"You guys won?" Tanong ko habang naglalakad sa field.

Ang ingay ng buong campus simula noong Monday dahil sa pagsisimula ng Interscholastic. I didn't even know kung bakit sa school namin isinagawa ang Interscholastic. Marami namang magaganda pang schools na pwedi. There are six schools competing kaya marami talaga ang manunuod sa mga laro at palabas dito sa school.

Hindi silang dalawa nagsalita kaya tumigil ako sa paglalakad at tiningnan sila na naglalakad pa rin. Nang mapansin na hindi ako nakasabay sa kanila ay tumigil din sila sa paglalakad at nilingon ako. Tinaasan ko sila ng kilay kaya tumawa si Dexter.

"Of course we won. What do you expect? We are like the God of it!" Tawa nilang dalawa. Huminga ako ng malamim at naglakad na kasabay nilang dalawa.

Dumating kami sa gym habang nag-iingay ang buong paligid. Agad naming nakita ang ibang mga kaklase namin at umupo rin kami doon. Nasa kabilang parte naman ang iilang mga students ng ibang schools. Nakita ko rin sina Kuya Cirrus na nakaupo rin di kalayuan sa amin.

"Nice to finally see you alone without your boyfriend." Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Umupo si Dio sa tabi ko. Mag-isa lang yata siya dahil walang bumubuntot sa kanya na mga alipores niya.

I remembered the last time we saw each other. Hindi maganda iyon dahil nagkasagutan kaming dalawa. He even told me to beware of the people I wanna be with. Hindi ba dapat maging aware din ako sa mga taong ayaw kong makasama tulad niya? And Clicko already told me to stay away from him.

Inirapan ko siya at umusog papalayo sa kanya.

"What are you doing here Dio?" Tanong ko sa kanya habang nakatutok ang mga mata sa nagsasalitang emcee sa stage.

"Just trying to hang out with you since your boyfriend is not around." Tawa niya kaya matalim ko siyang tiningnan.

Wala ba siyang ibang magawa kundi ang asarin ako at badtripin? Bakit hindi siya maghanap ng ibang babae na paglaruan niya? Total doon naman siya magaling.

"I'll tell Clicko you're talking to me right now." Matigas na sabi ko at ngumisi naman siya na para bang may nalalaman siya na nakakatawa.

"You go ahead. He probably knew I was gonna talk to you." Tawa niya ulit at kumunot naman ang noo ko.

"What?" Nandidiri na tanong ko. Ngumiwi ako dahil talagang naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo na siya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Goodluck with your game later." Aniya at inirapan ko siya habang lumalayo.

He even wished me luck! Hah! Baka mamaya matalo pa kami dahil sa pa-goodluck goodluck niya.

The program started at agad na nagperform ang unang school. Sinundan iyon ng mga taga West. Their cheer captain is Kehla kaya naman tuwang tuwa ako habang nanunuod. Ang gaganda ng mga suot nilang uniforms at costumes. Some even brought their mascots para sumali sa pagsasayaw. Panghuli na nag-perform ay ang East. Thier cheer captain is Circe, a junior na kaklase nina Seaver sa Mass Communication

Natapos ang program nang hindi sinasabi kung sino ang nanalo. Ang sabi nila ay ina-announce daw iyon sa last day ng Interscholastic kasabay ng lahat ng mga nanalo sa iba't-ibang competitions dito sa school.

Two hours left para sa laro namin mamaya. Habang palabas kami ng gym ay nakita ko dina Quinnito at iba pa nilang kasama sa basketball team. Naka-jersey pa sila at pawis na pawis. Kakatapos lang rin yata ng kanilang laro.

"Our basketball team won. Sila ang champion." Anunsiyo ni Georgina na kasabay namin sa paglalakad.

Ngumiti ako. Hindi na ako magtataka. I mean Quinnito is the basketball captain! He takes basketball seriously opposite sa pagseseryoso niya pagdating sa mga babae.

A Rebel Heart (#1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt