Chapter Twenty-four

15.2K 382 5
                                    

"'I KNOW I'm stupid when it comes to this crap. But still, I want you to listen. Hindi ko alam kung bakit at ano ang nangyari sa atin na hindi natin naiintindihan. Kahit ako ay wala ring ideya kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Look, Sam, maybe I'm just a hopeless romantic, but dot dot dot—'"

Napatigil si Nathan nang marinig ang malulutong na halakhak mula sa pintuan. Napalingon siya roon at nakita ang tatlong kaibigang nakasilip sa pintuan ng kanyang bahay, pawang mga nakangisi.

"Ano ang ginagawa ninyo rito?"

Alam niyang siya ang pinagtatawanan ng mga ito dahil narinig marahil ng mga ito ang sinasabi niya.

"Xander informed us na baka ito na ang huli naming pagkakataon na makita kang normal," natatawang wika ni Thad. "And what's with the dot dot dot?"

"None of your business."

Dinampot ni Axel ang kapirasong papel na kinakabisa niya. Marahas niya iyong binawi saka tinungga ang laman ng bote ng beer na hawak.

"Leave me alone, will you?" Iritado na siya.

"We can't," sagot ni Byron. "You have a problem and you need our help."

"Yeah. Ikaw ang problema ko, Byron. Kasalanan mo kung bakit magulo ang utak ko ngayon."

"Ako? Ano naman ang kasalanan ko sa iyo?"

"Bakit mo tinanggap si Sam na reporter ng broadsheet mo?"

"Why not? Sam is qualified for the job at hindi naman ako nagsisisi sa pagkuha ko sa kanya. Aren't you happy with her success now?"

"I am."

"So, what's the problem?" tanong ni Thad na naghalungkat na sa refrigerator niya at kumuha ng tatlong canned beer. "Gusto mo ba siyang patalsikin sa kompanya ni Byron?"

"No. Kung sana ay kinuha siya ni Byron hindi dahil magkaibigan kami."

"Wait. Iyan ba ang ikinagagalit mo ngayon? Na kinuha ko si Sam dahil nagkataong magkakilala kayo at tayo naman ay magkaibigan?" kunot-noong tanong sa kanya ni Byron.

"Iyon ang sabi ni Sam."

"Naniwala ka naman? Don't you trust her ability, Nathan?"

Hindi siya umimik. Wala na siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay makitang muli si Sam. It had been a week mula noong huli silang magkita and his life was boring him to death. The moment he tasted her sweet, soft lips, wala na siyang ibang inisip kundi ang muli itong mahalikan.

He needed to feel her body close to his again, to hear her voice arguing with him, to see her display her huge appetite. He even wanted to be with her when she felt like driving his car like a maniac.

"You're in love with her, aren't you?" untag ni Thad.

"Really?" tanong ni Axel.

"Iyan lang naman ang tanging explanation sa pag-eermitanyo nitong kaibigan natin, 'di ba?" Kinuha nito sa kanya ang kapirasong papel. "At kung bakit may kopya siya nito."

"But I thought you said she's out of our league, Nathan?" tanong ni Byron.

"To hell with that league!" frustrated niyang sabi. "Nang dahil diyan kaya gumulo ang buhay ko. I couldn't concentrate on my work, I couldn't sleep at night." Nilagok niya ang beer. "I couldn't stop drinking this stupid liquor and I can't look at any woman without seeing Sam's face! Baliw na nga yata ako."

Naikuyom niya ang mga kamay bago nagpakawala ng malalim na hininga. "Darn! I can't possibly be falling for her."

Napailing ang mga kaibigan niya.

"Why not?" ani Axel.

"Because she's a walking contradiction, Axel. Sinabi ko na sa inyo 'yan noon. Wala sa katauhan ni Sam ang ideal na babaeng hinahanap ko."

"Then face the consequences, Nathan," sagot ni Thad. "She can never be yours unless you disobey the unwritten rules of our society."

"No!"

"Okay, then let's start over with your piece." Kinuha ni Byron kay Thad ang kapirasong papel. "I-recite mo ulit itong drama mo."

Kahit nagmukha siyang tanga sa harapan ng mga ito ay ginawa na rin niya. Binasa niya ang sinulat niya sa papel. "I know I'm stupid when it comes to this crap. But still, I want you to listen. Hindi ko alam kung bakit at ano ang nangyari sa atin na hindi natin naiintindihan. Kahit ako ay wala ring ideya kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Look, Sam, maybe I'm just a hopeless romantic, but dot dot dot, so I guess—" Napatigil siya nang marinig ang mahinang tawanan ng mga ito. Tiningnan niya ang mga ito. "What?"

Naiinis na siya sa mga hitsura ng mga ito—namumula ang mga mukha dahil pinipigil na tumawa nang malakas.

"Dot dot dot? Ano 'yon?" tumatawa pa ring tanong ni Byron.

"Iyon ang nakasulat diyan sa papel." Doon na humalagpos ang tawa ng mga ito. "Kung pagtatawanan lang ninyo ako, mabuti pa'y umalis na kayo rito. Hindi kayo nakakatulong sa problema ko."

"Come on, pare. Nagbibiro lang kami," nakangising wika ni Thad na siya nang may hawak ng kapirasong papel na iyon. "Pero hindi dapat sinasabi ang 'dot dot dot.' It's an ellipsis. You know, iyong tatlong tuldok sa dulo ng isang phrase para ibitin kunwari ang iyong sasabihin."

"I know that." He felt stupid. "Kaya lang... ah, ewan. Nasanay na lang siguro ako na makita ang tatlong tuldok na iyan diyan sa papel kaya pati iyan ay nasasabi ko."

Tinapik siya ni Axel sa balikat. "Masyado ka kasing ninenerbiyos, eh. Relax ka lang."

"Pare, bakit nga kasi hindi mo na lang diretsahin si Sam?" tanong ni Byron. "Pinahihirapan mo lang ang sarili mo, eh."

"Yeah. Easy for you to say," he murmured.

Hindi naman kasi siya sanay sa panliligaw. Iyong mga naging girlfriends niya noon, basta nagkaintindihan na lang silang sila na. He had never really fallen in love with anyone. Until Sam.

"For a person who claims to be a playboy, you are one weird-looking specie," pahayag ni Byron. "Itutuloy pa ba natin itong drama mo o ano?" Tumunog ang cellphone nito. "Ah, wait."

"It's Sam. Sorry, pero kailangan ko nang mauna sa inyo," paalam nito sa kanila.

Agad siyang kinabahan nang marinig ang pangalan ng dalaga.

"Si Sam? Why? Where is she? Did something wrong happen to her?" Gusto na niya itong suntukin dahil wala itong sinasagot sa mga tanong niya. "Damn you, Byron! Tell me!"

"Hey, calm down, Nathan," ani Thad.

"She's okay. Sinabi niya sa aking nagkaroon daw ng sagupaan sa Mindanao. Malaking istorya iyon kaya... ciao!"

"At isasama mo si Sam?" tanong ni Axel. "Magpapa-kamatay na ba talaga kayong dalawa, ha, Byron?"

"Trabaho lang ito, pare. Nasa airport na siya. Pinauna na raw niya iyong aming isang correspondent at photographer at ako naman ay hinihintay na lang—hey! Saan ka pupunta, Nathan?"

Hindi na niya hinintay na makapag-react pa sina Thad at Axel. Dali-dali siyang lumabas ng bahay pagkatapos hagilapin ang susi ng kanyang sasakyan. Kahit pagod dahil kagagaling lang niya sa kanyang opisina, mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya. Mabuti na lang at hindi siya nahuli ng traffic enforcer dahil lagpas-lagpas sa speed limit ang tulin ng sasakyan niya.

Kailangan niyang maabutan si Sam. He would die of worry kapag tumuloy ito sa Mindanao. 

Kissing Miss WrongOn viuen les histories. Descobreix ara