Chapter Twenty-six

14.8K 318 1
                                    

IT WAS an exhausting night. Akala ni Sam ay aabutin sila ng isa pang araw sa Mindanao ngunit isang magdamag lang pala ay may malaki na silang istorya. Nasa airport na siya kasama si Byron at hinihintay na lamang na tawagin ang flight nito to board. Magpapaiwan muna siya roon para hintayin ang iba pa niyang kasama na may tinatapos lang gawin.

"Sam, you're the best," bati ni Byron. "At isa ka na ring TV reporter ngayon, ha!"

Ngumiti lamang siya, lalo na nang mapansin ang madungis na hitsura nito. Kunsabagay, wala naman siyang ipinagkaiba rito. Mas madungis pa nga yata siya dahil kuntodo dive pa siya habang live na nagre-report sa telebisyon sa gitna ng putukan.

"Hindi ka yata masaya?" puna nito. "That's not the kind of reaction you give after a tough assignment. Nami-miss mo siya, ano?"

"Sino?"

"Nathaniel Figueroa." Napailing ito. "Sam, you and my friend really have to make things clear between the two of you. Minsan, gusto ko na kayong pag-untuging dalawa para lang matauhan kayo."

"Boss, ang problema, wala naman kaming aayusin."

"Meron. Dito." Itinuro nito ang dibdib bago ginulo ang magulo na niyang buhok. "Masyado kasi kayong ma-pride. Sam, minsan, may mga oras na hindi mo na kailangan pang pag-isipan ang isang bagay. You only have to feel it to know what it is."

Napalatak ito. "Oo nga pala. Hindi ko dapat sinasabi ito sa iyo kundi doon sa bulag kong kaibigan. Pero, Sam, kapag lumapit sa iyo uli si Nathan, sana ay bigyan mo siya ng chance na makapagsalita. I know my friend. Hindi kasi siya marunong mag-express ng nararamdaman niya. Ewan kung natural lang iyon o dala ng katangahan." Umiling-iling pa ito.

"What's that got to do with me?" Kahit alam na alam naman niya ang ibig nitong sabihin. Wala lang siyang masabi dahil binabayo ng matinding kaba ang kanyang dibdib.

Could it be? Could it possibly be...?

"Alam mo, bagay nga kayo ni Nathan. Maabilidad sa ibang bagay pero pagdating sa usaping pampuso, pareho kayong tanga."

"Aray ko! Boss, naman."

Noon naman tinawag ang flight number nito.

"O, paano, Sam? Mauuna na ako sa iyo sa Manila. May importante pa akong aasikasuhin, eh."

Tumango siya. Something was telling her to do some-thing. Pero ano iyon? She racked her brain for the answer.

Nothing.

"Boss, sabay na ako sa iyo." Magpapapalit na lang siya ng oras sa ticket niya.

"Good. Tutal, maaga pa naman, I'll just call my friends to fetch us at the airport."

Napahinto siya sa paglapit.

"Don't worry. Hindi si Nathan ang tatawagan ko."

Kissing Miss WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon