Capítulo Dieciocho

Start from the beginning
                                    

Kailangan pag nag-usap ulit kami, hindi na yung obvious. Dapat hindi niya mahalata na may gusto ako sa kanya. At tsaka baka mag expect sya, hindi naman ako ang gagawa ng first move. Duh

Nasa hagdan na ako at papalapit na ako sa sala. At habang ako ay humahakbang pababa ay hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko sa tuwing magkikita kami ni Mateo. Ang alam ko crush ko lang sya at yun lang yun. Pero ewan ko pa rin, taksil rin tong puso ko e. Akala ko crush lang tapos yun naman pala, mahal na.
Saka ko na lang mamahalin si Mateo kapag sigurado na akong mahal nya din ako. Ugh!

Nasa baba na ako at napatingin ako doon sa nakaupo.
Natigilan na lang ako ng marealize na hindi pala iyon si Mateo. Si Graciana pala iyon na kapatid ni Mateo Benedicto. Hays! Nag expect na naman ako. Pero ayos lang, sanay na akong umasa at paasahin.
Nagkakilala kami ni Graciana noong birthday ni Helena at naging magaan agad ang loob ko sa kanya. Pero ano kayang ginagawa nya dito?

"Magandang umaga Angelita!" Masayang bati sa akin ni Graciana at napatayo siya mula mula sa kanyang kinauupuan. Napaka masiyahin niya talaga, kaya siguro madali kaming naging magkasundo.

"Magandang umaga rin!" Tugon ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Halatang miss na miss na talaga nya ako. Matagal na kasi nung huli kaming nagkita, at aminado ako na medyo miss ko na din sya.

"Angelita? Maaari mo ba akong samahan sa pansitan ni Ka Victoria?" Tanong nya sa akin at ang sweet ng boses nya ngayon. Haha nagpapacute sya.

"Bakit naman? Anong meron doon?" Tanong ko sa kanya habang magkayakap pa rin kami.

"Wala akong magawa sa bahay, kung kaya't naisipan kong yayain ka na lang na kumain" Tugon nya sa akin.

"Balita ko'y masarap ang pansit na luto ni Ka Victoria" Patuloy pa nya at umalis na mula sa pagkakayap sa akin.

"Ganoon ba? Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya at dahil doon ay napakamot sya sa kanyang ulo.

"May nagsabi lamang sa akin" Tugon nya at ngumiti.
So paano nya nasabing masarap e may nagsabi lang pala? Hindi pa naman nya natitikman e.

"Naniniwala ka ba sa nagsabi noon?" Tanong ko sa kanya. Haha ewan ko ba, pero ang weird. Siguro kapatid nya or bestfriend nya kaya paniwalang paniwala sya.

"Oo naman, dahil siyay manliligaw ko" Tugon nya sa akin at nagtaklob ng kanyang mukha dahil sa kilig. Napansin ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi at dahil doon ay natawa na rin ako. Haha obvious na obvious pala talaga kapag kinikilig ang mga babae noong unang panahon.
Ngayon, alam ko na kung ano ang purpose ng pamaypay na hawak hawak palagi nila. Yun pala ay para pantaklob sa kanilang mukha pag kinikilig. Hahahaha

"Kung gayon ay tara na doon sa sinasabing pansitan ng manliligaw mo" Masayang tugon ko sa kanya at sabay kaming lumabas habang nakaakbay sya sa akin.
Napansin ko naman ang isang kalesang kulay brown na may design na mga bulaklak na naghihintay doon sa labas.

Wow naman, ang yayaman naman ng kaibigan ko dito. Noong una, sinundo ako ni Alberto at may dala rin siyang kanyang sariling kalesa. Tapos ngayon  naman ay si Graciana na may sarili ding kalesa.
Natatandaan ko yung sinabi sa akin ni ina na ang pamilya nina Graciana ay ang pangalawa sa pinakamayaman dito sa San Luis. Ang pamilya rin pala nila ang may-ari ng lupain ng maraming puno ng mangga. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mayaman sila.
Pero sana sa susunod si ano naman yung sumundo sa'ken.
Si ano... si kwan.

Huling HimagsikWhere stories live. Discover now