Kabanata 11

317 10 0
                                    

Kabanata 11

"Heanndra!"

I stop from puffing a smoke at agad itinapon ang maliit na sigarilyo nang marinig ko sa di kalayuan si Martin na tinatawag ako.

Tapos na ako sa pagdidilig ng mga halaman kaya nagpasya akong mag break muna. Nasa loob naman si Clicko at hindi naman ako makikita ng isang iyon.

Sinunod ko iyong sinabi niya na huwag maglagay ng maraming tubig sa balde para hindi ako mahirapan. Kalahati lang ng balde ang nilalagay kong tubig, na isa rin sa dahilan kung bakit ako natagalan.

Tumalikod muna ako na inayos ang sarili bago pumunta kay Martin na nasa entrance ng station nakatayo.

"It's lunch time, hindi ka ba kakain?" Nakangiti na tanong niya sa akin.

Well, kanina nakaramdam ako ng gutom. I just puffed a smoke kaya hindi ko na maramdaman ngayon. But, I really wanted to eat. Kung may pagkain naman, bakit hindi di ba?

"Gusto mo bang sumama sa amin?" Tanong niya sa akin.

Napasulyap ako sa kanya at naaninag ko si Clicko sa likod niya na papalapit sa amin kasama ang isa pang police officer na mukhang kasing edad ni Martin at oo, sasabihin ko na. Gwapo rin ang isang ito.

Nang makarating sila sa amin ni Martin ay agad silang tumigil sa paglalakad. Halos maramdaman ko ng nag-init ang aking pisngi nang nagtama ang paningin namin ni Clicko. I just remember na pinahiram niya sa akin kanina itong suot-suot kong baseball cap ngayon.

"I'm sorry kung natagalan Martin." Sabi noong isang police officer at napasulyap pa sa akin.

Tumango si Martin at bumaling sa akin.

"Heanndra? Ano, sama ka? Tara! Masaya doon!" Si Martin pa rin.

Akala ko ba magla-lunch ako? Hindi ba kanina lang ay tinanong niya ako kung gusto kong kumain ng lunch?

"I thought I'll have my lunch?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Nakita kong tinapik noong police officer ang balikat ni Martin at naglakad siya papunta sa Wrangler na nakapark sa harap ng station. Sumunod sa kanya si Clicko.

Saan kaya sila pupunta?

"We'll have our lunch sa kabilang bayan. Sa bayan nila..." ninguso niya ang Wrangler kung saan nakasakay na si Clicko at iyong police officer.

"Piyesta kasi doon sa kanila kaya may kainan doon" Pagpapatuloy niyang pagpapaliwanag sa akin.

Sabay kaming napalingon sa Wrangler nang bumusina iyon at tumawa iyong police officer.

Well, I have no choice right? Anyway, he invited me so I'll just go.

Tumango ako sa kanya at ngumiti naman si Martin.

"Let's go." Aniya sabay kaming naglakad patungo sa sasakyan. May bahid pa ng pagkagulat sa mata ni Clicko nang makita na papalapit kami sa sasakyan.

Sinundan niya ako ng tingin habang papasok ako sa likod ng sasakyan. Magtatabi kaming dalawa dahil sa front seat sumakay si Martin.

Ngumiti ako sa kanya but he never responded instead ay umusog lang siya sa kabilang gilid ng sasakyan para may space akong uupuan sa kabila.

Bakit ba masyado siyang masungit? Dinaig niya pa ang babaeng may dalaw. Parang pasan niya ang buong mundo dahil hindi ko man lang siya nakitang ngumiti ngayon araw. Hindi katulad ng kapatid niya na kahit yata bato iyong kausap ay ngingitian pa rin ni Martin.

Dahil magkapatid nga sila, ay hawig sila ng kaonti. Only that Clicko is a bit serious and mysterious, on the other hand Martin is cheerful and approachable. Siguro dahil pulis siya kaya ganoon siya sa lahat.

A Rebel Heart (#1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα