Chapter 4

11.4K 227 9
                                    

Clara's Point of View:

It's been two months mula nang may mangyari sa 'min ni Dave, no, what I mean is mula no'ng pwersahan niya akong inangkin.

Pakiramdam ko ang laki ng ipinagbago ko, araw-araw ko na siyang sinasagot kaya palagi kaming nagsisigawan. Hindi na masyado ang pananakit niya sa 'kin kasi kahit papaano tinutulungan na ako ni Nathan.

Mula noong aksidente ko sa kanyang nai-kuwento ang dinaranas ko sa asawa ko ay palagi niya akong dinadamayan, kaya kahit papano ay nagiging magaan ang loob ko.

Sa ngayon, sinamahan ako ni Nathan magpunta ng Hospital para mag pa-checkup, ang bigat kasi ng pakiramdam ko 'yong tipong palagi akong dinadalaw ng antok at kung minsan madalas din akong nahihilo.

"Okay ka lang ba?" tanong sa 'kin ni Nate.

"Oo, naman." Nakangiti kong tugon.

"Hindi ka na ba sinasaktan ng gag* mong asawa?" muling tanong niya.

"Uhm, minsan na lang. Ano ka ba, don't worry about me, I'm fine." sagot ko sa kanya.

"Mrs.De Castro, you're next!" Nakangiting tawag sa akin ng nurse.

Tumayo na ako para pumasok sa loob. Kinuhanan niya ako ng kung anu-ano para i-test then after an hour masaya siyang bumalik sa loob.

"Congratulations, Mrs! You're a month pregnant, same as you Mr.De Castro!"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung maiiyak ba ako o matutuwa dahil magkaka-baby na ako.

"Hi–hindi po ako ang asawa niya, kaibigan lang po." Alanganing tugon ni Nate.

"Bu-buntis po ako?" Pag-uulit ko sa sinabi niya. Hindi, hindi pwedi! Mahihirapan ang magiging anak ko nito.

"Yes, Mrs. Kaya kaunting ingat lang po sa sarili, bawal kayong ma-stress dahil baka mapaano si Baby." Paalala sa akin ng doctor.

"Okay po." Sagot ko na lang.

Paglabas namin ay kaagad naman akong tinanong ni Nate.

"Paano 'yan? Sasabihin mo ba 'yan sa hayop mong asawa?" nag aalalang tanong n'ya.

"Hindi ko alam, siguro 'wag na lang muna, saka na lang siguro." Tugon ko. Hindi ko pa rin kasi alam ang gagawin. Kailangan kong pag-isipan ito.

"Alam mo, Clara, iwanan mo na lang kaya ang hayop na 'yan, tutulungan kita."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Nate. Pero hindi pwedi, eh, madadamay siya pag ginawa ko 'yon, besides ayaw ko namang lumaki ng walang ama ang anak ko.

"Alam mo, pag-isipan mo kaya 'yan." dagdag niya pa.

"Pag-iisipan ko, sige. Mauna na ako, baka nasa bahay na si Dave." Paalam ko sa kanya.

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Dave kasama ang isang bago na namang babae.

"Hey, Hon! Who is she?" Malanding tanong ng babaeng impakta.

"Her? She's my slave."

Natawa naman ang impakta sa sinabi ni Dave.

"Hey! My Hon's slave, paki-kuha nga ng tinidor!" Mataray niyang utos sa 'kin.

Sa sobrang inis ko kinuha ko ang tinidor at ini-ambang itusok sa bunganga niya.

"Oh, hayan!" Sabay talikod ko. Pero laking gulat ko ng bigla niyang hilain ang buhok ko.

My Devilish Husband (Under Revision)Where stories live. Discover now