Part 6

12.5K 414 8
                                    

"Hey, Darlyn ayusin mo na ang buhok ko," pukaw sa kanya ni Eman na bahagya pang hinatak ang kamay niya.

Tiningnan niya ito. "Oo na." Inilabas na niya ang gamit niya at pumuwesto na sa likod nito. "Ang sabi ni Terre bad boy style daw dapat ang gawin ko sa iyo," sabi niya habang sinusuklay ang buhok nitong kanina ay ginulo nito.

"Oh? But I am a good boy. Baka hindi bumagay sa akin iyang gagawin mo," sabi nitong tinawanan naman ni Natalie. Mukhang in good terms talaga ang mga ito. At sa hindi niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng inis.

"Kailan ka naging good boy? Nagpapatawa ka na naman Pelayo," hindi niya napigilang sabihin. Bahagya niya pang diniinan ang pagsusuklay sa buhok nito.

"Aray ko naman Darlyn. Palagi akong mabait. Ikaw lang naman ang nagsasabing hindi," reklamo nito.

"Ewan ko sa iyo," sabi na lamang niya at sinimulang ayusin ang buhok nito. Iniba niya ang hati niyon at bahagyang kinulot kulot para magmukhang untamed. Nang magsimulang gumalaw ang mga kamay niya ay tumahimik na rin ito.

Malapit na niyang matapos ayusin ang buhok nito at kakabitan na lang ito ng ilang pulang hair extension nang biglang magsalit si Natalie. "Bakit bigla kang tumahimik Eman?" tanong ni Natalie rito.

Bahagya siyang napatigil sa ginagawa at napatingin sa babae. Nakangiti pa rin ito at nakatingin kay Eman.

"I don't know. Nawawalan talaga ako ng masasasabi kapag inaayos ni Darlyn ang buhok ko," sagot ni Eman. Napatingin siya rito. Tiningala siya nito at malawak na ngumiti. "Besides baka pag nainis siya sa akin may magawa siyang hindi maganda sa buhok ko," dugtong nitong may bahid ng pang-aasar.

"Mabuti alam mo. O tapos na iyan. Pwede ka ng pumunta kay Terre para sa make-up mo," sabi niya.

Tumayo na ito at humarap sa kanya. "Salamat."

"Hindi mo man lang ba titingnan sa salamin kung okay na sa iyo iyang buhok mo?" kunot noong tanong niya.

Ngumisi ito. "No need. May tiwala ako sa iyo," sabi nitong tinapik pa ang ulo niya. Pagkuwa'y hinarap nito si Natalie na nakamasid lamang sa kanila. "Paano? Nice to meet you Natalie. And I can assure you that Darlyn is the best stylist in the country," anito bago tuluyang umalis.

Saglit niyang sinundan ng tingin si Eman habang naglalakad na parang balewala lamang dito ang tinging ipinupukol rito ng maraming tao. Because despite what he said earlier, he looked so gorgeous on that bad boy style she did to him.

"That look suits him."

Napalingon siya kay Natalie sa sinabi nito. Nakasunod din ang tingin nito kay Eman at bakas ang paghanga sa mukha.

"Yeah," sabi na lamang niya at lumapit na rito para ayusan ito. Inaayos niya ang buhok nito nang muli itong magsalita.

"You seems to be close to Eman," palakaibigang komento nito.

Saglit lamang siyang natigilan sa sinabi nito. "Not really," sagot na lang niya.

"Really? Pero mukhang matagal na kayong magkakilala," sabi na naman nito. Mukhang balak talaga nitong kumuha ng impormasyon tungkol ka Eman.

"Ako kasi ang nag-me-mentain ng buhok niya. At mentor ko ang mama niya," sagot na lamang niya sa pilit pinakaswal na tinig.

"Ah," sabi na lamang nito. Nang make-up na nito ang ginagawa niya ay tumahimik na ito. Mukhang may iniisip itong kung ano. Wala na rin ang kanina ay tila maamong mukha nito. In fact, nagmukha itong mataray. Hindi kaya may dual personality ang babaing ito?

MY MISCHIEVOUS STARWhere stories live. Discover now