Chapter 1

32.1K 553 47
                                    

First Kiss

 

“OH? Vanene saan ka pupunta? Bihis na bihis ka.” bati sa akin ni Six nung magkasalubong kami sa sakayan ng tricycle. Pawis na pawis ito, mukhang kakatapos lang magpastol ng alaga nilang baka. Sya nga si Sixto Magtibay, kababata ko.

“Dyan kina Mayor, tatanungin ko kung naghahanap pa sila ng sekretarya para dun sa anak nya.” sabi ko at nagtawag na din ng pwedeng sakyan. Ayokong maglakad ngayon at baka masira pa ang magandang sapatos na hiniram ko pa dun sa kapitbahay namin para lang maging presentable akong tingnan.

Kunot-noong tumitig sa akin si Six at pinigilan agad ako nung sasakay na sana ako sa tricycle. “Hindi ba yun yung tinutukoy mo sa akin na lalaking bastos na nakabanggga mo kahapon?”

Binawi ko naman agad sa kanya ang kamay ko. Magaala-singko na ng hapon at kailangan ko ng magadali. “Mamaya na ang kwento Six, baka gabihin pa ako dun kaya kailangan ko ng umalis.”

Hindi ko na pinansin ang mga sinabi nya. Makakapaghintay naman sya pero yung trabaho ko hindi pwedeng paghintayin. Ang hirap talagang maging mahirap lalo na kung kahit patalim hindi mo makapitan.

“Sa mansyon po ni Mayor Vera Cruz.” sabi ko sa driver.

Tumango ito. “Pupunta ka ba sa okasyon doon, ineng? Bihis na bihis ka.” sabi nya sa akin na nakapag-pakunot sa noo ko. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon dahil wala akong oras na makipag-chismisan. Kailangan kong ihanda ang sarili ko para mamaya.

Pagdating ko sa masyon ay agad akong bumaba at inabot ang bayad kay manong. Agad bumungad sa akin si Manong Ben na may kasama pang dalawang bagong security guard. Medyo maingay katulad nung pumunta ako kahapon. Ano kayang meron?

“Hi, Manong!” bati ko sa kanya pero agad akong hinarang nung dalawang malalaking security guard. Agad akong napataas ng dalawang kamay. Naku!

“Wah! Wala po akong ginagawang masama. Isa lang po akong babaeng nangangarap. Kapkapan nyo man ako wala akong dalang armas. Tawagan nyo man nanay ko, wala ho kaming sandatahang lakas. Kaya wag po!” mabilis kong sabi sa kanila at bakas sa mukha nila ang gulat. Okay, masyado akong over acting, dapat pala medyo light lang. Nagmukha tuloy akong baliw.

“Ahh, pasensya na kayo dyan. Masyado lang talagang mapagbiro ang batang yan. Inimbita talaga sya ni Mayor Vera Cruz. Halikat iha, tatawagin ko lang si Tonya para ayusan ka na.” sabi sa akin ni Manong Ben. Nagtaka naman ako. Ayusan? Para saan?

Hindi na ako nakapagtanong pa dahil agad-agad na dumating si Tonya, isa sa mga kasambahay nila. Saktong dumaan sya kaya nakuha na agad ako.

“Anong meron, Tonya?” tanong ko kasi napansin kong ang daming tao na halos nagkakagulo. Ang ayos din ng garden nila, parang may party. Parang magic ang paligid..

Ngumiti sya sa akin tapos pumasok kami sa isang kwarto doon. Nasaan na ba si Mayor? Ang sabi nya bumalik nalang daw ako ngayon at doon nalang kami mag-uusap.

“Nagpahanda si Mayor dahil dumating na din ang panganay at ang unico iho nya.” sabi nya sa akin. Napatango-tango nalang ako pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din makuha kung bakit ako nandito sa harap ng isang malaking salamin, imbes na sa harap ni Mayor.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon