"Go." I said kaya bumitaw siya sa kamay ko at dahan dahan na lumapit sa Kuya niya. Hindi ko alam kung bakit hindi na siya umiiyak. Siguro ay naubos na kahapon at ngayong ayos na naman ang lagay ni Martin.

"Hay salamat naman sa Diyos at mabuti na ang kalagayan ni Martin." Naiiyak na sabi ni Nanay Dalia kaya ngumiti ako sa kanya. Sabay kaming napatingin sa pintuan nang pumasok si Kuya Stratus at tumikhim.

"Clicko, can I talk to you outside?" Seryoso na sabi niya kay Clicko. Wala sarili na tumango si Clicko at sumabay kay Kuya Stratus palabas.

Napakagat ako sa labi ko. I think sasabihin na ni Kuya Stratus ang nangyari kay General Tetangco. Kahit kaonting oras ko lang nakasama noon si General Tetangco, masasabi ko na isa siyang mabait na tao. He is willing to help Clicko without expecting anything in return. Nakakalungkot lang isipin na ang ganoon mga tao ay nawawala dito sa mundo.

Napatayo ako nang ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na silang dalawa sa loob. Clicko looks sad kaya napabaling ang tingin ko kay Kuya Stratus. Tumango siya sa akin at sumenyas na lumabas muna ako. Sinulyapan ko si Clicko na balisa pa rin at umupo sa upuan na nasa gilid ng kama ni Martin.

"I want you to sleep doon sa bahay nina Clicko hanggang sa magising si Martin. Pinaalam na kita kay Daddy at ipapadala ko na lang ang ibang damit mo doon sa bahay nila." Seryoso na sabi niya kaya napataas ako ng kilay.

Tinataboy niya ba ako? Bakit yata doon niya na ako patitirahin?

"Kuya? Pinapalayas mo ba ako?" Kunot noong tanong ko kaya natawa naman siya ng kaonti.

"Kailangan ni Tatay Nestor si Nanay Dalia sa bahay nila kaya hindi siya maaring manatili doon sa bahay nila Clicko. You already know na wala silang kamag-anak dito di ba? I don't want Clicko to feel that he's alone. Alam kong matino naman siyang mag-isip pero iba pa rin kapag may nakakausap at may kasama siya doon." Paliwanag niya kaya tumango na lang ako.

I am willing to help kaya iyon nga ang ginawa ko. Tulad noong kahapon ay hinatid kami ni Kuya Sandro sa bahay nina Clicko kasama iyong mga tauhan na ipinadala ni Kuya Stratus. Mabuti na lang at nagbigay ng three days break ang school dahil kami ang nag-over all champion sa Interscholastic kaya wala kaming pasok. Sinabi iyon ni Sarah sa akin at ilang ulit pa ako nag-sorry sa kanya dahil iniwan ko sila noong gabi na nanalo kami sa game.

"I'm so sorry about General Tetangco..." Malungkot na sabi ko habang isinisiksik ang mukha ko sa leeg niya. Sinusuklay niya ang buhok ko kaya naman napapikit ako. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"I guess this is really my destiny. Iyong manatili dito sa Stefanina at maging pulis na lang tulad ni Kuya Martin." Malumanay na sabi niya habang sinusuklay pa rin ang buhok ko. Hinawakan ko ang panga niya papunta sa kanyang pisngi at tiningala siya. He looked at me and smiled sadly.

My heart hurts so bad for him. Parang dinudurog ang puso ko na marinig na nawawalan na siya ng pag-asa na abutin ang pangarap niya. Nagsisimula pa lang siya na abutin iyon at bigla namang bumagsak agad. Gusto kong mag-isip ng ibang paraan para tulungan siya pero wala akong maisip. General Tetangco is the only one na kilala at madaling pakiusapan ni Kuya Stratus.

"I'm sorry I don't know how to help you." Naiiyak na sabi ko. Umiling siya at hinalikan ako sa pisngi.

"It's okay. Your presence is enough for me. Thank you for being here and not leaving." Bulong niya sa akin at tuluyan na akong naiyak. He looked at me at dahan dahan na pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Your Kuya Stratus said he'll try to figure out some things for me. So it's not totally over. Let's just pray na meron maganda na mangyayari." Dugtong niya.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now