Kabanata 8

298 10 0
                                    

Kabanata 8

I learned how to drive a car when I was fifteen years old and Kristoff taught me how.

Gusto kong subukan dati iyong manual pero hindi niya ako pinayagan. He will let me drive a car unless it's an automatic.

He even lectured me that automatic cars are invented for the sake of women who wanted to drive cars para daw hindi na sila mahirapan.

Mabilis akong nakarating sa parking lot ng Balboa Rave. Halos mabingi ako sa sigawan ng mga taong nandoon.

The hype of people around makes me shiver.

What's up with them? Ganito ba talaga usually kaingay iyon?

Inayos ko ang sarili ko habang sinusundan ng tingin iyong mga kaibigan ni Dio na inihatid na siya sa isang sasakyan.

Wala akong masyadong alam sa mga sasakyan but I am definitely sure na isang sports car iyong sinakyan ni Dio.

So, this is the car racing he's talking about. Is this even legal?

Nakaparada ang sports car sa gitna at katabi naman noon ay isa ring sports car. Iyong kay Dio ay color sky blue, the other one is color yellow.

Pumasok na rin sa loob iyong isa pang lalaki na hindi ko kilala.

Nagsisigawan at nagsisipulan iyong mga tao sa paligid. Everyone is so alive.

May lumabas na isang babae na naka-short shorts at naka kulay red na cropped top. May dala-dala siyang black and white na flag at agad iyong winagayway kaya nagsigawan na naman ulit iyong mga tao sa paligid.

The girl with a flag positioned herself sa gilid. Itinaas niya iyon at umalingawngaw ang tunog ng mga sasakyan as they started their engines.

"Go Dio!"

Narinig kong sigaw noong babae sa di kalayuan. It's the girl na nakapulupot sa braso niya kanina. I just suddenly remembered that Kehla slapped her earlier.

Mabilis na binaba noong babae ang flag and with the speed of their cars ay nagkarerehan na iyong dalawang sasakyan. Mas lalo pang umingay iyong mga tao.

Ilang minuto pa ang lumipas at naunang nakabalik si Dio sa finish line. That means he is the winner. Mayabang siyang bumaba sa sports car na sinakyan at nakipag-high five sa mga lalaking lumapit sa kanya.

I suddenly got curious kung ano ang feeling na nakikipag-karerahan sa hindi mo kakilala. Like the actual race?

Mahilig mag car racing si Kristoff kaya may alam din ako sa mga ganyan. Kung paano patakbuhin ang isang racing car, how to immediately beat the speed of the opponent at marami pang iba.

Maraming beses na rin kaming nagde-date na puro car racing lang ang ginawa namin buong araw. So, kung isasalang man ako ngayon I can say na may laban din naman ako.

Nagbibilangan ng pera iyong mga kasamahan ni Dio. Ito yata iyong sinabi ng kaibigan niya kanina na malaki daw ang ipinusta nila kay Dio.

Well, lucky for him nanalo si Dio kaya times two ang pera na ipinusta niya.

Matapos magbilang ay may tinawag na pangalan iyong babae na may dalang flag. Iyon daw ang susunod na kakalaban kay Dio.

Nagpalinga-linga ako pero mukhang hindi yata sumipot iyong pangalan na tinatawag nila. Nakarinig ako ng malalakas na "booo" sa kung saan.

"Beat Dio for twelve thousand pesos?" Sigaw ng isa pang babae na nakapareho rin ng porma sa babaeng may dala-dalang flag.

Walang may lakas loob na nagsalita marahil ay takot silang matalo ni Dio. Before anyone else could speak up ay itinaas ko na ang kamay ko.

A Rebel Heart (#1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat