Chapter 7

17.4K 509 30
                                    

Mga Tingin

 

NAGSIMULA na kami. Matalino naman ako kaya naiintindihan ko naman ang instructions ng photographer kaya nakukuha ko agad ang dapat gawin. Naiilang pa ako noong una pero habang nakakarami na ng shots ay parang nasasanay na ako.

Okay na sana ang lahat kung hindi lang mareklamo yung lead model na si Alliah at idagdag pa yung madilim na tingin sa akin ni Luke na nanonood sa amin.

“Okay, done. Guys, pack up na. Ladies, you can go now.” sabi nung organizer na kinausap namin kanina ni Wax at nilapitan si Alliah na kung ano-ano ang nirereklamo.

Napairap nalang ako at agad na hinanap si Wax kaso hindi ko sya makita. Saan naman kaya nagsusuot yung baklang yun? Sana naman makuha ko agad yung bayad ng mauwian ko ng masarap na ulam si Mama. Purgang-purga na siguro yun sa delata.

“Miss?” tawag nung nasa likod ko kaya napalingon ako. Napakunot-noo ako ng makitang nakangiti sa akin yung photographer namin kanina. Kaya ngumiti nalang din ako bilang paggalang.

“Vanessa po. Bakit? May kailangan pa po ba kayo sa akin?” tanong ko at patuloy kong iginagala ang mata ko.

Natuon ang tingin ko sa pwesto ni Luke na kinakausap ni Alliah. Nanigas ako ng makita nasa akin ang titig nya kahit may kumakausap sa kanyang iba. Agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko kinakaya yung mga tingin nyang ganyan sa akin.

“I’m Alex. Nalaman ko kay Wax na first time mo ito pero nagulat ako nung makita kung gaano ka kagaling sa pagmomodelo. May shoot ako sa isang clothing line. Hindi iyon gaanong kalakihan kaya tumatanggap sila ng mga baguhan na modelo. Do you want to join?” sabi nya at halos hindi ko iyon naintindihan dahil masyado akong apektado sa presensya ni Luke doon.

Nakakainis. Matapos nyang mawala tapos dito pa kami magkikita. Ang mas nakakainis pa ay imbes na galit ako dahil sa pagtataboy nya sa akin, parang nanlalambot ako tuwing nakikita ko sya.

“So?”  tawag ni Alex sa pansin ko kaya napatingin ako sa kanya. Inulit ko ulit sa utak ko yung mga sinabi nya at prinoseso ko iyon. Nakangiti lang sa akin ang may itsurang photographer habang hinihintay ang magiging sagot ko.

Napakagat ako sa labi ko at tumango. Pera din iyon at kusa na itong lumalapit sa akin kaya dapat ko nang sunggaban.

“Okay. This is my calling card, kung sakaling may mga tanong ka. Alam na din ni Wax iyon dahil kasama ko sya ulit doon. Sige.” untag nya at may inabot sa aking papel saka hinimas ang braso ko bago umalis.

Kinilabutan pa ako sa ginawa nya na iyon pero binalewala ko nalang. Mamaya ko na siguro hahanapin si Wax dahil kailangan ko na munang magbihis.

NATAPOS na akong magbihis pero wala pa din kahit anino ni Wax. Ako nalang ang natira sa dressing room habang inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Mas kumportable na ako sa ayos ko ngayon kahit parang hindi ko na nakilala ang sarili ko kanina. Hindi talaga ako mahilig sa mga ganung ayos.

“Ang tagal naman ni Wax.” bulong ko sa sarili ko at sumulyap sa orasan na naroon.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon