I know that. Kaya nga nagsuot ako ng fedora hat para hindi ako makilala ng karamihan dito at ayaw ko rin na mag hotel dahil alam kong hindi ako makakagalaw ng maayos kapag inaabangan ako ng media sa labas.

"Sars? Nandito na ako sa looby. Sunduin mo na ako."

Agad kong narinig ang matinis na tili sa kabilang linya kaya natawa ako at binaba na ang tawag. Umupo ako sa sofa ng lobby at pinagmamasdan ang iilang tao na pumapasok at lumalabas sa malaking building na ito.

Agad na nalipat ang tingin ko sa ingay na nasa labas ng entrance ng building. Hindi medyo kita sa pwesto ko but there are some reporters na nagkukumpulan habang sinusundan ang isang babae na naglalakad papasok ng lobby. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan iyon.

A tall lady then entered the crystal door. Maalon ang medyo blonde na buhok. She's wearing a white classy jumpsuit and a black high heels. Maputi, kaya naman kita ang make up na nasa mukha niya. She walks like a pro model in a runway habang may dalang clutch bag. She didn't mind the reporters as if sanay na siya sa mga ito.

"Miss Samantha! Miss Samantha!" Kaway noong mga reporters para bumaling ang babae sa kanila ng tingin.

I raised my eyebrows as the girl turned to them at tumigil sa paglalakad sa gitna ng lobby. Samantha Gayson? So this is her?

Halos marinig ko na ang boses ni Kaz na nagsabi noon na maliit lang ang mundo at magkikita-kita rin kaming lahat dito. Sobrang liit ba talaga at nandito rin siya sa building kung nasaan ang condo ni Sarah?

Of course, this building is one of the best and famous buildings here in Taguig.

"Miss Samantha, are you gonna walk for Attila's Summer Collection Runway?" Tanong noong isang reporter. Samantha smiled and a flash of camera can be seen everywhere near her.

Napataas ako ng kilay. Someone offered me to walk in that runway too but I declined it since ayaw ko na talagang umuwi dito sa Pilipinas. But damn hell, look at me now kung nasaan ako? Manila, Philippines.

"Yes of course I will. What kind of question is that!" Gulat na sabi ni Samantha at tumawa.

Napataas ako ng kilay. She's a freakin model? Okay, halata naman iyon sa buong appearance niya. May condo unit din kaya siya dito? Or she's just visiting someone here? Napakagat ako ng labi sa iniisip at agad na tinapon iyon.

"Will your boyfriend be there also and watch you walk?" Tanong noong isa pang taga-media. Tumawa si Samantha na parang kinikilig at tumango tango.

"Captain Colston will be there? Hindi ba naka-duty siya ngayon?" Another one asked her.

"Yes he is but he will be home by the time of the fashion show." Nakangiti na wika ni Samantha.

I can't stand hearing everything kaya naman napairap ako. Sinulyapan ko ang malaking orasan sa looby at nakitang twelve minutes na ang lumipas.

Where the hell is Sarah?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at padabog na kinuha ang maleta ko sa gilid. I stopped from pulling it when I heard a loud crack of a thing that's been broken. Tiningnan ko iyon at nakita na nahulog sa sahig at nabasag ang isang maliit na vase na nakatungtong kanina sa maliit na mesa sa gilid ng sofa.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Binitawan ko ang hawakan ng maleta at kagat labi na tingnan ang tao sa paligid. Nanlamig ako nang makita na sa akin nakatuon ang tingin ng lahat maging si Samantha. She looks stunned nang makita ako.

Some reporters then moved and flocked in front of me.

"Attorney Henzon of Zeal?" Tanong noong isa na mukhang hindi pa sigurado. A flash of camera is all over. Nag-ingay ang buong paligid at napako ako sa kinatatayuan ko.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now