"What?" He seriously asked habang nasa daan ang tingin.

"Bakit pa ako bibili when I can move in to your house? Mag-isa ka lang naman doon?"

Tawa ko at inayos naman ngayon ang hanggang balikat at unat kong buhok. His laugh enveloped inside the car kaya hinampas ko siya sa braso. This past few months ay madalas niya na akong pagtawanan. It's like lahat ng sasabihin ko ay nire-relate niya sa kung ano tapos kapag naisip niya iyon ay bigla siyang tatawa.

"Brooklyn will kill me kapag nalaman niya na binahay na kita!" He said while smiling kaya napasimangot ako sandali pero natawa siya sa akin kaya inirapan ko siya.

Why would even Brooklyn be mad at me? He's one of the sweetest person I've ever known. And well, I don't know how to say this.

"Hindi iyon magagalit kasi..." Malakas na sigaw ko at humina din sa huli nang mapagtanto na hindi ko dapat sasabihin iyon.

"Kasi?" He asked. I swallowed the lump in my throat before answering.

Bakit ang hirap sabihin ng katotohanan?

"Because there is nothing going on between me and him." Seryoso kong sabi at tiningnan na lang sa bintana ang nagtataasang puno sa gilid ng daan.

"For now," dugtong ko at agad ding napakunot ang noo sa sinabi. What the hell was that?

"Nothing? You kidding? Eh halos buwan buwan iyon na lumilipad dito sa Amerika para makita ka tapos sasabihin mo sa akin wala kayong may nararamdaman sa isa't-isa?" Gulat na gulat na tanong niya.

Natahimik ako. I don't know what to say. Alam ko naman na may nararamdaman si Brooklyn sa akin. He never failed to show it to me whenever he's here, iyong pagpunta niya pa lang dito sa Amerika kahit busy siya sa pagaha-handle ng kanilang kompanya ay sapat na para malaman ko na may gusto siya sa akin.

Brooklyn is nice, understanding at napaka-sweet niya sa akin kaya sino ba naman ang aayaw sa kanya di ba? He's like a God's gift to women.

"I said, for now. Hindi ko naman sinabi na ayaw ko sa kanya. Malay mo baka bukas magpakasal na ako sa kanya di ba?"  I said kaya tumahimik na siya at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.

Tumigil kami sa isang cabin type na bahay. Ito ang address na sinabi ni Nad sa akin kanina. May mapalad na garden sa labas na may magagandang bulaklak na nakatanim. Sabay kaming naglakad ni Neil sa pintuan at agad na kinatok iyon gamit ang metal door knocker.

Bumulaga sa amin si Quinn na nakadamit pantrabaho at kumukunot ang noo pero agad ding nawala nang makita kami sa labas.

"Finally, you decided to show yourself." Sarcastic na sabi niya kaya inirapan ko siya at agad na pumasok sa loob ng bahay.

The whole place is covered with neutral colors, brown, black and white. May mga abstract painting din akong nakikita na nakasabit sa mga pader. Umupo ako sa sofa at napatigil sa pagtingin sa paligid nang may nilapag na papel si Quinn sa table na nasa harap namin ni Neil. Sinulyapan ko iyon at tinaasan siya ng kilay.

"Where's Lyrra?" I asked. He shook his head at napakagat sa labi.

"May pinuntahan." Simple niyang sagot at agad na umupo sa tabi ko. Kumunot ang noo ko. How are we going to discuss the problem if she's not here?

"Here's the plan of the Zeal building in the Philippines. Kulang sa square meters ang lupa na binili ng kompanya mo kaya kailangan e-revise ang plano sa buong building para magkasya sa lupa na binili."

Paliwanag niya kaya nanlaki ang mga mata ko at kinuha ang plano sa mesa.

Damn it! Sinong tanga ang bumili ng lupa doon at talagang hindi pinaalam sa akin na may ganitong problema pala?

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now