Lumapit ako doon at pinagmasdan siya sa ginagawa.

"Lyrra called me. Nandito siya sa California. You might want to see her? She's proposing something." Wala sa sarili na sabi niya habang naghihiwa pa rin.

Natigilan ako ilang sandali at umupo sa isang highchair sa counter top. I already know that Lyrra was here. She got accepted in a prestigious university here in California for a scholarship kaya naman nag-aaral na rin siya dito. Ang kwento sa akin ni Kuya Cirrus, sila na daw ni Quinn at malapit na silang magpakasal. I thought he was just joking pero hindi.

Halos hindi pa ako makapaniwala noong sinabi iyon ni Kuya Cirrus sa akin. What in the world right? Ayaw na ayaw nila sa isa't-isa tapos biglang magpapakasal na sila. I guess love really works in mysterious ways.

"Ano naman ang ipo-propose niya?"

"I don't know. She didn't say anything." Kibit balikat niya at agad na tinakpan ang kumukulo na tubig sa cooker.

Napaisip ako kung ano ba ang maaring sabihin ni Lyrra sa akin. I hired her as one of my engineers sa pinapatayong branch ng Zeal sa Manila. Kinuha ko siya because she's damn one best engineers I've ever met kaya kahit dito na siya naka-base sa Amerika, kinuha ko pa rin siya.

For some reasons ay ayaw kong bumalik doon kaya pinapaubaya ko na lang kay Nad ang lahat ng mga gawain. Mula sa constructions, inventories at investors. He can do it all kaya bakit pa ako uuwi doon? Besides the main office and branch is here in California. Mas kakailanganin ako dito kaysa doon sa Pilipinas.

"Probably about the Zeal branch in Manila?" Taas kilay ni Neil sa akin kaya napatigil ako sa pag-iisip at napakurap kurap. Tumawa siya nang hindi agad ako nakapagsalita.

"Thinking about something?" Tawa niya at kumunot ang noo ko. What the hell is he talking about?

"Or should I say, someone?" Dugtong niya kaya napairap ako. Ito na naman siya sa pang-aasar niya sa akin.

"Neil please tigilan mo na iyang iniisip mo kung hindi ay aalis talaga ako dito sa bahay mo at hindi kakainin iyang niluluto mo!"

Sigaw ko at umalis sa pagkakaupo sa highchair sa harap niya. He laughed at my reaction kaya mas lalo akong lumayo sa kusina at dumiretso na lang sa kanyang swimming pool na nasa garden niya.

I crossed my arms as I try to calm myself. Dinig na dinig ko pa dito iyong tawa niya mula sa kusina. At talagang tuwang tuwa siya sa pang-aasar sa akin ha?

It's been eight years already and the only information I got was from Sarah na sobrang tagal na din. She said that he eventually entered PMA just after I left the Philippines. Good for him. Kahit galit na galit ako sa kanya ay natutuwa pa rin ako na naabot niya na ang kanyang mga pangarap. But that was it. Iyon lang iyon. After that ay wala na akong narinig tungkol sa kanya. Everyone around me just stop asking and telling me about him and I think that it's great not hearing anything from him. Itong si Neil na lang ang hindi pa nagsasawa sa kakaasar sa akin.

Pagkatapos magluto ni Niel ay agad din kaming kumain. While eating ay napatawag si Nad sa akin at sinabi na may problema nga daw sa construction ng Zeal sa Manila. Sinabi niya na daw iyon kay Lyrra at ipapaliwanag ni Lyrra sa akin. I agreed to meet Lyrra after we ate.

"Babalik ka pa dito mamaya?" Tanong ni Neil sa akin habang nasa biyahe na kami. We're going to meet Lyrra today doon sa bahay nila ni Quinn.

"Obviously. Kaya nga iniwan ko ang sasakyan ko sa bahay mo di ba?" Wala sa sarili kong sabi habang nilalagyan ng lipstick ang labi ko.

"Why don't you sell your property in the city and buy a house next to mine?" He suggested kaya napatigil ako sa paglalapat ng ring finger ko sa labi ko para pantayin ang lipstick na inilagay.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now