Chapter 1

16.3K 271 10
                                    

Clara's Point of View:

I'm Clara Sophia Mendez eighteen years old at anim na buwang kasal kay Clark Dave De Castro ang lalaking akala ko mabait at mahal ako 'yon pala lahat ng kabutihang ipinapakita niya sa akin ay puro kasinungalingan lang pala.

FLASHBACK.


Nasa bahay ako ngayon nila Dave para sa aming group project, since kami yung medyo malapit ang bahay sa isa't-isa kaya kami ang magka-grupo kasama ang kambal niyang si Dylan Carl.

Hindi ko inaasahan ang nangyari ng gabing iyon, habang hinihintay naming bumaba si Dave nag-uusap lang kami ni Dylan.

"Clara can I kiss you?" He asked me. Bahagya akong napaatras dahil sa dahan-dahang pag lapit niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong binalot ng kaba.

"W-what?" Nanginginig ang boses kong tanong sa kanya.

"I said, can I kiss you?" Medyo galit na ang tono ng boses niya. Parang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon, hindi siya 'yong Dylan na kilala ko. Dahil sa takot kaya naisipan kong magtungo sa kanilang kusina sa pagbabakasakaling mayroong tao roon, ngunit gano'n na lamang ang pagka dismaya ko dahil walang katao-tao roon.

Akala ko titigilan na ako ni Dylan, pero laking gulat ko nang makita siyang nakasunod sa likuran ko.

Tuluyan na akong napaiyak matapos niya akong hawakan sa maseselang parte ng katawan ko, pinipilit niyang gawin sa akin ang bagay na hindi naman dapat.

"D-Dylan... Please, no!" Pagmamakaawa ko sa kanya, ngunit tila hindi niya ako naririnig. Tuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

I was only 17 and he's 19, almost developed na 'yong katawan niya, samantalang ako, maliit lang ang katawan ko at patpatin pa, kaya ano nga ba naman ang laban ko sa kanya? Idagdag pa yung realidad na nasa bahay ako nila, mismong bahay nila.

"I want you Clara and your damn hot sexy body!" Boses demonyong usal niya pa. Napailing na lamang ako dahil alam kong hindi si Dylan 'to. Hindi ko siya nakilalang ganito.

Dahil sa takot na nararamdaman ko sa mga oras na 'to kaya ginamit ko iyong lakas para maitulak siya, mabuti at nag tagumpay ako sa ginawa ko.

Nanginginig pa rin ang buong katawan ko at wala na akong ibang maisip kundi ang kaligtasan ko. Kahit nanginginig ang kamay at mga tuhod ko ay nagawa ko pa ring hugutin ng pa simple ang kutsilyong malapit sa may likuran ko.

Nang akmang lalapitan na naman ako ni Dylan para gawan ng masama ay hindi na ako nagdalawang isip pa, mabilis kong itinarak sa kanya ang kutsilyong hawak ko.

"Dylan tama na!" Umiiyak kong pagmamakaawa sa kanya, dahil kahit nasaksak ko na siya ay pilit niya paring pinagnanasahan ang katawan ko.

Dalawang beses kong itinarak sa tiyan niya ang kutsilyong hawak ko, nang makita ko ang dugo sa kamay ko at sa sahig ay doon ko lang nabitawan ito.

Napatakip ako ng bibig habang walang tigil sa pag iyak.

"No-no, hi-hindi ako 'to!" Umiiyak kong sabi habang pinagpapalipat-lipat ko ang tingin sa palad ko na napuno ng dugo at sa katawan ni Dylan nakahandusay na ngayon sa tiles.

"Wh-what happened? Dylan? Dylan!"

Mabilis na tinahak ni Dave ang hagdanan pababa para lang malapitang ang kapatid niya.

My Devilish Husband (Under Revision)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ