Chapter 1: Hello Stranger

97 2 0
                                        

Nangingig at nanlalamig ang kanyang mga kamay. Hindi mapakali na parang huling oras na ni AJ sa mundong ibabaw.

Tatayo. Uupo. Tititigan ang salamin sa banyo. Pagmamasdan ang sarili sa salamin sa ibabaw ng kama sa spaced-theme na kama sa isang motel sa Aurora Boulevard. Ginawa na yata lahat ni AJ ang lahat mapakalma lamang ang sarili sa kabang nadarama.

"Ready na ako. Eto na ito," bulong ng binata sa kanyang sarili.

Nagbabanggaan ang mga katanungan sa kanyang isipan.

"Tama ba ito? Umuwi na lang kaya ako? Mag-jakol na lang kaya ako..."

*Krrrrrrrring*

*Krrrrrrrring*

Nagulat si AJ sa lakas ng volume ng telepono sa kuwartong nirentahan ng limang oras. Pinutol nito ang pag-iisip nang malalim.

*Toog - Toog - Toog*

Dama ni AJ ang mas mabilis na tibok ng kanyang puso. Gumulong siya mula sa isang sulok ng kama patungo sa kinalalagyan ng nag-ri-ring na telepono, inangat niya ang handset at inilagay sa kanyang tenga.

"Sir, may expected guest po?" Tanong ng babae sa kabilang linya.

Hindi kaagad nakasagot si AJ habang pumapatak ang ga munggong butil ng pawis sa kanyang noo kahit malakas naman ang aircon sa loob ng kuwarto.

Hindi na bago kay AJ ang maglabas pasok sa motel. Ngunit noong gabing iyon, hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang kaba sa kanyang dibdib at alinlangan sa kanyang isipan.

"Hello sir? May expected guest po ba sila?" Muling tanong ng receptionist.

"Ahhhh, yes." Sagot ni AJ na para bang nahihiya kahit hindi naman kaharap ang kausap.

"Ano pong name ng kasama?" Muling tanong ng babae sa kabilang linya.

Hindi kaagad nakasagot si AJ. Hindi niya matandaan kung ano bang pangalan ng makakasama niya sa inupahang kuwarto. Isa-isang binalikan ng binata ang mga pangalan sa kanyang isipan. Muli niyang inalala ang mga pangalan ng masahista sa Facebook page ng Amazon Touch Spa.

"Ashley."

"Okay sir, paakyatin ko na po."

--

Nakatayo sa pintuan, kabado pa rin si AJ. Hindi pa rin siya mapakali na parang batang pigil na pigil na maihi.

*Ding Dong*

Sa unang tunog ng doorbell, sinilip ni AJ sa peephole ang taong nasa kabila ng pintuan.

*Ding Dong*

"Siya na nga!"

Sa isip ni AJ, "Gwapo 'to ah. Saka matangkad."

Binuksan ni AJ ang pinto at pinapasok sa inuupahang kuwarto ang kanyang makakasama sa gabing iyon.

Tumambad sa harap ni AJ ang matipunong estranghero na si Ashley. Matangkad ito at kahit maluwag ang suot nitong t-shirt, bakat ang mapintog at matigas nitong dibdib.

Pagpasok nito, bumati ito kay AJ.

"Sir. Good evening."

Inilapag nito ang dalang bag sa mesa na may salamin at naupo sa upuan. Medyo pawis ito at hinihingal pa.

Naupo sa kama si AJ at nanood ng TV. Tila nahihiya ang binata sa taong ngayon gabi pa lamang niya makikilala.

Nang gabing 'yon, patay ang mga ilaw sa hotel room ni AJ at tanging liwanag lamang ng TV ang nagpapaliwanag sa maliit na kwarto.

Kissing StrangersStories to obsess over. Discover now