyon. "Pero pinagupit mo ang buhok mo sayang."

Hinawakan nito ang kamay niya na nasa buhok pa rin nito. "Hahaba pa naman iyan. Bakit hindi ba bagay sa akin ang ganito?"

She smiled. "Bagay."

Ngumisi ito. Ah, she missed that wonderful smile of his. "Yun naman pala. So don't mind it anymore darling."

Bahagyang tumaas ang kilay niya. "I told you my name is Darlyn not Darling."

Tumawa ito. "I know. Silly. Darling is my endearment to you."

Natigilan siya. "You mean..."

"Yes. Pati iyan hindi mo napapansin." Pumalatak ito.

"Sorry."

Biglang naging masuyo ang ngiti nito. "But can I call you that from now on? Anytime I want? For the rest of our life?"

Ngumiti siya. She was touched. "Of course."

"And can I keep this earring? As a sign of our love?" tanong nito. Napalingon siya sa hikaw niyang suot pa rin nito.

She smiled and nodded. "We can keep each other too," sagot niya.

Malawak itong ngumiti. And just like on their first agreement. He sealed it with a kiss.

MY MISCHIEVOUS STARWhere stories live. Discover now