Part 18

11.6K 369 2
                                    


"O, Darlyn. Day off mo ngayon bakit nagpunta ka pa rito?" gulat na sabi ni mama Alicia nang pumasok siya sa opisina nito sa Celebirty Trend.

Ngumiti siya at humalik sa pisngi nito. "Nainip ako sa bahay mama."

"Iniwan ka ni Eman?" takang tanong nito.

"Nakatanggap po siya ng tawag mula sa manager niya," sabi na lamang niya at umupo sa couch na naroon. Nakatingin pa rin sa kanya si mama Alicia na parang takang taka. Hindi naman niya ito masisisi. Taon taon ay lagi siyang wala sa mood kapag ganoong araw. Pero sa mga oras na iyon ay masaya siya. In fact, she's feeling so happy from the moment she admitted to herself tha she was in love with Eman.

Yes, she was in love with him. Now that she admitted it, she realized that she was in love with him for so long. Hindi niya lang alam kung kailan iyon nagsimula. Marahil ay nasanay na kasi siyang nasa tabi niya lang ito at nang mainlove siya rito ay binalewala na lang niya. Maybe because before, she thought that loving someone like Eman will only bring her pain and tears. Now she realized that loving someone brings happiness, regardless of whether it is reciprocated or not. Yun nga lang, hindi niya alam kung masasabi niya ba kay Eman ang nararamdaman niya. Para kasing nakakahiya iyon dahil para naman dito laro lang ang lahat, challenge lang kumbaga.

Sabay pa silang napalingon ni mama Alicia sa pinto nang may kumatok doon. Iniluwan niyon si Serene, ang receptionist/cashier nila. Lumapit ito sa kanila at iniabot ang isang brown envelope. "Ma'am ibinigay ho iyan ng isang babae."

"Sino?" takang tanong ni mama Alicia at bahagyang binuksan ang envelope.

"Hindi ko siya kilala sa pangalan eh. Pero madalas ko ho siyang makita sa t.v at magazine. Alam ko ho naging customer na natin iyon dati si sir Eman pa nga ho ang kasama niya. Sige ho babalik na ho ako sa pwesto ko." Iyon lang at umalis na ito.

May palagay siya na si Natalie ang tinutukoy nito. Pero ano naman kaya ang laman ng envelope.

"My God what are these?!"

Napalingon siya kay mama Alicia nang bigla itong napabulalas. Nanlalaki ang mga mata nito habang inilalabas ang laman ng envelope. Mga larawan iyon. Pakiramdam niya para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mahagip ng mga mata niya ang mga iyon. Nanginginig ang mga kamay na kumuha siya ng ilang larawan at tiningnan iyon. It was really Eman and Natalie making out on some room she bet was a hotel. May mga kuha rin sa loob ng bar.

Parang napasong binitawan niya ang mga larawan. Noon niya nahagip ang isang nakatuping papel. Kinuha niya iyon. Parang may kung sinong humatak ng puso niya mula sa kanya sa biglang pagragasa ng kakaibang sakit na noon niya lang naramdaman ng makita niya kung ano iyon.

"M-mama," aniya sa garalgal na boses.

"Bakit hija?" sabi nitong tila hinang hina rin.

Lumunok siya upang kahit papaano ay maalis ang kung anong bumabara sa lalamunan niya. "Sh-she's pregnant."

"What?!" malakas na sabi nito.

Tumingin siya rito at inabot ang papel na hawak niya. Resulta iyon ng ultrasound na nakapangalan kay Natalie. Sa ibaba ay may handwritten na nakalagay na tell the father of my baby that he knows how to contact me.

"My God! Ano ba itong pinaggagawa ng Eman na iyon?!" manghang sabi nito. Nang tumingin ito sa kanya ay may kung anong bumakas sa mukha nito. "Hija.. I thought.. why is this happening?"

Noon bumukas ang pinto. Her chest tightened when she saw Eman. Hinihingal pa ito habang deretso ang tingin sa ina nito. "Mama I need to tell you something – Darlyn? What are you doing here?" manghang sabi nito nang mapunta sa kanya ang tingin nito.

"Emmanuel! What the hell are these?! Explain these to me!" sigaw ni mama Alicia at tumayo pa. Iwinagayway nito ang mga larawan. Noon niya lang ito narinig na sumigaw ng ganoon.

Nanlaki ang mga mata ni Eman at mabilis na lumapit sa kanila. Pagkuwa'y malutong itong nagmura. "Sira ulo talaga ang babaeng iyon?! Shit!"

"So? What are these? Ano ka ba naman Emmanuel hindi kita pinalaki para bigyan mo ako ng ganitong kahihiyan?!" sigaw pa rin ng mama nito.

"Ma, I really don't know this. and I swear nothing happened. I know it!"

Darlyn suddenly tasted something bitter in her mouth. Ang galing talaga nito. Nabuntis na nga nito ang babae hindi pa rin ito umaamin. Ah, sawa na siya sa mga kasinungalingan nito. "She's pregnant. How can something not happened?" malamig na sabi niya.

Tumingin ito sa kanya. sinalubong niya ang mga mata nito. For a reason she doesn't know, he looked scared. "Darlyn."

Tumayo na siya. Bakit ba bigla parang gusto niyang maiyak sa paraan ng pagkakasabi nito sa pangalan niya? Nakakainis. Kay mama Alicia siya tumingin. "Uuwi na po ako mama. Masama pa rin po pala ang pakiramdam ko." Mabilis na siyang tumalikod.

"Wait Darlyn!" tawag ni Eman kasabay nang pagpigil nito sa braso niya. Tiningnan niya ito. "I swear this is not true. Believe me," frustrated na sabi nito.

"Sinasabi mo ba na hindi siya buntis? Nandiyan ang resulta ng ultrasound niya." Tila naman natigilan ito. And that pained her more. Dahil kahit ito hindi mapanindigan ang sinasabi nitong walang nangyari sa mga ito. "Bitiwan mo ako Pelayo," malamig na utos niya rito.

"No. Hindi ko aakuin ang batang hindi naman sa akin," anitong hinigpitan pa ang pagkakahawak sa braso niya.

Napatitig siya rito. "How could you say that? Hahayaan mong lumaking walang matinong mga magulang ang batang iyon? Grow up Eman!"

Bumakas ang sakit sa mukha nito. For a moment she felt guilt. Pero agad din niya iyong inignora. "Ipinapamigay mo na naman ako Darlyn," mahinang sabi nito. Hindi siya nakahuma. Binitawan nito ang braso niya at bumuga ng hangin. Hinawi nito ang buhok at seryosong tumingin sa kanya. "Inaamin ko palagi akong maloko at nagbibiro. Pero ito seryoso kaya sana kahit ito lang paniwalaan mo. Mahal kita Darlyn. Mahal na mahal."

Natulala siya sa sinabi nito. Parang hindi siya makapaniwalang ito ang nagsasalita. Tumingin ito sa kanya at muling bumuntong hininga. "Huwag mong tanungin kung paano at kailan kita unang minahal dahil kahit ako hindi ko alam. I just woke up one day and realized that I love you. That you are the reason why I can't look at other women without comparing them to you. That you are the reason why I can't learn to love all the women that came and went out of my life. Na sa huli, ikaw lang talaga ang gusto ko. Kaya sana naman maniwala ka sa akin at huwag mo akong ipamigay."

Now, she will really cry any minute. Because instead of being happy, she just felt more miserable by what he said. "May point ba na sabihin mo sa akin iyan? May responsibilidad kang kailangang harapin kay Natalie," aniya sa kabila ng bikig sa lalamunan niya. Sino ba ang gusto itong ipamigay? She loves him so much.

Nagbuga ito ng hangin. "I told you nothing happened. At gagawan ko ito ng paraan. So please Darlyn –

"Tama na Eman," putol niya sa sasabihin pa nito. "For once please grow up. A responsibility is a responsibility. Besides, you- you don't have to worry about me. Because you see, despite all you said and did to me, I didn't fell for you. So, just mind you own business and leave me alone." Pagkasabi niyon ay patakbo na siyang lumabas ng Celebrity Trend. Wala na siyang pakielam kung pagtinginan pa siya ng mga tao.

Nang makalabas siya sa mall ay bumubuhos ang malakas na ulan. Then, she suddenly remembered that it was the eighteenth. Her parents death anniversary. And her first heartache. How pathetic. Sa naisip ay walang pakielam na humagulgol siya.

MY MISCHIEVOUS STARWhere stories live. Discover now